The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 21: Puyat

24 2 0
By keulisyel




Kabanata 21

Puyat

Si Natalia ang bumungad sakin. Nakapulupot siya ng kumot ng dinatnan ako. Halata sa kanyang mukha ang pagodd at antok.

"Saan ka galing?" Mariin niyang bulong at sumulyap ng isang beses sa hagdan bago binalik ulit ang tingin.


"Yung ka trabaho ko kasi hindi pumasok. Kaya ako muna ang gumawa." Dahilan ko.


Bumuntong hininga siya. "Seryoso? Akala ko madaling araw ka na uuwi! Akala ko may nangyareng masama sayo! Wag na wag lang maglalakad mag isa! Leanna. Maganda ka at inagatan mo naman ang sarili mo!"


"Sumakay naman ako ng tricycle. Pero hindi ko pinapunta dito. Okay lang ako." Dumiretso siya sa sofa ang akala ko ay wala na siyang balak papasukin ako. Dahil sinermonan niya na kaagad ako, napangiti na lang ako.


"May tinira akong pagkain diyan. Matutulog na ako. Night!" Paalam ni Natalia at madaling tinahak ang hagdanan.


Hindi na ako kumain at nilapag na lamang iyon sa refrigerator. Wala akong gana at tinatamad na ako dahil sa sobrang antok.


Nakakapagtaka bakit ako dinala ni Craigan doon? Hindi ba, binaba niya na ako sa may kanto noon? Bakit hindi niya iyon natandaan? Sadyang lasing ba siya at nakalimot o gusto niya lang akong inisin ngayong gabi.


Umiling na lang ako. Matutulog nalang ako mabuti pa. Kaysa isipin ang mga pinag gagawa niya.


"Leanna! Leanna! Gumising ka na. May pasok ka pa!" Naramdaman kong niyuyugyog ang aking balikat. Dumilat ako at nakita si Natalia na ilang beses ako sinabihang gumising.


Tumayo ako at may tualyang nakasabit sa kanyang balikat. Nagtaka siya na hindi ako maagang nagising ngayon.


"Umuwi ka pa ng gabi, a? Mag ayos ka na!" Bilin niya at inabot ang tualya sakin.


Antok na antok ako. Parang ayokong pumasok dahil lang sa antok. Gusto kong bumagsak sa kama. Nakakainis ka talaga Craigan. Nang dahil sayo antok parin ako. Parang buong oras akong tulala at hindi naibsan ang antok ko. Maligo at magkape ako kung sakaling mawala.


Naliligo ako kahit lamig ng tubig ay antok parin ang nararamdaman ko. Na pwede akong matumba dahil ang mga mata ko ay ayaw munang umangat. Kumurap ako at huminga ng malalim bago nag banlaw.


"May pagkain na don sa baba. Mag almusal ka. Ilang oras ka lang nakatulog. Sa sunod wag ka na pumayag." Sabi ni Natalia habang nag aayos ng buhok at sinesermonan ako habang nakatingin siya sa salamin.


Wala akong ganang makipagusap. Parang bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay mas lalo akong tinatamaan ng antok.


Pagkababa ang bumungad sa akin ang ingay galing sa labas. Hindi na ako magugulat kung iyon ang araw-araw kong madadatnan. Sanay na ako sa mga nakikita kong sugal at hiyawan nila tuwing nanalo o natatalo. Binalewala ko iyon at dumiretso sa lamesang may pandesal na sa lapag.


Embes sa mesa dahil gutom na ako. Nag tungo ako sa counter para gumawa ng kape. Halos gusto ko na ibuhos lahat ng caffeine sa aking baso para lang magising. Kapag ginawa ko iyon, baka hindi na ako makatulog.


"Pumasok ka! Mauuna na ako." Bati niya nang tumayo ako sa hapag dahil tapos na akong kumain. "May pera ka pa ba?" Humina na ang kanyang tono ng tinanong iyon.

Tumango ako. "Mag ingat ka."

"Sigurado ka, a?" Ngumuso ang mapula niyang labi at alam kong may pupuntahan nanaman ito. Wala akong ideya kung saan siya naghahanap o nagtatrabaho kung ano.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Dumiretso na ako sa taas para mag ayos na sa sarili at gamit. Sa tingin ko ay kailangan ko na i-advance ang sweldo ko para lang ibili ng libro. Kailangan ko na iyon para mas lalo ko maintindihan at hindi sa notebooks laging sinusulat ang lahat. Mas maganda ang libro dahil lahat ay nandoon.

Hindi ko alam kung papayagan ako i-advance ang sweldo. Dahil kakapasok ko lang doon. Hindi ako sigurado pero susubukan ko.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng pinto at dalawang hakbang na lamang ang pagitan ay narinig ko na ang pangalan kong pinaguusapan.

"Nira saang nag aaral yung magandang dalaga. Ano nga ba ang pangalan non? Leanna ba?"


"Leanna mere. Magandang dalaga parehas lang sila ng pinsan nila." Sagot ng boses matanda.


"Oo iyon nga, Trina. Sa sikat na paaralan iyon pumapasok. Sandali . . . Mayaman na kayo Nira?"


Kumunot ang noo ko. Alam kong may ilang oras pa ako para makapasok pero mas pinili kong makinig.


"Hindi pa mare." Tumawa si tita Nira. "Ewan ko ba don. Nag aaksaya lang ng pera para sa pagaaral. Wala nga ng yare kay Rhonda nang nag aral. Mas lalo pa nga humirap. Ito, mas lalo rin kaming humirap nang dahil sa kanya."

"Sinong Rhonda ba yan, Nira?"

"Wag niyo ng alamin. Wala na akong balita don." Humalakhak si tita Nira.

Napakurap ako ng ilang beses. Sino si Rhonda? Sinong Rhonda ang tinutukoy ni tita? Naguguluhan ako. Alam kong usapang matanda nila iyon kaya binalewala ko nalang. Lumabas akong normal na parang wala nadinig. Hindi ko sila sinulyapan at nag madaling dumiretso sa kalsada.

Sa locker ako nag tungo. Sa totoo, antok na antok parin ako. Kinuha ko ang mga kakailanganin kong notebook at ang hindi at binalik ko sa loob. Nakatali ang buhok ko ng pony tail nang dumiretso dito.

"Hey!" Hindi ko iyon pinansin. Pero malakas ang kutob ko na si Craigan ang nasa aking likod.


"Hey!" Ulit niya at sumandal sa locker. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata nakangiti siya. Hindi ako sumulyap at marahan kong naisara ang locker ko. Nakita ko ang paglingon ng estudyante dahil sa aking ginawa.

"What did I do wrong? What are you mad about? Hmm? Again?" Bulong niyang panglalambing.

Pinilig ko ang aking ulo at tumingin sa kanya. Nakuha ng atensyon ko ang hawak niyang puting roses na nakaangat sa akin. Gusto kong irapan siya pero mas pinili kong kumurap.


"Antok na antok ako ng dahil sayo!" Mariin kong bulong. Nag titimpi na hindi sumigaw. "Anong kailangan mo?"


Hindi siya sumagot at kinagat niya ang kanyang labi. Umiwas siya ng tingin.


"Alam mo kung nasaan ako bumaba noong hinatid mo ako. Sinadya mo talagang mapuyat ako kaya mo ako nilayo?" Dagdag ko.


"Galit ako kay Jarvis kaya kita kinuha. Gusto ko makita niyang . . . Argh! Never mind . . . Just . . . Dammit!" Umiling siya at hinawakan niya ang kanyang panga.

"Kung hindi kayo magkasundo. Wag niyo akong idadamay para lang uminis kayo sa isa't isa."

"Hindi kita dinadamay Leanna." Tumingin na siya sakin. "White rose?" Inangat niya ang puting rose sa akin.

"Ligtas ako nakauwi kagabi. Buhay ako. Hindi mo kailangan maging masyadong maaga." Pilit akong ngumiti.

"Ang akala ko patay ka na. Patay na patay sakin kaya kita inaabutan nito." Mas lalo niya nilapit ang puting rose sa akin.

"Malapit na!" Umirap ako at humakbang ng paatras isang beses pero bigla niyang sinigaw ang pagalan ko.


"Leanna! Parang laging may mali tuwing mag bibigay ako. Wala naman ako ginagawang masama. Darn it!" Mariin at iritado nang binanggit niya iyon.


"Dude! Dude! Ang aga natin mag wala, ah!" Sumulyap ako sa kanya at nakita kong papalapit sa amin si Freidkin. Tinapik nito ang balikat at bumaba ang kanyang tingin at nanlaki ang mata nang nakita ang hawak ni Craigan. "May nililigawan ka ba? Wow! Ngayon lang muli na ulit. Akala ko ba, ayaw mo na?"

Hindi siya pinansin si Craigan. Igting ng panga lang ang ginawa niya.


"Hey lady! Pwede ba daw'ng manligaw ang kaibigan kong si Craigan?" Natatawang sabi ni Freidkin pero halos kami dalawa ay seryoso and wait! Mag kaibigan sila? Ang buong akala ko ay mag kapatid dahil nakikita ko sila sa isa't isa sa katawan.

Umirap ako at bubulyawan na sana si Freidkin pero mabilis siyang sumagot. "Dude! Mukhang busted ka na dito!" Humalakhak siya.

"Wala akong oras para sa mga lecheng bagay na iyan. Pwede ko isama yan sa burol niyong,"Bumaling si Craigan sa akin pero nag patuloy ako. "da-dalawa!" Ang kanyang labi ay nagtatakda sa isang mahirap na linya. Na parang na disappoint niya nang hindi ko iyon kinukuha.


Sa lahat ng pinakaiinisan ko ay mag nag aabot ng mga bagay sa akin. Lalo na't ang mga bulaklak o mga gamit para lang akitin ka. Puyat na ako at mas lalo ma akong maiinis sa nakikita ko.

"Damn dude! Dinamay mo pa ako!" Tumawa si Freidkin at alam kong mangangasar lang 'to "Hey lady! I'm happy with my bed life. I mean, you know what I mean. Please don't kill me!" Humalakhak si Freidkin. Nanliit ang aking mata.

"Dude he's always mad . . . At me! Wag mo nang dagdagan!" Saway ni Craigan sa kanya at ngumisi nang nahuli niya akong nakatitig parin sa kanya.

"Woah! What did you do dude?!" Tumawa ulit si Freidkin. Na parang nag papatawa ako para tumawa siya ng tumawa.

"I gave her a ride home."

"Then. What did you do next?" Nanlaki ang mga mata
ni Freidkin na parang may naiisip kung ano. "Did you use a condom?"

"Beautiful like her? Sa tingin mo, gagamitan ko siya ng ganon?" Ngumisi si Craigan sa akin. Nanliit ang aking mata at mas lalo akong nainis pero mas pinili kong mag timpi dahil alam ko kagaya nilang tao ay mahilig sa gulo.

"Totoo dude may nangyare?" Dagdag pa ni Freidkin. Hindi na ako nakapagtimpi.

"Freidkin." Tumikhim ako. "Kung iyon sa tingin mo ang gawain ko. I'm sorry to say pero hindi, e. Mag hanap kayo na pag lalaruan. Gusto ko ng kaibigang mabuti. Kaya please, wag niyo ako idamay sa malaswa niyong pagiisip." Kumunot ang noo ni Craigan sa akin. "May klase pa akong pupuntahan. Bye."

"Ilang beses mo na ginawang dahilan yan Leanna? Huh? Ilan? Para lang makatas? Miss huh?" Umiling ako at tinalikuran siya. Kagabi pa akong na bi-bwiset sa kanya. Lalo niya pa akong ininis kasama pa ang kanyang kaibigan!


Nang natapos ang klase ay dumiretso na ako sa canteen para lang uminom na kape. Hindi kami nakapagusap ni Craigan at nakatabi dahil sa front row ako umupo na isa na lamang ang bakante.

Pinilig ko ang aking ulo, bumubuntong hininga at kumukurap kasabay ang pagsimsim sa kape. Hinawakan ko ang kape at dinama ang init sa plastik cup. Pumikit ako ng ilang sandali na parang natutulog saglit. Narinig ko ang pag urong ng upuan at ingay ngunit binalewa ko iyon. Parang unting unti nawawala ang antok ko. Naramdaman ko ang pagdampi sa aking daliri nang dahilan na napadilat ako.

"Hey!" Bungad ni Craigan nang dumilat ako. May kape sa kanyang harapan at tray na may dalawang sandwich na nakalapag roon. Nang nakita ko siya, nawala ang relax at tahimik kong naramdaman. Naiirita nanaman ako.

"Maraming mesa. Doon ka na umupo." Ngumuso ako at inangat ang sariling kape para uminom.

"I'm sorry about what I said again. I'm mad." Suminghap siya at humilig sa kanyang upuan. Pinaglalaruan ng kanyang daliri ang mesa na ilang beses iyon pinipindot habang inaantay ako mag salita. Binaba ko ang hawak saka siya hinarap.

"Tungkol ba 'to sa condom?" Natatawa kong tanong pangaasar.

Tumango siya. "I am very sorry for what I said." Bumuntong hininga siya at umayos sa pagkakaupo. "Hi-hindi ko ulit iyon babanggitin."

"Hindi ako naiinis don. Gaya ng sabi ko, sanay na ako sa ganyang salita. Pero sana wag naman iyong masyado na parang ginagawa nga. Napakaseryoso mo kasi kanina. Ano iisipin ni Freidkin na naiinis ako dahil alam niya na nangyare iyon?"

"Leanna." Panimula niya. "Let me explain. Freidkin is my best friend. Mahilig kaming mag biruan sa ganoon na parang sineseryoso. Pero biro lang iyon . . . Kung meron man nangyare, hindi ko iyon pagkakalat."

"Ano iyong nasa library? Anong tawag doon?" Shit! Dahil sa inis ko pati iyon ay sinali ko. Damn you mouth!

Umigting ang kanyang panga at gumuhit na ang Iritasyon sa kanyang mukha. Alam kong nahihiya siya doon at inulit ko pa.


"I-I'm sorry! Hindi ko sinasadyang itanong iyon. Pasensya, naiinis lang talaga ako. Pasensya talaga." Madali kong kinuha ang cup at tumayo. Hindi na ako sumulyap pa sa kanya.

Leanna, sana lang na wala ka makaaway dito. Sana.

Si rest room ako dumiretso dala ang kape. Gusto ko munang mag tago dahil sa aking nasabi kanina. Hindi ko talaga iyon sinasadya. Naiinis lang talaga ako.

"Girl nakilala mo na ba ang bagong lipat dito?" Napasulyap ako sa cubicle na ako lang ang tanging wala doon sa loob.

"Oh god! Sa dami ng bago ano sa tingin mo, makikila ko iyon kaagad? God Aria!"

Nanliit ang aking mata. Aria? Nandito siya. Natandaan ko iyong isang araw na naiinis ko siya dahil hindi ko masyado sineryoso ang kanyang tanong non.

"Hindi ko inaasahan na isa sa mga iyon ay boyfriend iyong boyfriend ko." Pagtataray ni Aria.

"May boyfriend ka na? And sino iyong tinutukoy mo?"

"Starts with a letter L!" Nang narinig ko iyon ay malakas na ang kutob ko na ako iyong tinutukoy ni Aria. Hindi pa ako nakakasigurado. "Sa harapan ko pa mismong nag describes! Like duh? Lakas ng loob! Alam ko naman na iyon yung tinutukoy niya pero ayaw niya lang aminin dahil pinapahirapan niya pang pasugutin iyon."

"Hindi pa naman pala boyfriend, girl e! Excited ka naman." Tawa ng kanyang kausap.

"Pero iyon ang feeling ko. Pakitang pakipot kahit naman ay gusto. Nakita ko sila kanina na inabutan ng roses. Just wow! Akala niya hindi ko iyon nakita."

Hindi ako nag kamali. Ako nga ang tinutukoy ni Aria. Kung ganoon, bakit ginawa iyon ni Craigan kanina? Nakapagtataka, totoo ba yung kini-kwento ni Aria? Ano ba yung iniisip niya na, na si Craigan lang ang may features na ganon?

"Diba girlfriend ka? Bakit wala ka ginawa?"

"May oras din siya sakin. Bilisan mo na nga diyan mag bihis! Dami mo pang arte puro lang naman tayo babae dito. Di lang ako!" Bulyaw ni Aria sa kausap. Narinig ko ang pag unlock ng cubicle kaya madali akong tumakas.

Continue Reading

You'll Also Like

310K 5.1K 23
Dice and Madisson
4.8K 89 9
~Jovial Boys Republic Series~ Book 2 Si Lorraine ay isang babaeng PALABAN at WAIS. Gagawin niya ang lahat ma-impress lamang ang kanyang ama kahit pa...
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
43K 701 23
PERFECT ONE.. sabi nga nila walang perfect sa buhay ng tao.. pero..para sa akin..perfect na ang magkaroon ng asawa at mga anak.. ...