The First Kiss of My Last Lov...

keulisyel tarafından

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... Daha Fazla

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 17: Group
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 18: Did

16 2 0
keulisyel tarafından



Kabanata 18

Did

Nang nakauwi na ako ay kinewento ko kay Natalia ang mga nangyare kanina. Of course, tungkol lamang iyon sa pageant. Hindi ko isinali ang paglapit ng mukha ni Craigan at syempre pati ang naganap na gulo. Nag hilamos muna ako at tinali ang buhok bago dumiretso sa bahay.


"Totoo? Sumali ka sa pageant para lang ibigay sakin y-yung tuition fee?" Naguguluhang tanong ni Natalia at siya naman ngayon ang tumatanggi sakin.


"Oo. Sayang rin iyon. Wala naman akong kilalang mabibigyan. Sayang ang dalawang taon mo Natalia, kung tatangihan mo lang."


"E, kasi, e. Hindi mo na kailangan bumawi. Hindi naman kita sinisingil!" Pag tatanggi pa niya." At kaya mo ba rumampa sa harapan? Pala-kaibigan ka pero, hindi ko inakalang kaya mo sila harapin lahat?"


Natigilan ako. Gusto ko mag mura. Halos nga kanina manlamig ako dahil sa kahihiyan nang nasa akin ang atensyon, paano pa kung sa harapan mismo? Kailangan ko na ba talaga kaya napagdesisyunan ko kaagad iyon? Pumayag ako ng hindi gaanong napagisipan.


"W-wala namang masama kung susubukan ko hindi ba?" Wala sa sarili kong dahilan. "Subukan lang natin. Malay mo, 'tong bagay na 'to malaking maitutulong. Sayang rin iyon at nakaperma na ako sa offer."


Bumuntong hininga siya at tumayo. Lumapit siya sakin, pinagmasdan ako at ngumiti sakin na parang nababasa kung ano nasa mga mata ko, ngumiti ako nang pabalik at bigla niya akong niyakap.


"Susuportahan kita. Wag mo 'to gawin para sakin. Gawin mo 'to para sayo. Alam kong kaya mo 'to dahil pangarap mo." Bulong niya at kumalas saking yakap.


Napaluha ako dahil sa mainit niyang yakap. At last, may nararamdaman akong nag susuporta sakin at minamahal. Kaya hindi masisi ni Natalia bakit ko nagawa ang bagay na iyon sa kanya.


"Kapatid mo na ako kaya't dapat ako ang gumagawa ng paraan." Tumawa siya. "Kailan ba yon? Sigaraduhin mong makakanood ako."


"Oo naman. Wala pa naman binalita kung kelan. Kinakabahan ako dahil may voting pang magaganap. At paano kung hindi ako napili?"


"E kasi wag mo munang isipin ang bagay na iyan. Paano ka makakapag focus kung iyan ang una mong pinapairal?"


Kinagat ko ang aking labi. Nakita kong napatalon si Natalia dahil sa sunod sunod na katok. Halos ako, wala na maramdaman dahil daming naiisip. Umatras ako at marahan niyang binuksan ang pinto.

Nakita ko si Tita Nira nakasimangot na bumungad samin.


"Ma!" Gulat na sabi ni Natalia.


Hindi pa alam ni Tita ang tungkol don sa pageant. Dahil nasa labas siyang naglalaro at hindi niya naman ako pinapansin kaya't dire diretso ako nag tungo rito.


"Natalia. Ayusin mo na ang mesa. At yung garahe, pakibilisan dahil maglalaro pa kami bukas." Masungit na sabi ni tita Nira. Sumulyap sakin si Natalia at ngumiti bilang pag paalam bago lumabas ng pinto. Nanatili parin ron si tita Nira at kinalibutan nang hindi siya sumunod.


Aaktong tatalikod na sana ngunit nag salita siya. "Saan ka nag ta-trabaho?"


"Sa Coffeehouse po, tita." Pilit kinalma ang tono kahit natatakot ako sa kanya. Dumiretso na siya sa loob at marahang sinara ang pinto kaya't napaatras ako ng isang beses.


"Ano trabaho mo don?"



"Waitress po." Gusto ko na lamang dumiretso sa banyo at iyon ang gawing dahilan para makatakas sa kanya. Ngunit di ko magawa dahil nakulong ako sa kanya, dahil sa bawat sulyap niya at may pagbabanta.


Tumango si tita at humalukipkip. "Nag aaral ka sa sikat na paaralan. At hindi ko akalain na sa gawaing yon ay napapagpatuloy mo pa." Puno ng pausisa ang kanyang tono. Mas lalo akong kinakabahan.


"Iyon din po inakala ko," wala sa sarili kong sabi. "Pangarap ko kasi kaya pinaghihirapan."


Tumango tango siya sakin. Hindi ko maiwasan ang kanyang mga mata.



"Siguro naman ay marami ka ng pera." Ngumiti siya. Pinagdadasal ko na sana bumalik na kaagad si Natalia. "Dahil noon pa man, ako na lahat nag gastos sayo diba?" Hindi ko alam na parang paulit ulit niya iyon binabalik sakin. Napalunok ako para hayaan pa siyang dumugtong. "Hindi sa sinisingil. Syempre may pangangailangan rin, kami, ng anak ko. Hindi namang pwede na wala ka na ibibigay sakin."


Naninigas ako sa aking tinatuyuan. Hindi ako sigurado kung lasing si tita.


"Tutulungan ko po kayo kapag nakapagtapos na ako."


"Kapag? Ilang buwan pa iyon diba? Bakit? Bakit hindi mo nalang akong abutan ngayon at mukhang okay ka na, may asawa ka na?"


Umiling ako. Gusto ko na kagatin ang aking labi. Pinipigilan ang sarili. "Wala po tita. Noon pa man wala ako naging boyfriend. Aabutan ko kayo, wag kayong mag alala."

"Maganda ka. Bakit hindi mo gamitin sa lalaki para pangakit ng pera?"


Gusto malalag ng aking panga. Paano pa kaya kung malaman niya ang tungkol sa pageant? Kakausapin ko si Natalia na sana ay wag munang banggitin kay tita ang tungkol don.


"Hindi po akong ganong tao. Kaya ko buhayin ang aking sarili na hindi gumagamit ng kung sino." Hindi ko napigilan lumabas iyon saking labi. Hindi rin akong nag sisi na nasabi iyon.


Umirap si tita Nira at ang kanyang palad ay nasa door knob na. "Nag aaral ka nga wala ka paring silbi. Sinasayang mo lang ang pera, wala ka naman palang binabatbat!"


Marahas niyang binuksan ang pinto at iniwan akong tulala at nakaawang ang bibig dahil sa huli niyang sinabi sakin. Parang unti unti nawawala ang aking hininga sa bawat buntong hininga ko. Hindi ako makapaniwala na iyon ang gusto ni tita Nira na gawin ko para sa kanya. Magiging masaya na ba siya ulit kapag ginawa ko ang bagay na iyon.



Nilabhan ko ng sandali ang aking uniform. Hindi naman masyadong makapal iyon. Marami naman akong sando kaya kailangan ko pa bumili ng uniform. Hindi ko na kailangan bumili ng marami, mga tatlong piraso nalang siguro kasi malapit na rin naman matapos ang year ko . . . Matagal tagal pa pala.


Habang maaga kailangan ko na mag ipon. Bumaba na ako at ang suot ko kagabi at iyon nanaman ang ginamit ko. Dahil okay pa naman iyon.


Umamba na akong bubuksan ang pinto pero naunahan na ako ni Natalia. Kinuha niya ang aking palad at may inipit ron. Madali siyang bumalik sa labas na parang may hindi pa siya natapos don.


Binuklat ko ang aking palad at hindi na tuluyang nakalabas. Nakita ko ang 500 pesos na binigay sakin ni Natalia. Nanlaki ang mata ko at kaagad kinuyom ang kamao. Bakit niya nanaman akong inabutan?



"Ano yan?" Napatalon ako sa tono ni Tita Nira na nasa aking likod. Mas nahigpitan ko ang pagipit ng pera saking kamao. Luminga kaagad ako sa kanya.



"Y-yung ano po, tita?" Tanong ko at aaktong ililipat sa likod ang braso ngunit nahuli niya ang kanan kong braso pero ang perang hawak ay nasa kaliwa. Pa sekreto kong nilagay ang pera sa likod. Ito ang unang beses na nagtago ako ng pera sa kanya.



Nanatili na nakakamao ang aking kanan na palad. Tinitigan niya iyon at unting unti ko nararamdaman ang mariin niyang hawak roon.


"Ano yung hawak mo?" Iritadong tanong ni Tita Nira sakin.


"Ano pong hawak?" Inosente kong tanong kahit alam kung ano pinaparating niya.


Naramdaman ko na ang kanyang kuko sa aking braso. Mariin niya iyon binabaon. "T-tita, nasasaktan po ako."


Hindi makagalaw ang aking kaliwa kong kamay. Hindi ako pwedeng manlaban kay tita.


"Leanna. Alam mong ayoko tinataguan ako lalo na pagdating sa pera." Mas lalong dumiin ang kanyang kuko. Yumuko ako para makita iyon. Nakita ko ang mahabang kuko ni tita na mariing binabaon. Napadaing ako sa sakit.


"H-hindi ko po kayo maintindihan." Tangi kong nasabi. Binitiwan niya ang braso ko ngumit mas naramdaman ko ang kirot don. Hinahayaan kong nakabagsak ang aking braso na parang wala ng yare.


"Mauuna na po ako tita." Nanginig kong sabi at mabilis tumakas sa kanyang harapan.


Nang nakalayo na don, tinitigan ko ang aking braso. Nakita ko ang tatlong mariin na kalmot. Halatang halata iyon sa balat ko. Wala namang makakapansin nito at wala naman may pake kung ano mangyare sa katawan ko. Hindi ko na napansin si Natalia dahil sa pagmamadali ko, ang alam ko ay sa trabaho iyon dumiretso.


Hindi ko na binigyan ng pansin ang kirot saking braso at dumiretso na sa Coffeehouse. Nag ayos na at pagkatapos ay ang simulang mag trabaho.


Nakita ko ang pagpasok ni Craigan. Umupo siya sa may malapit lamang ng glass door. May nakita akong tray don at coffee at halatang kakaalis lang ng umupo don. Yung iba ko naman kasama ay busy sa ibang mesa. Wala na akong nagawa kaya ako na ang dumiretso don. Nakita ko si Craigan na nag aantay na may gumawa. Nakadekwatro siya sa mesa, pinapanood ang aking ginagawa.


"Anong ng yare sa braso mo?" Mariin niyang tanong at nakita kong bumagsak ang kanyang hita, at inilapit ang mukha para makita ng klaro iyon. Ngunit nilayo ko kasama ang tray.


"Leanna." Mariing tawag ni Craigan ngunit hindi ko siya pinansin. Hindi ko inaakalang mapapansin niya iyon at ano naman karapatan niya kung ano mangyare sakin?


"Leanna." Ulit niya. Ang gagawin ko sana ay ilalabas ang note para itanong ang order, pero ang gagawin ko ay tatakas na lang.


"Leanna!" Sigaw niya at hinawakan ang tray para hindi ko iyon maangat. "Sinasaktan ka ng boyfriend mo?" Umiling siya sa tumayo. Tahimik lang ako. Wala naman siyang pake at sino ba siya para malaman iyon?


"What the fuck Leanna! Who the fuck is your boyfriend?" Pinipilit niyang sagutin ko siya. Huminga ako ng malalim at sana ay tinakpan ko na lamang ang aking braso. "Hey! Leanna! Sagutin mo ako!"


"Craig. Nakalmot lang ako ni Natalia dahil sa sobrang excite tungkol don sa pageant. Hindi naman niya sinasadya iyon." Dahilan ko.


Ngumisi at umiling siya. Ngunit di ko maiwasan ang galit sa ekspresyon niya. "Woah! Genius! You're always lying! Fuck it." Marahan niyang sinabing pabulong. "What about pageant . . . And who's Natalia?"


"May trabaho ako, Craig. B-bukas na lang natin iyon pagusapan."


Tumawa siya at dumiretso sa kanyang upuan. "Nice. Nice. Iniiwasan mo ang usapan. Maybe your damn boyfriend did that!"


"Craigan! Si Natalia nga may gawa! Ano bang problema mo?" Nainis na ako sa pagpupumilit niya sakin.


"Ikaw. Alam kong ikaw ay galit na galit dahil para akong kumikilos tulad ng iyong kasintahan. No. Hindi ako, hindi ako kung ano ang iyong iniisip. I'm just a damn guy asking questions!" Galit niyang untag. Napalunok ako sa kanyang sinabi at naramdaman ko na ang mga titig sa paligid.


"Hindi ko sinabi na kumikilos ka tulad ng aking boyfriend. Ako'y sumasagot sa iyong katanungan, ano ang magagawa ko. Ayaw mong maniwala sakin. So, Can I take your order now, sir?"

"Damn you, miss." Nanliit ang aking mata. Hinawakan niya ang kanyang panga at umigting sakin. "One damn cup of coffee," Aniya sa pabulong na tono. "Miss . . ." Mariin niyang sabi.

"Flavor?"

"Black coffee!" Masungit niyang sabi. "Have some coffee. Pretty soon you will stop lying to me." Ngumisi siya at dinala ko ang tray patungo sa counter.

Umiling ako at aaktong gagawin na ang kanyang order. Ano ang tungkol sa sugat ko? Bakit siya ay parang palaging nagsusuri sa akin?


Muntik ko na lamang matapon ang hawak na kape nang nakita ko si Craigan na nakatayo sa harapan ng counter. Hindi ko iyon pinansin at inilapag sa kanyang harapan. "Ako ay pupunta sa iyong bahay pagkatapos ng trabaho mo. Magtatanong ako kay Natalia, hindi ko matandaan kung sinong Natalia iyon. Kailangan ko upang matiyak na hindi ka nga nakasisinungaling sakin, Leanna."


Kinuha niya ang kape at hinawakan ang kutsara. Pinaikot niya iyon. "You look damn afraid. Siguro dahil natandaan mo kung ano ang nangyari sa cafeteria. Na iniisip mo na gagawin ko iyon sa boyfriend mo. Oo gagawin ko iyon. If I saw him. If I knew him."

Napalunok ako ng ilang beses. Nababasa ko ang desperado sa kanyang mata. Umigting ang kanyang panga at gumuhit ang iritado niyang ekspresyon. Nakasuot siya ng tight white t shirt kaya mas naiipit ang kanyang muscle sa braso at mas nakikita ang kisig nito. Mas nakikita ko ang iilang ugat ng kanyang braso. Nang binagsak niya ang kanyang magkabilang braso sa aking harapan.


"Craigan," sa tingin ko ay kailangan ko ng sabihin na . . . "Wala akong boyfriend."

Tumaas ang kilay ni Craigan, nawala ng isang iglap ang kanyang iritasyon at na halatang nag pipigil siyang tumawa. "I don't believe you. You're always lying."

Suminghap ako. "Si Natalia ang may gawa ng braso ko. At wala namang lalaki ang gagawa non sa kanilang girlfriend!"


"You're not lying. Wala ka nga boyfriend. May lalaking ganyan manakit. "


"Huh? Bakit? Ganyan ka rin ba kapag galit?" Hindi ko alam bakit lumabas sa labi ko iyon.


"No. Leanna. Hindi iyon ang aking libangan manakit ng babae. Aking libangan ay, na pagnanakaw ng akin, siya ay makakatikim ng patay na buhangin sa harapan ko."


Nanliit ang aking mata nang seryoso niya sinabi iyon. Mainit ang ulo niya ngayon. Hindi ko alam kung sinong tao nanaman ang kanyang kaaway. Mananahimik na lamang ako at kakagatin ang labi kung may gusto itanong.

"Babalik na ako sa trabaho." Simple kong sinabi nang nakita ang umalis na costumer sa mesa.


"Ang boyfriend mo ay mukhang masuwerte! Ngunit hindi siya magiging mapalad kung makikita niya na ako." Pahabol na sabi ni Craigan nang papalabas na ako ng counter. Umiling ako at hindi siya pinansin. Sumulyap ako sa pinto at nakita ang pagpasok ni Jarvis. Ano rin ang gingawa niya dito?

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

18.1K 681 11
A very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.
1.5M 3.6K 6
[I don't believe in love SEQUEL] Si Ella, ang BITTER na BIDA. Ang Cinderella na walang Prince Charming ang drama. Uubra ba ang pagkabitter niya sa la...
170K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
2M 80.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.