The First Kiss of My Last Lov...

By keulisyel

1.7K 144 3

Love is the singular quest we undertake. The exhilaration of a first love, the intimacy of a first kiss, the... More

Author's Note
New Book!
Panimula
Kabanata 1: Craigan
Kabanata 2: Eskuwelahan
Kabanata 3: Sorry
Kabanata 4: Burger
Kabanata 5: Library
Kabanata 6: Susi
Kabanata 7: Year
Kabanata 8: Offer
Kabanata 9: Game
Kabanata 10: Something
Kabanata 11: Topic
Kabanata 12: Silbi
Kabanata 13: Take
Kabanata 14: Magbasa
Kabanata 15: Aria
Kabanata 16: Lakas
Kabanata 18: Did
Kabanata 19: Stand
Kabanata 20: Gas
Kabanata 21: Puyat
Kabanata 22: Pills
Kabanata 23: Timbre
Kabanata 24: Silver
Kabanata 25: Later
Kabanata 26: Tattoo
Kabanata 27: Humagulgol
Kabanata 28: Kawalan
Kabanata 29: Desisyon
Kabanata 30: String
Kabanata 31: Mariin
Kabanata 32: Aso
Kabanata 33: I Miss You
Kabanata 34: Lasing
Kabanata 35: Labi
Kabanata 36: Linawin Mo
Kabanata 37: Pay
Kabanata 38: Thought
Kabanata 39: Carpet
Kabanata 40: Ideya
Kabanata 41: Only
Kabanata 42: Susundan
Kabanata 43: Umiwas
Kabanata 44: Check In
Kabanata 45: Hotter
Kabanata 46: I Wanted
Kabanata 47: Malaman
Kabanata 48: Focus
Kabanata 49: Luha
Kabanata 50: Last Breath
Kabanata 51: Exist
Kabanata 52: Lost
Kabanata 53: Nagtangka
Kabanata 54: Expecting
Kabanata 55: Lust
Kabanata 56: Often
Kabanata 57: Mahalaga
Kabanata 58: Depressed
Kabanata 59: Iwas
Kabanata 60: Nightmare
Kabanata 61: Hindi Na
Kabanata 62: Sinungaling
Kabanata 63: Gown
Kabanata 64: Diamonds
Kabanata 65: Noon at Ngayon
Wakas

Kabanata 17: Group

19 2 0
By keulisyel




Kabanata 17

Group

Nararamdam ko ang sulyap ni Craigan sakin habang nakatingin ako sa harapan. Lumabas ng sandali si Miss Lacerda na nag paalam na may kukuning saglit.


Nang Pagalis ni Miss Lacerda nakarinig na ako ng munting bulungan sa silid.


"I didn't really expect-na malalagot nga sila kay Ma'am Lacerda."


"Me too. H-hindi ko alam kung ano kaya pwedeng iparusa sa kanila."

Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung saan nakakuha ng lakas ng loob ang mga babae kong kaklase para lakasan ang kanilang pinaguusapan o sadyang gusto pa nila magkagulo.

Tanging yuko at tinangala lamang sa harapan ang aking ginagawa. Iniiwasan ang pwesto nina Craigan at Jarvis. Umiiwas na sa kanila. Alam kong nakatingin sila ngunit pakiramdam ko lamang iyon na walang kasigaraduhan.

Natapos ang klase at nagawa ko naman ang aking iniiwasan. Si Heloise ang nagpahiram sakin ngayon ng libro at kapag nanalo ako ay bibili rin ako kaagad.

"Kakain muna ako, sabay ka na sakin? Pare diretso na kitang makunan ng litrato?" Tanong ni Heloise,


Tumango ako. Napagtanto kong hindi pala ako nakakain kanina ng maayos . . . Dahil sa nangyare. Bumuntong hininga ako bago nag salita. "Sige, nagugutom na rin kasi ako."

Luminga ako sa palagid. Nag sisilabasan na ang kaklase ko, ngunit hindi ko sinasadyang na nahagip ng aking mata sina Craigan at Jarvis na seryosong nakaupo. Lumabas kasi ulit si Miss Lacerda dahil tinawag ng isa naming guro. Hindi ako sigurado kung ilang beses na nangyayare 'to.

Naunang nag martsa si Heloise at yumukong ako sumunod. Pagkalabas namin ng pinto ay kasabay ng pagbalik ni Miss Lacerda sa loob.

"Saan mo ako aayusan?"

"Rest room ng girls! Oh wait . . . Mabuting pinaalala mo, nandoon pala sa locker ko ang mga pangmake-up.


Madali niyang tinahak ang daan. Nilagay ko na rin ang gamit sa loob para hindi na mahirapang bitbitin mga 'to. Pinapanood ko lang si Heloise na hinahalungkat ang locker na parang napakalawag ng loob nito. May binigay siyang cotton sakin at patuloy parin ang pag hanap.

"Nagkalat ang mga make-up." Aniya at naririnig ko ang pag lagay ng mga gamit niya sa isang bag.

"Hey!" Napatalon ako sa mariing pamilyar na boses sa aking likod. Nabitawan ko ang hawak. Aaktong aabutin iyon ngunit nauna na ng nasa likod ko.

Lumingon ako at nakita ang maamong mukha ni Craigan. Binigyan niya ako ng munting ngiti at ganon rin ako. "Hey." Ulit niya.

"Hi! Hey!" Inabot siya sakin ng cotton plastik at kinuha ko iyom.

"Galit ka nanaman ba sakin?" Yumuko si Craigan at kinagat ang labi. Tumaas ang kilay ko. "Dahil ba sinaksan ko si . . ." Pagpapatuloy niya. "Si Jarvis." Mariin niyang sabi.

"Hindi. Wala naman ako pake kung mag away kayo palagi basta wag niyo lang ako isali sa gulo niyo."

"Yeah! Alright! I'm sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Tumingin siya sakin. "Fuck!" Bulong niya saka nag patuloy. "Huli na rin yon, huli na yung mga nakikita mong masamang impluwensiya sakin. Hindi ko sinasadya." Bumuntong hininga siya. "Alam kong galit ka . . . Parin . . . Sakin. Kaya sorry, hindi ko na talaga uulitin iyon."

"Hindi ako galit. Nainis lang ako dahil sa harap ko pa mismo."

Suminghap siya. "Iiwasan ko na si Jarvis, basta wag mo lang akong iwasan. Iiwasan ko na ang mga gulo, basta parati ka lang nandyan."

Kumunot ang kilay ko. "Ikakabuti mo rin naman yan. But, nasaiyo desisyon. Sino ba ako para mangealam sa mga gulong nangyayare."

"Ka . . . Ibigan kita." Napakurap ako ng ilang beses. "Kaibigan. Sorry. Kaibigan Leanna." Kinagat niya ang mapupula niyang sabi.


"Medyo kinakabahan ako kapag kaharap ka." Pagpapatuloy niya na natulala ako. "Kaya nauutal."


Tumango ako. Narinig ko ang pagsara ni Heloise ng locker kahit alam ko na kanina pa siya nakikinig sa amin. Sumulyap ako sa kanya, ngumiti siya sakin at kay Craigan. Ngunit nakatingin sakin si Craigan. Nakatulala siya saking . . . Labi?

"Aalis na kami ni Heloise. May importante pang gagawin."


Umamba akong tatalikod ngunit nag patuloy siya. "Hindi ka na galit? Okay na ulit tayo?"


Marahan akong tumango. Hindi porket tumango ako ay papayag na akong makipagusap pa ulit sa kanila. Gusto ko na umiwas. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko na pati sila mainis sakin dahil sa nadamay ako. Ito ang unang pagkakataon na umiwas ako sa isang kaibigan, dahil ito rin ang unang nagkaroon ng gulo.


"Leanna," Tawag ni Aria sakin nang nakaupo na ako sa loob ng cafeteria. Sumulyap ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan. Naalala ko na may gusto pala siyang sabihin sakin.

"Hi Heloise!" Mahinhin na bati ni Aria kay Heloise. Tumaas ang kilay ni Heloise sa kanya at umirap. Hindi ko alam bakit inirapan ni Heloise si Aria, may namamagitan rin ba sa kanilang dalawa?

Tumikhim si Aria at inirapan rin si Heloise pabalik. "Uhm . . . Magusap nalang tayo mamaya sa Coffeehouse. Nandoon ka ba mamaya?"

"Okay. Lagi na ako nandoon."

"Okay. Bye. Iyon lang naman pinunta ko sayo dito." Sabi ni Aria bago tumayo.

Umirap irap si Heloise hanggang sa nakalayo na sa mesa namin si Aria.

"Maguusap kayo? Really? Si Aria?" Tumawa si Heloise ng peke at halos madiri nang binabanggit niya iyon.


Nag kibit balikat ako. "Oo." Tangi kong nasabi.

"Ugh! Siguro about pageants." Kinuha niya ang juice at sumimsim.

"Pageants? Diba kakapayag ko lang kanina?" Kumunot ang noo ko kay Heloise. Ano ang ibig niyang sabihin tungkol don?

"Bago ka nga lang pala dito. Wait. I'll explain, meron kasi kaming group o tig dalawa." Tinaas niya ang kanyang dalawang daliri. "At name ng group namin ni Aljaee ay LionBeauty at of course, isa na kayo don."

"Group? LionBeauty? Bakit may group?" Naguguluhan kong tanong.

"E kasi. Maguunahan kaming mag hanap at pansin kong, wala lang sa kanya ang mga ganito. Hindi siya kumikikilos. Kaming group lang, iyon ang tingin ko." Pagpapatuloy ni Heloise ngunit wala parin akong maintindihan.

"Bakit kailangan may group?"

"Si Miss Lacerda nag bigay ng ideyang iyon at kami ang napili ng klase. At kung sino saming grupo, ang mapipili. At alam kong tayo nanaman iyon." Pagmamayabang ni Heloise at ngumiti. "At kami ulit magiging host at sasagutin ni Miss Lacerda ang Pageant Party dito sa court ng school. Of course, meron namang kaambangan si Miss Lacerda don. You know mabait naman siya masyado nga lang estrikta." Tumawa siya, at wala naman akong nahanap na nakakatawa don.

"At alam mo ba, laging hindi invited ang WashUgly." Umirap siya nang sinabi niya na iyon.

"WashUgly?" Wala talaga akong alam kung anong mga ganap dito.


"Kidding! Pangalan ng group nila Aria ay WashBeauty. Ang panget hindi ba? Yung ugali nga hindi malinis, tapos lakas makawash. Like duh!"


Napalunok ako. Ibig sabihin, nag babaitbaitan lang ngayon si Aria dahil gusto niya nga makipagusap.


Nang natapos na akong kumain ay dumiretso na kami ni Heloise sa rest room. Meron ng apat na stool. Ngunit wala pa nakaupo don, yung iba naming mga kaklase ay sabay lumingon samin. Inilapag ni Heloise ang bag sa tapat ng sink kung saan nakalagay mga gamit.


Kinuha ni Heloise ang stool paharap sa salamin. Nakatingin ang aming mga kaklase na umambang lalabas sana ngunit mas piniling manood.


Umupoa ko don. Timitig sa salamin habang nilalabas ni Heloise ang mga gamit.


"Leanna. Tigilan mo na ngayon ang pagtali ng buhok, sayang, masisira lang." aniya at pumunta sa aking likod at nilugay ang aking buhok.


Nakita kong sabay ang tatlong babae na nakaawang ang bibig. Tumingin sila sa salamin at sumusulyap sakin.


"Looks better kapag nakalugay ka, at mas maganda. Ano bang trip mo bakit lagi mong tinatali?"


"Wala. Mas bagay sakin ang nakatali."


"Nah! Mas maganda ka kapag walang tali. Note: wag na wag mo talian ang buhok. Sasali ka sa pageant!"

"What! Sasali na siya?" Gulat na singit ng isa.

"I like you group na Heloise. Lilipat na ako sa LionBeauty! Don na ako boto!"

"Oo naman. Ako pa, magaling talaga ako pagdating sa ganito." Pagyayabang ni Heloise sa kanila.

Naramdaman ko ang paginit ng pisnge ko dahil sa kanilang titig.

"Sa tingin ko hindi bagay sayo ang makapal na makeup. Kailangan manipis lang." sabi ni Heloise, pinagmamasdan ang aking mukha.

Kinuha ni Helose ang powder at lumapit sakin. "Don't worry, bagong bili 'to. Baka kasi sensitive ang balat mo."


Gusto ko matawa. Paano maging sensitive 'to kung halos laging nauusukan at naalikabukan ang mukha ko. At lumaki naman ako sanay sa dumi, at wala akong balat kagaya nila.

Nilagyan niya ako ng manipis na powder sa mukha. Hindi ako sanay na inaayusan. Tulala lang ako sa salamin habang ginagawa niya iyon. Umambang tutulong sana ang isang babae sa amin ngunit ayaw ni Heloise dahil gusto niya siya na mismong gagawa.

Pinagmasdan ko ang aking mukha nang natapos niya ng ayusin. Ang maitin kong buhok ay maayos na nakalugay. Ang mukha ko ay mas lalong kumintab. Ang maitim kong eyebrows ay mas pumatay at mas lalong gumanda nang tinitigan ko iyon. Ang eyelashes ko naman ay maayos at matuwid na pagkakatayo sa aking mata. Napakurap ako nang nakita iyon. Ang maputla kong labi ay nilagyan na kaunting pula at mas bumagay sakin iyon. Gusto malalag ng aking panga dahil parang hindi ako yung nasa salamin ngayon. Parang pumunta ako sa isang mamahalin na salon dahil sa pagayos ni Heloise sakin. Napakagaling niyang mag ayos. Na parang pinag aralan niya talaga ma perfect ito.

"Done." Tumigin siya sa salamin. "Ang ganda mo! Leanna! Shits! I can't! Kung lalaki ako, ikaw na crush ko!" Patiling sabi ni Heloise at hinagod ang aking buhok. Hindi mapaniwala nag kanyang ekspresyon.

"Thanks!" Simple kong sinabi at gusto ng kagatid ang labi.

"At ngayon, pupunta tayo sa office ni Miss Lacerda. Hiramin natin camera niya, kasi iyon ang binilin niya sakin."

"What?" Nalaglag ang aking panga at akala ko ay dito na niya ako kukunan ng picture.

"Bakit? Ilang hakbang lang naman iyon!" Umirap siya sakin.

"Lalabas ako ng g-ganito?" Nanginig ang aking labi. Ayaw ko lumabas ng nakaayos. Sana doon nalang kami sa office ni Miss Lacerda para mabilisan!

"Oo! Sayang pinaghirapan ko kung tatangalin mo na kaagad!"

"Sorry. Parang hindi ko kaya lumabas." Yumuko ako at pumikit.

"Huh? Like duh! Ang ganda mo tapos ayaw mo ipakita sa iba? Kailangan na natin mag madali meron pa akong susunod na aayusan."


Wala na ako magawa kung hindi pumayag. Hindi naman ako pwede mag pumilit dito, kung hindi mapapagalitan si Heloise o magagalit sakin. Lumabas ako sa pintong nakayuko at naramdaman ko na ang mga titig sa paligid.


"Wag kang yumuko! Masisira ang makeup!" Suway niya kahit alam kong hindi naman iyon masisira. Ginawa niya lamang iyon dahilan. Huminga ako ng malalim at umangat. Gusto ko na lang bilisan ang aking lakad. Para makawala sa mga tao na nandito.


Narinig ko ang palapit samin ni Heloise. Nakita kong tinaas ni Heloise ang dalawang palad. "Please! Alam kong gusto niyo siya makitang malapitan. So, wag muna tayong lumapit dahil may importante siyang gagawin." Ani ni Heloise habang humahakbang ako at siya naman ay paatras at humarap na sa danan.

Lumunok ako at kumurap. Wrong idea!

"Super model ba siya?"

"Bago lang kasi siya dito! Gusto ko siya mayakap!"

Umiling ako at nakitang pinagbuksan ako ni Heloise ng pinto at pumasok kaagad ako don.


"Just wow! Sikat ka na kaagad! Di mo na kailangan ng promotion, dahil kaunting hakbang mo palang. Nakukuha mo na ang kanilang atensyon!"


"Ayaw ko lumabas ng ganito, pwede kunan mo na ako ng litrato para makapagayos na rin ako kaagad?" Nagmamadali kong sambit.


"Argh! Wag mong sayangin make up ko! Please! Pinaghirapan ko yan!" Pagtatampo ni Heloise. Umiling ako at alam kong pinaghirapan niya nga 'to. "Wait, punta na tayo sa desk ni Miss Lecerda at kanina pa siya nandon."

Naunang humakbang patungo si Heloise. Nanginginig ang aking tuhod habang marahang humahakbang. Yumuko ako nang tumigil ay don ako tumapat. Hinawakan ni Heloise ang aking baba kaya napaagat ako ng tingin. Nakita ko kung paano malalag ang panga ni Miss Lacerda sakin.

"Heloise! E-estudyante ko ba 'to? Wala ako napasin kagaya niya?!" Naguguluhan si Miss Lacerda at hindi makapaniwala ang nasa harapan. Tumayo siya at lumapit samin.


"Yes. Miss Lacerda. Siya si Leanna. Naalala mo? Ang ganda niya diba? At syempre magaling ako kaya mas lalo siyang gumanda!"

"Heloise. I'm sure na sa'tin ulit ang korona. Napakagaling mo. Kukunin ko lang ang camera ako na kukuha ng picture." Ani ni Miss Lacerda at madaling pumunta sa desk.


Hindi ako sanay na hindi siya nag susungit. Mas gusto ko ang masungit siya. Nahihiya na ako sa mga inaasta nila at reaksyon tuwing nakikita ako. I hate you, Heloise!


Dinala nila ako sa white background na nasa aking likod. Pilit akong ngumiti at gusto ni Heloise na kita ang ngipin ko kapag pipicturan. Wala na ako magawa at gusto ko na matapos 'to kaagad kaya sumusunod nalang ako.


"Suotin mo 'to, itong dress. Para mas bumagay." Aniya at hinarap sakin ang red dress. Gusto ko umiling pero ayaw ko mapagalitan ni Miss Lacerda kaya um-'Oo nalang ako.


Natapos na nila ako kunan at tiningnan ko rin ang picture ko sa computer at nilipat nila kaagad.

"Beautiful! Heloise, yung next." Bilin ni Miss Lacerda nang umambang aalis na kami sa office.


Naramdaman ko kaagad ang kanilang titig. Napaparaning lang siguro ako. Nag paalam si Heloise na mauuna na siya sakin at iniwan ako dahil iba naman ang kanyang daan ngayon. Kailangan ko na pumunta sa classroom.


"Hi. Pwede ba kita maihatid sa classroom mo?" Tanong ng hindi ko kilalang lalaki. Hindi ako tumingin sa kanya at nag patuloy sa paglalakad. "Kaya ko don pumunta."



Kumatok ako sa pinto at marahang binuksan. Nakita ko si Mister Patton na may sinusulat at board at agad bumaling sakin dahil sa pagpasok ko.


"Sorry Mister Patton. Na huli ako."


"It's okay, hija. Mag sisimula palang ako." Ngumiti si Mister Patton sakin at tumango ako. Parang lahat ng tao na nandito ay gusto ko iwasan ang titig. Hindi ako papasok ng ganito mamaya sa trabaho.


Luminga ako sa mga upuan. Tinitigan ang mga row kung may bakante. Hindi ko maiwasan ang kanilang titig na nakatingin sakin. Tumingin ako sa fourth row. May apat na upuan don. Ang una ay bakante at ang pangalawa . . . . Si Craigan ang iniiwasan ko. At ang kasunod niya ay kaklase naming lalaki at yung pang apat na upuan ay bakante rin.



Tumayo ang lalaking nakaupo sa tatlong upuan at lumipat sa pang apat. Tinapik niya ang pangatlong desk kung saan siya kanina nakaupo, sinesenyasan ako don dumiretso. Nag lakad ako at nakita si Craigan na umupo sa tinapik ng lalaki naming kaklase at katabi na niya ang pang apat. Hindi ako umupo sa upuan niya at hudyat ay dumiretso sa unahan.


Umupo ako at inilagay ang gamit sa desk. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumayo si Craigan at lumipat sa pangalawa para magkatabi na kami. Hindi ako bumaling don.


"Akala ko ba okay na tayo?" Bulong niya. "Mas lalo kang gumanda, hindi mo na ako napansin. Wag ka mag alala, mag papagwapo ako para pumatay tayo." Naramdaman ko ang pag init ng aking pisnge. Pasalamat na lamang may makapal na make up saking mukha. What the shit?! Ano pinagsasabi nanaman niya?

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
151K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
13.7K 284 27
Tatlong Kwento ng Kababalaghan, Hiwaga at Misteryong babalot sa kaibuturan ng bawat isang magbabasa nito.