BOYS TO SEEK (JK and Armina S...

Door fedejik

34.2K 2.2K 196

Being a renowned celebrity, JK find it hard to enjoy his private life. Maging ang lovelife ay naging napakahi... Meer

Boys to Seek (JK and Armina Story)
An Open Letter to my Co-ARMY
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue

Chapter 39

646 55 8
Door fedejik

CHAPTER 39

JK

Kulang na lang ay gumuho ang mundo ko nang lumabas ng kwartong iyon ni Armi. Wala ako sa sariling dumiretso sa aking kwarto at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang buong grupo na naghihintay.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at wala sa sariling umiling. Gusto ko na lang sana ay maging mapag-isa.

"Oh-kay... Looks like a bad news..." puna agad ni Jimin na ngumiwi pa.

"His face could tell everything." Si Vince na dismayadong napaupo sa bed katabi ni Jin.

"Hey, cheer up. You still have me. I'll marry you," mapaglarong biro pa ni Jin sabay kindat.

"Hey, fans were shipping us, too," singit ni Jimin. "I'll marry you, JK..." natatawang dugtong pa niya na nagpailing lang sa akin.

"Mas marami kaming fans," singit din ni Vince. "Tayo na lang ang pakasal, JK!"

Kahit pa yata puro kalokohan ang sinasabi nila ay wala sa mga ito ang nakapagpatawa sa akin. Walang-wala talaga ako sa mood.

"Tigilan n'yo nga si bunso. Problematic na nga." Umiling-iling si Yogi sabay buntonghininga.

"Yeah. I think we should give him some space." Si Rapmon na hinagod pa ang batok ko.

"I'm pretty sure he'll be in the news tomorrow. So yeah, the stress won't end here." Si Jin na agad naman ding tumayo sabay hila kay Vince na parang ayaw pa umalis.

"Yeah. After the stunt you did a while ago, it would be a total mess."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. Alam ko na ang mangyayari bukas. Worth it sana kung tinanggap man lang ni Armi ang alok kong kasal.

"We're here to back you up. You wouldn't go through this alone." Tinapik ako ni Yogi sa braso at mapaklang ngumiti.

Tahimik silang lumabas matapos na tapikin din ako ng iba sa braso at likod. Siguro nga ay kailangan ko na lang tanggapin na mas pipiliin ni Armi ang tahimik na mundo. Sa mundong wala ako at ang gulong dala ko.

At tulad ng inaasahan, halos magkagulo ang media sa pictures namin ni Armi na kumalat sa internet. Marami ring sumubok na kuhanan ako ng statement, pero nanatili akong tahimik at walang komento.

Sari-sari ang naging opinyon sa social media. Mayroong maganda at mayroon din namang hindi. Pero hindi ko na lang iyon pinagtuonan ng pansin dahil alam kong mas malaking problema pa ang haharapin ko sa management.

Hindi nga lumipas ang araw na iyon ay binisita ako ni Manager Lee. Gaya ng aking inaasahan, halos magliyab siya sa sobrang galit.

"I couldn't believe you let him do a stunt like that?! Have you all gone insane?!" sigaw pa nito sa ibang miyembro na tahimik man ay tila hindi na rin apektado.

Napag-usapan na namin ito at mas pinili nilang manatili sa tabi ko sa kabila ng lahat. Ganoon sila kabuting mga kaibigan. 

"I am so disappointed with you! I couldn't fucking believe it!" gigil pang dagdag nito habang tahimik ang lahat.

"It's all on me. I'll take care of this," kalmado kong sabi.

Pero sa halip na kumalma ay lalo pa itong nanggigil sa galit.

"Seriously, JK? Sa tingin mo, ganoon lang kadali ang lahat? Really?"

"Don't you remember that we signed a new contract with the management? Our terms, our rules," matapang kong sabi na nagpasingkit ng mga mata nito.

"And just because of those privilege, you think highly of yourself already? May commitment kayo sa management. May mga responsibilidad pa rin kayong hindi ninyo dapat pabayaan!"

Pero agad kaming naabala sa pag-uusap nang biglang sumulpot si Manang Udyang dala si Kurt.

"Papa!" masayang tawag pa ni Kurt sa akin.

Umawang ang labi ni Manager at nanlalaki ang mga matang pinaghalinhinan kami ng tingin.

"No fucking way, JK! No fucking way!" Desperadong sinabunutan nito ang sarili at ilang beses na nagpabalik-balik ng lakad sa harap namin. Tila ba pasan na nito ang mundo hindi pa man nangyayari ang kinatatakutan niya.

Sinenyasan ko si Manang Udyang na pumasok muna sa kwarto at agad naman itong nakaunawa.

"You must be kidding me! I can't fucking believe you, JK!"

Tumahimik ako at hinayaan na lang muna itong ilabas ang lahat ng galit nito. Inaasahan ko naman na rin ang reaction nito umpisa pa lang.

"What do you want me to do, huh?! This is all messed up! Hindi mo na inisip ang mga kasama mo! It was so irresponsible of you!"

"We really don't mind. He's at the right age to decide for himself and we approved whatever his decisions are." Si Rapmon na kalmadong sumabat at pinag-krus ang mga braso.

"Seriously, Rapmon? Ikaw ang leader ng grupo! You should have known better!"

"We've worked so hard for our careers. And I knew that you did your best for the group. Pero buhay namin 'to. Kontento na kami sa kung ano'ng narating namin. Mawala man lahat ng ito, I still think that it's all worth it in the end. It's time for us to experience life outside this. We've been prepared for it for quite a while now."

"Sa tingin mo, hindi matatapos 'to? Habang nagkakaedad kayo, mawawala rin lahat 'to! Hindi naman kailangang magtapos sa isang eskandalo na gaya nito! At kapag lumabas pa ang tungkol sa anak ni JK, sa tingin ninyo, may babalikan pa kayo?! Nag-iisip man lang ba kayo?!"

"Like I said, we're prepared for it." Si Rapmon na nagkibit-balikat lang. "Gusto lang din naming maging malaya si JK na mahalin ang mag-ina niya."

"You're all fucking insane!" gigil na sigaw pa rin nito.

Muling tumahimik ang lahat. Tamang sumesenyas din sa akin si Rapmon na itikom ko muna ang bibig ko.

"Sa tingin mo, malinis ang intention sa 'yo ni Armi? What if she only wants your money, huh?"

Kunot-noo akong tumitig dito. Hindi ako makapaniwalang masasabi niya ang ganoong bagay sa nag-iisang babaeng minahal ko.

"She wasn't like that."

"How would you know? Tinanggap nga niya ang pera noong umalis siya!"

"Tinanggap ko po ang pera dahil walang-wala ako noon at nagkataong buntis po ako..."

Agad kaming napataas ng tingin kay Armi na noo'y nagluluhang bumaba ng hagdan.

"Ayokong may mangyari sa baby ko kaya kahit labag sa loob kong tanggapin po ang pera ninyo ay hindi ko pa rin pinalagpas ang pagkakataon. Itinabi ko ang pera para sa panganganak ko."

"And now, you're here wanting to get more? Ganoon ba? I thought you love him? Sarili mo lang ba ang iniisip mo?!"

"She's not like that!" galit na sigaw ko kay Manager Lee na tila ba hindi inaasahan ang pagtataas ko ng boses.

"What do I have to do to shake some sense off you, huh, JK?! Wake up!"

"How could you do such thing to Armi and to my son, huh?" naghihinanakit kong sabi.

"Kayong grupo ang inaalala ko! Hindi lang ikaw kundi kayo! Pito kayo! Ano'ng masama sa ginawa ko?! Para sa inyo rin iyon!" gigil na giit nito. "At kung wala akong ginawang paraan noon, sa tingin ninyo tatagal pa kayo nang ganito sa industriyang 'to?! Hindi 'di ba? Hinding-hindi! Kailangang may isakripisyo kung gusto ninyong magtagumpay sa larangang ito!"

Dismayado akong umiling-iling. "We made you into a rich man. Hindi pa ba sapat 'yon? Sana inisip mo man lang din ang kaligayahan ko! I've done every single thing you wanted me to do! Everything! Kung may iniisip ka man that time, sana sinabi mo sa akin! Sana sinabi ninyo sa akin!" baling ko rin kay Armi na lumuluhang tumitig sa akin. "Sana inisip n'yo kung ano'ng mararamdaman ko. I knew your intentions were good. I get that, you know? Pero sana sinabi ninyo! Hindi 'yong mukha akong tanga na hanap nang hanap sa taong bigla na lang nawala!"

Parehas silang natahimik. Parang biglang nawalan ng sasabihin.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at saglit na tumalikod sa mga ito para kalmahin ang sarili. Sobrang sakit balikan ang nangyari noon.

"Let's just respect JK's decision." Si Rapmon na tumayo pa sa pagitan namin ni Manager Lee. "We get your point, too, you know? But we're on his side on this one. I hope you understand," sabi pa nito sa Manager namin na hindi naman kumibo at sa halip ay padabog na lang na umalis.

Lumapit sa akin ang ibang kasama ko at tinapik ako sa balikat. Alam kong hindi madali ang pinasok ko. Idinamay ko sila sa gulo at nandoon ang guilt kahit pa alam kong suportado nila ako.

"We'll get through this, okay?" paniniguro pa ni Jin.

Tumango ako at mapait na ngumiti. "I'm sorry for all the trouble..." bulong ko.

"Ano ka ba? We're family here, remember?"

"Hindi naman kailangang madamay kayo. Puwede namang umalis na lang ako sa grupo."

"Hey, bunso. Don't say things like that to us. I really don't appreciate it." Si Rapmon na tila nagdaramdam pang tumingin sa akin.

"I'll get you all guys into trouble... I am really sorry."

"Don't be. We'll do anything for our family."

"Oo nga, bunso. Sama-sama tayo rito." Si Yogi na mapait pang ngumiti.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. Nang ibaling ko ang tingin kay Armi ay agad din naman itong nagbaba ng tingin. I wanted to do everything for her and for our son, but she seemed not to understand my feelings at all.

"Bunso, tumatawag ng meeting ang management..." Si Rapmon na itinuro pa ang cell phone nito.

Now,this is when everything is going down the drain. Shit.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.8M 6K 5
Dela Marcel Series: Kristoff Uno Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
143K 3.1K 25
ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confe...
15.2K 798 32
She only want a commitment not a serious relationship. She is the woman who just want to play. A Woman who didn't know what love is. But what if one...