PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: S...

By SkySlayer24

1.3M 17.8K 3.6K

C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY. "He is Spencer Carson and he is my Psychopath Husband." ___... More

Spencer Carson (Book 2)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Wakas

1 MILLION SPECIAL CHAPTER.

9.9K 277 184
By SkySlayer24

PSYCHOPATH LOVE SERIES #1: SPECIAL CHAPTER.

7 years later after their 'fake' death..

NOTE: Please put on your mind that the time interval of this Special Chapter and in the Whole Series ay magkaiba. Means that, sa panahong ito ay tapos na ang gulo na namamagitan sa psycho at socio.

WARNING: This Special Chapter contains some spoiler for the whole series, if you don't want to be spoiled, Leave.

Also, you may encounter some typographical errors and wrong grammars.

But above that, I am so grateful to have you all! I am so grateful, because without you guys ay hinding hindi ko mararating ang nararating ko ngayon. So, thank you ng marami!❤️

Enjoy reading and prepare some tissue. Don't forget to comment and vote, please?! Tenchuuu!

Thank you for waiting!❤️

HAPPY 1M READS PSYCHOPATH #1!




SPEARE POV:

WATCHING them having a happy family broke me. Watching my friends smiling while holding the hands of their parents, broke me into pieces. Watching them having the figure of a perfect family kills me inside.

It is killing me, it is killing me everytime I saw them smiling, the jealousy is killing me.

Alam ko na masama ang maingit sa kapwa, that was my Lola Mercy taught me, pero hindi ko kasi naiiiwasan e. Hindi ko kasi naiiiwasan ang huwag mainggit sakanila sa tuwing nakikita ko silang nagtatawanan. Sa tuwing nakikita ko silang masaya.

And I guess, it is given for an orphan child like me.

In my seven years of existence in this world, I've always dream having a perfect family that everybody's wants. But I guess, hanggang sa panaginip ko lang talaga ang bagay na iyon-ang lahat ng iyon.

Dahil napakaimposibleng mangyari ito sa totoong buhay, lalo na't si Lola Mercy mismo ang nagsabi sa akin kong paano namatay at pinatay ang mama at papa ko-lalo na't napaka imposibleng mabuhay ang isang patay.

Nakagawian ko na, nakagawian ko ng gumawa ng mga scenario sa utak ko. Sa scenario na kung saa'y buhay sila habang masayang nakikipaglaro sa akin. Sa scenario na kung saa'y sila ang kapiling ko sa bawat paggising ko sa umaga, sa scenario na kung saa'y masaya kaming tatlo, ako, si mama at si papa. Sa scenario na kung saa'y buhay sila at hindi pinatay.

They were brutally killed. They killed them brutally, at hindi pa talaga sila nakuntento doon, dahil imbes na pabayaan ang bangkay nila mama at papa doon nang sa gayon ay magkaroon ito ng magandang burol ay pinasabog nila ang lugar na iyon, na siyang naging dahilan kung bakit naging abo ang mga katawan nila.

Sa totoo lang, punong puno ng galit ang puso ko simula ng malaman ko ang tungkol sa bagay na iyon, nang malaman ko kung paano nila pinatay at pinagkaisahan ang mga magulang ko, gusto kung maghigante paglaki ko, gustong gusto ko, pero ng mabasa ko ang diary ni papa ay nawala sa isip ko ang paghihigante.

Nabasa ko kasi sa diary ni papa na walang magandang idudulot ang paghihigante, it will only give you some justification, pero pagkatapos niyon ay ikaw at ikaw pa rin ang uuwing talo at luhaan.

One of the great example of that, is my dad, he seek for revenge in his entire life, tanging ang inalala niya lang ay ang maghigante sa anak ng pumatay sa papa niya, ang maghigante para maiparamdam rin dito ang nararamdaman niya sa tuwing sinasaktan siya ng mama niya, at first he was so happy while watching my mom suffering from the pain that he caused, but at the end siya lang rin ang nauwing talo. Why? Because he fall for her, he fall for her to the point that he is willing to lose everything he have for my mom. Pero huli na, huli na ng marealize niya ang tungkol sa bagay na iyon because Lucille is already making a way to make their life miserable as hell.

At first, revenge will give justification, but at the end, ikaw at ikaw lang rin ang mauuwing talo.

Ang mga katagang iyon ay ang tumatatak sa utak ko simula ng mabasa ko ang diary ni papa, kung kaya't hindi na ako nag abala pang maghigante, ngunit ang galit sa puso ko ay hindi ko hinayaang mawala.

Inalagan ko ito at ginawa kong rason, rason kung bakit ko kailangang mag pursige at ipagpatuloy ang buhay ko kahit na'y sa totoo lang ay gustong gusto ko ng tapusin-wakasan ang buhay ko.

At my young age mulat na ako, mulat na ako tungkol sa mga bagay bagay rito sa mundo. Mulat na rin ako sa katotohanang wala akong mga magulang na maari kong maging sandalan sa tuwing huhusagahan amo ng mapanghusgang mundo na ito. Mulat na rin ako sa katotohanang kailangan kong magpa katatag para mabuhay sa mundong ito.

I don't know why, hindi ko alam kung bakit ang matured ko ng mag-isip kesa sa ibang bata na kaedad ko lang, pero siguro dahil ito sa kadahilanang maaga akong namulat sa mundo-sa mga bagay bagay.

Isang marahas na pagbuntong hininga ang ginawa ko bago ko ipinagpatuloy ang pagliligo ko.

Kakatapos lang ng pagliligo ko sa dagat kanina at heto't nandito ako sa cr ngayon, naliligo para mawala ang tubig alat sa katawan ko. Nagbabanlaw kumbaga.

Marahas kong kinuskos ang ulo ko gamit ang mga malilit kong palad nang sa gayon ay mawala ang mga buhangin doon. Piste kasi
'yong batang babae na iyon e! Sinabuyan ba naman ng buhangin ang ulo ko, yon tuloy, nahihirapan tuloy akong maglinis ng buhok ngayon. Kumakapit kasi ang mga buhangin sa buhok ko e.

Piste talaga ang bata na iyon. Pasalamat siya't naroroon ang mama niya kasi kung hindi'y paniguradong iiyak 'yon. Susuntukin ko talaga 'yon e, sinabuyan ba naman ako ng buhangin.

Matapos kong kuskusin ang ulo ko ng maigi at ng masiguro ko na wala ng buhangin na natitira pa doon ay 'tsaka pa lang ako nagbanlaw. Pagkatapos, ay lumabas ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya.

Nagbihis lang ako ng pambahay na damit at saka bumaba papunta sa unang palapag nitong bahay.

"Lola nasaan po pala 'yong diary ng papa ko?" tanong ko kay Lola pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kusina.

Napatigil ito sa ginagawa nitong paghihiwa sa mga rekados na gagamitin niya sa pagluluto.

Liningon nito ang gawi ko bago ako nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, kalauna'y ngumiti ito ng matamis.

"You really grew up, young man." Kalauna'y ani niya bago nagpakawala ng kay tamis na ngiti para sa akin.

Napanguso naman ako dahil sa tinuran niya, grew up daw pero tinawag pa rin akong young man. Sabog ata 'tong si Lola e.

Mas lalo pang humaba nang nguso ko dahil sa mga naisip.

"Asan na nga, Lola?" muli kong tanong sakanya ng mapagtanto kong wala itong balak na sagutin ang nauna kong tanong. Nililihis niya kasi ang usapan e para makalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon.

Well, kunsabagay palagi naman siyang ganito e, palagi niyang nililihis ang usapan sa tuwing tinatanong ko siya kung saan niya nilagay ang diary ni papa.

Kanina kasi, pagkatapos na pagkatapos ko pa lang sa pagliligo ko sa dagat na hindi ko naman gaanong na enjoy dahil sa pisteng bata na iyon ay agaran ko na siyang tinanong kung nasaan na 'yong diary ni papa na sinabi niyang siya raw muna ang bahala.

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkos ay inilihis niya ang usapan sa pamamagitan ng pag-uutos sa akin na magbanlaw raw muna ako.

And now, tapos na akong magbanlaw, at ng tinanong ko siya kung saan ko matatagpuan iyon, inililihis niya na naman ang usapan.

Hindi ko alam kung bakit, kung bakit niya palaging nililihis ang usapan sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa bagay na iyon, but I guess this is all about me being hurt everytime I read those.

Siguro, ginagawa niya ang bagay na ito para hindi ko na mababasa pa ang diary ni papa, at kapag hindi ko na mababasa pa ito'y, maiiwasan ko ang pagalala ko tungkol sa kanila, and with that maiiwasan ko ang sarili kong masaktan.

Gusto kung itatak sa utak ko na iyon ang dahilan kung bakit to ginagawa ni lola sa akin, gusto kong itatak sa utak ko nang sa gayon ay mapigilan ko na rin ang sarili ko sa pag-iisip tungkol sa diary na iyon. But I can't.

I can't help myself not to think about those, I don't know why pero siguro dahil naging bahagi na iyon ng pang araw-araw ko. Palagi ko kasing binabasa iyon e, halos araw araw, kaya siguro, iyon ang naging dahilan kung bakit hinding hindi ko kayang mawala iyon. It became a part of my daily life. At pag wala iyon, hindi buo ang araw ko.

Nakabalik ako sa sarili kong ulirat ng marinig ko kong paano mapabuntong hininga ng malalim si Lola sabay lapag sa kutsilyo na hawak hawak niya.

Kalauna'y humakbang siya papunta sa gawi ko at ng makalapit ay lumuhod siya sa harapan ko upang magpantay ang aming mga mukha.

Napatitig naman ako sa mga mata niya ng maramdaman ko kung paano niya haplusin ang magkabilaan kong pisnge, at doon ko nakita ang malumanay na ekspresyon ng mga mata niya.

"Speare apo, how many times do I need tell you na huwag na huwag mong gagawing hobby ang pagbabasa sa diary ng papa mo?" malumanay niyang tanong sa akin.

She take a deep breath before continuing, "Alam mo kasi apo, hinding hindi mo makakalimutan ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang mo kung ipagpapatuloy mo pa rin ang pagbabasa sa diary ng papa mo. Hinding hindi mo sila makakalimutan kapag ginawa mong hobby ang pagbabasa niyon. Hinding hindi mo sila makakalimutan, kasi paano mo sila makakalimutan kong patuloy mo pa rin binabasa ang bagay na mag papaalala sakanila sa'yo?"

Mapait akong napangiti ng marinig ko ang turan niyang iyon bago napayuko.

Yeah you're right lola, hinding hindi ko sila makakalimutan kapag ipagpapatuloy ko pa rin ang pagbabasa sa diary na iyon, lola. Dahil ang diary na iyon ay ang magpapaalala at magpapaalala sa akin tungkol sa kung anong klaseng tao ang mga magulang ko at kung ano ang pagmumukha nila.

But lola, ang bagay lang kasi na iyon e, ang bagay lang kasi na iyon ay ang pinanghahawakan ko sa tuwing gumagawa ako ng scenario sa utak ko, sa scenario na kung saa'y kasama ko ang mga magulang ko, nagtatawanan habang nagkakatahan, ang bagay lang kasi na iyon ay ang tanging pinanghahawakan ko lola sa tuwing gusto kong maramdaman na tila ba'y naririto ang mga magulang ko sa tabi ko. Ang bagay lang kasi na iyon ay ang pinanghahawakan ko sa tuwing na mimiss ko sila, sa tuwing na iinggit ako sa mga kaibigan kong kompleto ang pamilya, sa tuwing umiiyak ako at sa tuwing kailangan ko ng kakampi.

Lola, ang hirap. Mahirap sundin ang bagay na pinapagawa mo sa akin. Dahil lola takot ako, takot akong tuluyan na silang mawala sa ala-ala ko. Natatakot ako sa kaisipang pagdating ng araw ay hindi ko na sila maalala pa. Takot na takot ako lola. Kaya pagpasensiyahan mo na kung hindi ko masusunod ang utos mo.

Wala sa sariling ako'y napatitig sa mga mata niya mula sa pagkakayuko ko ng maramdaman ko ang marahang pagpunas niya sa mga luha na nasa pisnge ko. Sa luhang hindi ko inaasahang tutulo.

Nang dahil sa ginawa niyang iyon ay doon ko pa lang napagtanto na lumuluha na pala ako. Ni hindi ko man lang namalayan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Speare, dont cry," alo ni lola sa akin, pero imbes na tumahimik ako ay mas naiyak pa tuloy ako to the point na napaghikbi na ako.

Nakita ko naman kung paano mataranta si lola, hindi niya siguro alam kung ano ang dapat niyang gawin, first time niya kasi akong makitang umiyak ng ganito e.

"Shh...tumahan ka na apo," pag-aalo niya, this time ay nakayakap na siya sa akin habang hinahaplos ang likod ko.

Hindi ko pinakinggan ang tinuran niya bagkos ay mas umiyak pa ako. May bigla kasi akong naramdaman ng yumakap siya sa akin, at ang nararamdaman ko na iyon ay ang pangungulila....pangungulila sa yakap ng ina.

And because of those mas lalo pa akong napaiyak na siyang naging dahilan kung bakit mas nataranta pa si lola, "Sige sige apo, ibibigay ko na saiyo ang diary ng papa mo basta't huwag ka ng umiyak please," ang nasabi niya dulot siguro sa labis na pag-aalala na nararamdaman niya at pagkataranta.

Tumingkayad ang tenga ko dahil sa mga narinig ko, kalauna'y bumilog ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang ibig niya sa sinabi niya. Ang luha na kani-kanina lang ay patuloy na umaagos, ngayon ay nawala dahil sa narinig ko.

Napakalas ako sa yakap niya, "Talaga lola?" ang di makapaniwalang tanong ko sakanya, habang namimilog ang mga mata dahil sa labis na saya.

Nakita ko naman kung paano siya mapabuntong hininga na tila ba'y nakahinga siya ng maluwag dahil sa tinuran ko.

Tumango siya, "Oo apo," aniya.

Napa yes naman ako dahil sa narinig, samantalang siya naman ay napailing na lang.

Kalauna'y tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya sa sahig atsaka lumabas sa kusina. Sinundan ko naman siya ng tingin, nakita kong pumunta siya sa gawi no'ng kabinet. Kalauna'y binuksan niya ito atsaka may kinuha mula sa loob nito. Hindi na ako nagtaka pa ng makita kong ang diary iyon ni papa-ang diary ni papa ang kinuha niya, because like what she had said, ibibigay niya sa akin ang diary ni papa kapalit ng pagtigil ko sa paiiyak ko na siyang sinunod ko naman.

Dala dala na niya ng diary ni papa ng makabalik siya sa gawi ko, inilahad niya ito sa akin na siyang tinanggap ko naman.

Tumingkayad ako at saka hinalikan ang pisnge niya sabay sabing, "Thank you lola."

Matapos sambitin ang mga katagang iyon ay tumakbo na ako papunta sa sala upang doon ipagpatuloy ang naudlot kong pagbabasa.

Nang makarating ay umupo ako sa isang pang-isahang sofa at saka doon nagbasa.

Si Thunder, ang pinsan ni papa na siyang anak ni Vildamir ang nagtulak kay mama sa hagdanan-na siyang naging dahilan kung bakit gumulong si mama sa hagdanan ng mansiyon.

Ang mga impormasyon na iyon ay ang nakalagay sa diary ni papa. Ginawa raw ni Thunder ang bagay na iyon dahil sa kadahilanang naghihigante rin ito, naghihigante rin ito sa mama ko.

Hindi ko alam kung bakit si mama ang binuntungan nila sa galit nila sa mga magulang nito. Hindi si mama ang pumatay sa mga magulang nila, kaya bakit? Bakit si mama ang pinagbuntungan nila sa galit nila?

Sabi nga sa libro na nabasa ko, the sin of the father cannot be inherited by his daughter or son.

Kaya bakit? Bakit kung makaasta sila'y parang si mama pa mismo ang pumatay sa mga magulang nila? E, hindi naman?

According to my dad's diary, dad tried to save my mom from Thunder, nagbalak kasi si Thunder na kidnapin si mama, matapos niya itong ihulog sa hagdanan.

My dad tried to save her, ngunit hindi niya ito nailigtas pa lalo na ng malaman niya na hindi lang pala si Thunder ang naroroon sa bahay na iyon sa mga oras na iyon, narooon rin pala ang mga kasamahan nito-na inutusan ni Vildamir.

Binugbog nila si papa at pinagtangkaang papatayin ako kasama si mama kapag nagpumilit pa, kaya sumuko na lang si papa. Wala kasi siyang choice e, kundi ang iligtas ako at ang mama ko.

They kidnapped my mom at doon na nga nangyari ang bagay na siyang naging dahilan kung bakit ako walang mga magulang ngayon. They kidnapped my mom and that was the reason why my mom and dad died while holding their both hands.

'Till death do us apart, ha?

Wala sa sariling ako'y napaluha sa kaisipan ko na iyon. My dad is a heartless and ruthless person but he is willing to lose his life for my mom, and that was he actually do. He fucking let them killed him because he want to be with my mom until his last breathe.

And then, they both died... while holding their hands.

Wala sa sariling ako'y napatingala mula sa pagkakayuko ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano mabasa ang diary ni papa na hawak hawak ko dulot ng pagtulo ng mga luha ko dito.

Wala sa sariling kinapa ko ang pisnge ko atsaka pinalis mula doon ang mga luha na hindi ko man lang namalayan na lumabas na pala mula sa mga mata ko.

Napasinghot ako. Kasabay niyon ay ang pag question ko sa mundo.

Why the world is so unfair to me? Bakit napa ka unfair ng diyos pagdating sa akin? Bakit hindi na lang niya hinayaan ang mga magulang kong mabuhay? Bakit hindi na lang niya ako hinayaang maging masaya kagaya ng mga normal na bata? Bakit?! Did I did something bad in my past life? Meron ba? Para parusahan niya ako ng ganito? Meron ba?

Kasi kung oo, paulit-ulit akong luluhod at magmamakaawa sa harapan ng simabahan para lang mapatawad niya 'ko, para lang mabago ang takbo ng buhay ko-ang tadhana na meron ako.

I know that it is bad questioning the God about the life that he gave to you, pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko e, lalo na pag nakakakita ako ng masayang pamilya, lalo na pag pumapasok sa isip ko ang mga katagang bakit hindi niya na lang ako hinayaang maging masaya kasama ang mga magulang ko?

It is so hard growing up without them on your side, mabuti na lang at nandiyan si Lola Mercy na naka agapay sa akin. Mabuti na lang at dito ako piniling ihabilin ni Tito Dashiel at Tita Marra matapos nila akong kunin sa bahay ampunan. Mabuti na lang talaga at dito nila ako hinabilin.

Speaking of them, kailan kaya sila bibisita sa akin? Miss ko na kasi sila e.

Wala sa sariling ako'y napatingin sa gawi no'ng pintuan ng marinig ko ang pagkatok ng kung nino man dito. Kalauna'y narinig ko na lang ang boses ni Lola na inuutusan akong buksan raw ang pintuan at baka sila Tita at Tito ko na raw ito.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang tinuran niyang iyon, kasabay rin ng panlalaki ng mga mata ko na iyon ay ang pagdapo ng katanongan sa utak ko, katanongan na kung saa'y bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Lola na dadating pala ngayon sila Tita at Tito, ano 'to surprise?

Nagtataka ma'y tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa matapos kung ayusin ang sarili ko. Pagkatapos, ay tinungo ko ang gawi ng pintuan, upang pagbuksan sila.

Kasabay ng mga paghakbang na ginagawa ko ay ang pagtambol rin ng puso ko ng malakas. Na hindi ko naman alam kung para saan at kung bakit.

Nanginginig man ang mga kamay dulot ng kaba na hindi ko mawari kung para saan ay nagawa ko pa ring pihitin ang seradura ng pintuan. Matapos ko itong pihitin ay binuksan ko ito at gano'n gano'n na lang ang panlalaki at pagkangiti ko ng makita ko si Tito at Tita ko, kasama nila si Match na ngayon ay nakabusangot.

"Tita, Tito!" ang nakangiti kong tawag sakanila sabay talon papunta sa kandungan ni tito. Natatawang sinalo naman ako nito at saka yinakap.

Natatawang napailing naman si Tita dahil sa inasta ko bago kinurot ang pisnge ko, na para bang nanggigil ito.

In my pheripheral vision, nakita ko naman kung paano napasimangot si Match, na tila ba'y hindi siya nasiyahan sa inakto ko. Si Match ay ang anak nila Tito at Tita na ipinaglihi ata sa sama ng loob. Ang taray kasi e-wait let me rephrase it-mataray pa sa mataray. Sa taray nito'y aakalin mong nireregla na ito.

"Siya ba?"

Mula sa pagkakayakap ko kay Tito Dashiel ay napatingin ako sa likuran niyang bahagi at doon ko nakita ang isang babaeng maluha luha habang nakatingin sa gawi ko, nakaagapay sa bewang nito ang isang lalaking kamukhang kamukha ko.

Nagtaka naman tuloy ako dahil doon. Like heck, ba't kamukha ko siya?

Isang natatakang tingin ang ipinukol ko kaya Tito, "Tito, sino po sila?" tanong ko dito ang tinutukoy ay 'yong babae at lalaki.

Tito smiled at me sweetly before caressing my cheecks, "The guy with a black hair is Spencer Carson, buddy," he answered as he tapped my head. Mas lalo naman akong nagtaka dahil sa tinuran niya. Ha? Ano nga yong sinabi ni Tito? Tama ba yong narinig ko?

"While the girl with a blond and short hair, is Jeanshe Carson," pagpapatuloy naman ni Tita Marra sa naudlot na sasabihin sana ni Tito.

Hinalikan ni Tita Marra ang noo ko sabay sambit sa mga katagang hindi ko inaakalang magpapatulo sa luha ko dahil sa labis na saya.

"And he is your dad, Speare," tukoy nito sa lalaki na ngayon ay maluha luha na ring nakatingin sa gawi ko, "While she..." tukoy niya sa babae.

"...is your mom, Speare."















Continue Reading

You'll Also Like

3M 90K 39
A forbidden Story Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman hanggang sa lumipas ang panahon,parang ang pag ibig na naramdaman ko...
5.6M 91.5K 30
The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his ever...
8.8K 460 5
MOONLIGHTPURPLE'S LETTER to her READERS.