PSYCHOPATH'S LOVE SERIES 1: S...

By SkySlayer24

1.3M 17.8K 3.6K

C O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY. "He is Spencer Carson and he is my Psychopath Husband." ___... More

Spencer Carson (Book 2)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Wakas
1 MILLION SPECIAL CHAPTER.

Kabanata 46

9.8K 185 47
By SkySlayer24

As of now, siguro ito na ang huli kong update for this month, I guess? Cause I badly meed some break. Kakamatay palang kasi nang papa ko kahapon, at hanggang ngayon ay hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang magsulat. Hindi ko pa rin tanggap na wala na siya.

Kaya pagpasensiyahan niyo na kung medyo sabaw tong update na 'to. Dahil sa totoo lang, pinilit ko lang talaga ang sarili ko.

Don't worry, I will back... At sa pagbalik ko'y tatapusin ko na tong si Spencer. I'll be back... not now, but soon. Sana maghintay parin kayo sa update ni Spencer.

Thank you, lovelots!


"Speare? What's your problem baby?" ang namomoblema kong tanong sa anak kong karga-karga ko.

Kanina pa kasi siya iyak nang iyak e, ginawa ko na naman ang lahat para lang mapatigil siya sa pag-iyak. Pero hindi parin siya tumatahan e. Chineck ko na ang diaper niya kong may tae ba pero wala naman, pinadede ko na rin siya, I even carry him and dance him, kahit na pagod na pagod ako sa buong maghapon kong paglilinis dito sa bahay. Pero wala parin e, hindi parin siya tumatahan e.

Nag-aalala na ako. Wala pa naman si Spencer dito. Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong gawin. Ito palang kasi ang kauna-unahang beses na naging ina ako, kaya hindi ko na talaga alam kong ano ang dapat kong gawin, lalo na't natataranta na ako.

Wala si Spencer dito sa bahay, hindi naman iyon bago sa akin, dahil sa simula't sapul palang ay tatlo o dalawang beses lang siya kong umuuwi dito. Hindi ko alam kong saan siya nag-lalagi sa mga araw na wala siya , but I guess umuuwi siya sa tunay niyang mahal. Umuuwi siya kay Valentine. Ba't parang ako pa ang lumalabas na kabit sa storyang ito? E samantalang ako naman daw talaga ang asawa niya gaya nang sabi niya?

Ilang beses ko na siyang nakikita kasama si Valentine sa tuwing lumalabas ako para bumili nang groceries. Ilang beses ko narin siyang nakita kasama si Valentine na kumakain.

Hindi ko alam pero parang sinasadya nang tadhanang pagtagpuin ang aming mga landas. Siguro, upang ipaalam sa akin kung gaano ako ka tanga at ka martir pagdating sakanya.

Ilang beses ko nang sinubukan na kalimutan siya, I even said to myself that he already die----that he is dead. Para lang makalimutan ko siya. Pero paano ko magagawang kalimutan siya, e sa tuwing nakikita ko ang anak ko ay siya agad ang nakikita ko? Paano ko siya makakalimutan kong pana'y ang punta niya dito sa mansion? Damn him! Mas mabuti pa ngang hindi siya pumunta dito para makalimutan ko talaga siya.

Ang lahat nang nasasaksihan ko sa tuwing lumalabas ako nang bahay ay kinikimkim ko nalang, dahil alam kong kapag i-oopen up ko ang mga bagay na iyon sakanya, ay baka maging dahilan lang iyon ng panibagong gulo.

Ilang beses ko nang e-triny na i open up ang mga bagay na iyon sakanya. Pero sa tuwing nandiyan siya'y palagi akong tumitiklop at iniiyak ko nalang iyon nang mag-isa. Iniiyak ko nalang ang lahat nang hinanakit ko sakanya sa tuwing wala siya. Saksi ang apat na sulok nang kuwarto ko kong paano ako umiyak nang patago. Saksi ang apat na sulok nang kuwarto ko, kung paano ako magdalamhati sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na bagay na kanyang ibinibigay sa akin. Saksi ang dilim, saksi ang gabi, saksi ang mga bituin at buwan kung paano ako humagulhol sa tuwing naiiwan akong mag-isa.

Masakit mang kimkimin, masakit mang tanggapin, pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na sa tuwing kailangan ko nang masasandalan ay ako at ako lang rin ang makakatulong sa sarili ko. Beacuse at the end, I am the only one who can save myself from darkness.

Kinapa ko ang noo nang anak ko, upang tignan kong mainit ba ito. Kong may lagnat ba siya. Pero wala naman e. Hindi naman siya mainit. Mag aalas dose na nang gabi, at antok na antok na ako. Gustong gusto ko nang magpahinga dahil sa buong maghapon kong ginawa pero hindi ko magawa dahil iyak nang iyak si Speare.

Muli kong kinapa ang leeg miya, upang i double check kung may lagnat ba siya. Pero kagaya nong una'y wala naman akong nakapa na init mula sakanya.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, pinipilit ang sariling habaan ang presensiya. Nang hindi ko na kinaya pa ang ngalay sa aking binti dahil sa kadahilanang kanina pa ako nakatayo, ay umupo ako sa isa sa mga upuan na nandidito sa sala.

"Speare, anak. Ano ba ang problema mo?" ang nag-aalala kong tanong sakanya sabay halik sa noo niya. "Tumigil kanaman sa pag-iiyak baby oh, dahil pagod na pagod na si mama." pakikiusap ko sakanya, umaasa na sana maintindihan niya ang sinabi ko kahit na'y napakaimposible naman talaga.

Akala ko matatahimik na siya, pero mukhang mas lumalala pa ata dahil mas lumakas pa ang iyak niya. Napabuntong hininga tuloy ulit ako.

Muli akong tumayo atsaka siya isinayaw, umaasa na sana sa pagkakataong ito'y matatahimik na siya. I even sang some lullaby, para lang matigil na siya sa kakaiyak niya, pero kagaya nong una'y hindi parin iyon umepekto.

Muli akong umupo sa sofa atsaka siya hinele. "Baby, maawa kanaman kay mommy oh, antok na antok na kasi ako." antok na antok ko nang sabi sakanya. At hindi ko inaakala na dahil sa antok kong iyon ay makakatulog ako nang nasa ganoong posisyon.

Nagising nalang ako nang maramdaman kong wala na ang anak kong karga karga ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay hindi ko inaakala ang makikita ko. Si Spencer, isinasayaw si Speare.

Akala ko totoo ang nakikita ko, pero mukhang nananaginip lang ako... Mukhang panaginip ko lang ang tagpong iyon kagabi. Mukhang panaginip lang ang tagpo sa pagitan nilang dalawa. Dahil ng muli kung iminulat ang mga mata ko'y nasa sofa parin ako, nakahiga habang nakaunan sa mga braso ko ang mahimbing na anak kong natutulog sa braso ko.

Pero ang ipinagataka ko'y bakit nasa ganito kaming posisyon ng gumising? E hindi namab ganito ang posisyon ko ng ako'y matulog? May naglagay kaya sa amin sa posisyong ito? Kung meron, sino? Sino ang naglagay sa amin sa ganitong posisyon? Don't tell me.... Hindi kaya?

Dahil sa kaisipan at pag-aakalang iyon ay dali dali akong bumangon sa kinahihigaan ko, iniiwasang huwag magising ang anak kong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Nang makatayo na ako at nang masiguro kong ayos na sa kanyang kinalalagyan ang anak ko ay dali dali kong pinuntahan ang gawi ng kusina, dala ang pag-aakalang makikita ko siya doon, gaya sa mga tagpong palagi kong nakikita noon.

Pero hindi ko inaakala na muli akong mabibigo nang madatnan kong walang tao doon. Ni isang bakas ng anino niya'y wala akong nakita. Bahagya akong nasaktan dahil sa nadatnan ko. Umasa kasi ako e. Ito yong isa sa mga kinaiinisan ko sa sarili ko, yong umaasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Palagi nalang e.

Dala dala ang huling pag-asa na meron ako'y dali dali kong pinuntahan ang kuwarto niya, umaasa na sana sa pagkakataong ito'y makikita ko na siya doon. Pero kagaya nong una'y wala siya, ni isang anino niya'y wala. Pinasok ko narin ang loob nang banyo at walk in closet niya, dala dala ang pag-asang naliligo o hindi kaya ay nagbibihis siya. Pero kagaya nong una'y wala akong Spencer Carson na nadatnan.

Bumagsak ang aking mga balikat, I even heaved a sigh. Isang palatandaan na suko na ako. Na sumusuko na ako. Dahil walang patutunguhan tong pag-asa at pag-aakala kung to.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong nasaktan, dahil sa ikalawang pagkakataon ay umasa na naman ako. Umasa na naman ako sa wala.

Bagsak ang aking mga balikat nang bumaba ako sa hagdanan. Mga mabibigat na paghakbang ay ang aking binibitawan.

Muli akong umupo sa couch bago pinagmamasdan ang anak kong mahimbing na natutulog. Wala sa sarili akong napangiti, ang lahat nang pagod na naramdaman ko kahapon ay parang nawala lalo na nang makita ko ang pagsilay nang isang ngiti sa labi niya.

My Speare is so cute and handsome, siya iyong tipo nang bata na panggigilan mo dahil sa ka cute-tan at kaguwapuhan. Siya iyong tipo nang bata na hinding hindi mo pag-sasawaang tignan. Dahil lahat nang pagod mo at problema mo'y bigla nalang naglalaho na parang bula.

Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko at ang panggigil ko sakanya'y yumuko ako atsaka siya paulit ulit na hinagkan. Hindi ko inaakalang sa lahat nang pinagdaanan ko'y sa bandang huli ay may blessing parin na dadating sa buhay ko. At ang blessing na iyon ay ang anak ko.

I am so sorry baby kong minsan ko nang naisip na ipalaglag ka...

Masakit mang aminin, pero oo napag-isipan ko rin ang bagay na iyon. Naisip ko rin na ipalaglag siya sa mga panahong kong saan ako'y nakulong, sa mga panahong tinalikuran niya 'ko at sinabi nang mama ni Spencer na sinabi daw ni Spencer sakanya, na hindi daw siya ang tunay na ama nang batang dinadala ko.

Nalugmok ako sa panahong iyon, dahil sa kakaisip na mukhang lalaki ang anak ko nang walang ama. Na mukhang lalaki siyang walang kinikilalang ama. At natatakot rin ako na baka kamumuhian niya 'ko, lalo na pag nagkamalay na siya sa mundo. Natatakot ako na kamumuhian niya ko kapag nalaman niyang nakakulong ang mama niya. Na pinalaki siya nang mama niya sa loob nang kulungan. Na isang magnanakaw ang mama niya gaya ng mga sinasabi ng iba.

Dahil sa mga kaisipan kong iyon ay dahan dahan kong napagtanto na hindi ko kaya, na hindi ko kayang tanggapin na lalaki ang anak ko sa isang masikip at mabahong lugar.

Kaya doon ko napagpasyahang ipaglaglag siya. Muntikan rin yon, mabuti nalang at may kong anong anghel na sumapi sa akin at ipinagtanto sa akin na mali ang binabalak ko. Na maling ipakuha ko ang batang dala dala ko. Dahil wala siyang kasalanan. Wala siyang kasalanan sa mga desisyong nagawa ko. Na wala siyang kasalanan sa mga kasalanang ginawa ko. Na hindi niya rin dapat maramdaman ang pagdudusang nararamdaman ko. Kong kaya't itinigil ko ang balak ko, atsaka ako lumapit sa panginoon upang humingi nang tawad. Humingi ako ng tawad sakanya, humingi ako nang tawad sa lahat nang maling nagawa ko. Humingi ako nang tawad sa lahat nang kasalan at pagkakamaling ginawa ko. Kabilang na doon ang paghingi ko nang patawad sa pagtangka kong ipakuha ang anak ko.

And after that, I surrender my all to him. Ang lahat lahat na nasa akin ay isinuko ko sakanya, pati na ang buhay ko. Ipinasa diyos ko nalang ang lahat lahat---- kabilang na doon ang buhay sa mga pumatay sa mga magulang ko. At hindi ko inaakalang mag-iiba ang tungo nang buhay ko simula nang gawin ko ang bagay na iyon. Ang dating puso ko na puno nang lungkot, sakit at pagdadalamhati'y ay nawala. Napalitan iyon nang kagaanan. Kagaanan dahil gumaan ang lahat ng bigat na nasa puso ko.

Mas lumakas rin ako kesa sa dating ako. Mas nagkaroon pa ako nang lakas na lumaban sa bawat pasakit na ibinibigay nila sa akin. Mas nagkaroon pa ako nang lakas na kaharapin ang bawat pasakit nang mundo sa akin.

Wala sa sariling ako'y napangiti dahil sa mga naisip ko. Dali dali akong tumayo mula sa kinauupuan ko bago ko pinuntahan ang gawi nang kusina, kumulo kasi ang tiyan ko, isang palatandaan na gutom na ako.

Nagluto lang ako ng ilang pirasong hotdog at ham, hindi narin ako nag-abala pang magluto nang kanin, since wala naman akong balak na mag heavy breakfast.

Nag toast lang ako ng bread atsaka nagtimpla nang gatas. Ang lahat nang iyon ay inilagay ko sa hapag bago ko sinimulang lantakan.

Nang mabusog ay tsaka ko palang itinigil ang pagkain ko, dali dali ang mga kilos na binibitawan ko habang hinuhugasan ko ang mga pinggan. Dahil alam kong sa mga oras na ito'y maari nang magising ang anak ko mula sa mahimbing nitang pagkakatulog. Nang matapos kong hugasan ang mga pinggan na pinagkainan ko'y dali dali kong pinuntahan ang gawi nang anak ko.

Tsaka palang ako nakahinga nang maluwag nang makita kong mahimbing parin ang tulog nang anak ko. Muli akong tumabi sa gawi nito, muli rin akong yumuko atsaka siya hinalikan.

Napatingin ako sa gawi ng Cellphone ko na nakalagay sa table nang marinig ko ang pag vibrate nito. Itinigil ko ang ginagawa kong paghalik sa anak ko. Inabot ko ang phone ko atsaka tinignan ang messages ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang makita kong si Globe lang pala ang nag text sa akin. Akala ko kong sino na, si Globe lang pala na nagpapa alalang malapit nang mag expire ang freebie whys ko.

Kaya bago paman iyon mag expire ay sinagad ko na. Nag log in ako sa messenger ko atsaka doon binasa ang 99+ na undread messages nang group chat nang ka batch mates ko. Nang mapagtanto kong wala naman akong makukuha doon maliban sa mga chissmiss ay itinigil ko ang pagbabasa ko.

Muli akong naghanap ng mga chat na hindi ko nabasa o na seen man lang. May ilang mensahe rin akong natanggap mula kina Jazmine at Eman. Nagtatanong kung kumusta na ba daw ako. Rineplyan ko naman ang mga ito na nasa ayos na kalagayan ako.

Nang matapos ay muli akong nagbasa nang mga unread messages, at hindi ko inaakalang may isang message na pupukaw sa pansin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 86.2K 49
Sa pangangailangan ng pera para sa gamot ng lola niya at sa nalalapit na pag aaral ng anak niya ay pumayag si Clementine na palitan ang tiyahin niya...
170K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
18.4K 1.5K 36
"Everything changed in one dark night." - (TMFO) Calista Luna Hermosa was just a simple registered nurse who had a big future ahead of her. A woman k...
250K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.