Chapter 79 : Touch of an Angel

191 7 0
                                    

T R A V I S

"Congratulations for winning another case, Attorney Hayes." The prosecutor shakes hands with me after the judge stated his official court order, "I guess experiencing the first hand, what others say is true about you."

"I wonder what's that?" I tilted my head beside not breaking eye contact, even if I'm aware that he's pissed on losing this case because he underestimated me from the beginning.

Well, kahit naman saan may pulitika, at talaga namang pera-pera lang para sa mga taong mayaman at may kapit tulad ng kliente niya, pero ipapamukha ko sa mga taong ganid tulad nila na hindi nabibili ang batas at hinding hindi sila makakalusot sa akin.

"That you're one tough nut to crack." he pauses as he takes his hand from me, "Nothing gets past you that easily." He says formally.

"I guess, I'll take that as a compliment." I put up a friendly smile and see him walking ahead of me together with his disappointed client that will soon pay for his mistakes.

Lubos ang pasasalamat ng mga taong tinulungan ko sa kasong ito, kahit pa akala nila noon ay wala na silang laban dahil masyadong tuso ang kliyente ng kabilang panig para ipaayos ang mga kalat na akala niyang na hindi na masisilip pa. Pero dahil sa taong hiningan ko ng tulong, kahit pa paano ay nabigyang sagot ang katanungan na hindi napansin sa loob ng hukuman.

"Congratulations." bati sa akin ng naghihintay sa akin mula sa likuran ng courtroom.

"This all thanks to you too, Dr. Mendez." Hindi lang naman ako ang nagpanalo ng kasong ito, "May naiambag ka rin naman sa kasong ito." I smirked at him.

He shakes his head and sighs fixing his eye glasses, "Kailangan kong bumawi ng pahinga dahil may susunod pa akong shift, hindi naman tulad ng trabaho mo ang trabaho ko." pagrereklamo niya.

"Ihahatid na kita."

"Aba dapat lang, inaantok ako ilang araw mo rin akong kinulit." suplado niyang sagot. Sanay na ako sa kapatid kong mas tatanda ng maaga kaysa sa akin.

Dumerecho na kami sa kotse at sumakay. "Oo nga pala," pagputol niya sa katahimikan sa paligid namin habang nakatingin sa labas na parang batang inaantok, "Umuwi si Nanay sa bansa."

"Ha?" I didn't expect to hear this, kaya ba-- it's too early to assume, "Bakit daw, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" akala ko pa man din settled na si Nanay dito, wala na namang dahilan para bumalik siya sa bansa.

"Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya. Isa pa, magaling na naman si Nanay, pati, may kasama naman siya na inutusan ni Ninong." he says impassively as if he doesn't mind.

"Pero bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin Lance?" I couldn't hide my frustration, "Mamaya mapaano si Nanay doon."

He took a deep sigh, "Dahil alam kong hindi ka papayag." depensa niya para kay Nanay.

"Talagang hindi, kaya nga pinilit kong isama siya, kayo dito sa England para dito na tayo manatili." I parked the car upon arriving to our front door, "Kailan pa, Laurenz?" Kailan pa ito naisip ni nanay gawin?

"Sa totoo lang, ako lang talaga ang willing sumama sa iyo noong binalak mong umalis, ayaw talaga ni Nanay umalis noon, pero ayaw naman niyang mag-alala ka kaya napilitan siyang sumama sa atin." He shakes his head in defeat as if he want to stop discussing this matter with me, "If you wanna hear the whole story, ask Ninong, masakit na talaga ang ulo ko, magpapahinga na ako." He opens the door and gets out of the car walking ahead of me.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now