Chapter 19 : Only for You

340 50 98
                                    

M A X E N E

Panandalian muna kaming pumunta sa kwartong nirentahan ko para ilagay doon ang ilang dala kong gamit at pumunta na rin agad sa kwarto nila Anderson. Hindi ko naman inakala na nag-cecelebrate sila ng wala ako, kaya pala sila nagyaya kanina.

"Maxene!" bati sa akin ni Audrey, "Come in." napansin din naman niya kaagad si Travis, "Boyfie mo?" muling tanong niya sa akin, kahit na kanina, sobra kong iniiwasan sagutin ang tanong na ito mula sa kanila.

Pakiramdam ko pa ay uminit ang mukha ko sa tanong na iyon lalo na't binitawan ko na ang mga salitang iyon kay Travis kanina. Sinilip ko siya ng bahagya at nakita kung paano lumawak ang ngiti niya sa akin na para bang hinihintay niya ang sagot mula sa akin, "Yep, he's my boyfriend." I answered Audrey and felt him filling the gap between our fingers.

T R A V I S

Tumili ang kaibigan niya mula sa narinig niyang sagot ni Maxene sa katanungan niya. Palihim ko siyang pinagmamasdan at pinipigilan ko ang sarili kong magpadala sa emosyon na nagtatangkang kumalat sa harapan ko. Nakita ko ang isa sa kanila na sa tingin ko ay may lihim na pagtingin kay Maxene at napansin ang konting panghihinayang sa mga mata niya, inakbayan ko si Maxene habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin at nakita ko naman na ngumiti siya sa gawi ko.

"Why don't you celebrate with us muna." yaya sa amin ng kaibigan ni Maxene na Audrey ang pangalan, "Your boyfie could join us din naman."

I don't think so. Gusto ko masolo si Maxene ngayon, ilang linggo ko ring hinintay ang araw na ito. Sana naman ay humindi siya sa mga kaibigan niya. Tiningnan niya ako ng bahagya at sana ay nabasa niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

"Saka na pag nasa Japan na tayo," aniya sa kaibigan na natatawa. Teka, anong sabi niya, may trip sila papuntang Japan? Kailan? Ilang araw sila doon? Kailangan ko talaga siyang makausap ng personal, madami dami kaming dapat pag-uusapan.

"Sige na," pangungulit ni Audrey sa kanya, "We want to get to know your boyfie too Maxene, just stay for a while."

Maxene looks back at me but my answer is still the same. NO. Her round eyes start to give me an uncomfortable look. Ayaw niyang maipit sa sitwasyon sa pagitan ko at ng mga kaibigan niya. I sighed as I handled the situation for her, "Okay, we'll stay for a while." I answered for her behalf, "Pero kasi kailangan din naming bumalik dahil maaga pa ako bukas, may klase pa ako." napatingin si Maxene sa akin dahil alam niyang nagsinungaling ako sa harapan ng mga kaibigan niya. She just saw me through. I smiled at her and saw how she smiled back at me.

I just made her proud not until her friend handed her a shot glass of tequila.

Tsk, hindi pwedeng malasing ang babaeng ito!

M A X E N E

Nagkaroon kami ng konting inuman kasama ng stuffed crust pizza bilang pulutan, nasamahan rin ng konting kwentuhan, tawanan at biruan. Pero huli na ng namalayan ko na yung tequila na kaninang naguhit sa lalamunan ko ay lasang tubig na lang ngayon. Napatingin ako sa katabi ko at umiling siya na parang sinasabi niya na huwag ko nang tangkain pang magkumento tungkol sa pandaraya niya sa iniinom ko. Mukhang ayaw niya akong malasing. Ang KJ naman talaga nito kahit kailan. Kaya ko naman, isa pa pakikisama ang tawag dito.

Tahimik lang siya mula kanina, tinatanong man siya nila Audrey pero sadyang matipid siyang sumagot, ika nga ni Audrey pa-mysterious daw 'tong boyfriend ko na ito na siyang nginingitian lang ni Travis bilang tugon.

"So dude, ilang taon na kayo magkakilala ni Maxene?" nakangiting tanong ni Peter sa kanya, "Ikaw ba yung kinukwento niya na magaling magluto?" bigla akong nasamid na dahilan kung bakit ako napainom ng tubig.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now