Chapter 18 : Insecurity, Pride and Jealousy

336 52 136
                                    

T R A V I S

DAYS AND WEEKS have passed. She said she needed to take a break from me and I respected it. She needs to rebuild herself again and I'm happy that she's trying her best in her own phase. I'm not rushing her. I'll wait until she's ready to come back.

Tinigilan ko na rin ang pagtetext kay Monique dahil ako lang naman talaga ang mapilit sa aming dalawa, binura ko na rin ang lahat ng messages naming dalawa dahil para saan pa.

I wake up one morning and I appreciate how blessed I am for having Maxene in my life. Para akong nagkaroon ng inspirasyong magpatuloy sa buhay. Mas nakakahinga ako ng maluwag ngayon. Ang mga hindi ko ginagawa dati ay kusa ko ng ginagawa dahil lagi ko siyang naiisip. Natuto akong mag-grocery dahil ayaw na ayaw niyang nawawalan ng pagkain sa kusina. Simpleng pagbabago lang iyon sa buhay ko, pero hindi ko pa rin maiwasang ngumiti dahil naging parte na siya ng sistema ko.

Ang lakas lang maka-teenager, ampucha! Minsan para akong tangang naglilinis ng bahay mag-isa. Nang pumasok ako sa loob ng music room muli kong hinanap ang litrato na itinago ko noon at naalala ulit siya. Gusto kong magyabang sa harapan niya ngayon, pero hindi na pala kami close. Natatawa na lang ako nang maalala ko kung paano ko siya palihim na tinitingnan noong high school noong nakilala niya ang babaeng nagustuhan niya. Pero hindi niya ako syempre katulad. Hindi ko naman ugali na awayin yung babaeng gusto ko. Pero buti na lang at kahit pa paano ay maayos silang dalawa. I'm proud of him and I wish him well.

Naging productive naman ang araw-araw ko at naging maganda ang resulta ng mga quizzes at exams ko. Pakiramdam ko sa susunod na pagkikita namin ni Maxene, pwede kong maipagmayabang sa kanya ang mga achievements ko sa school. Lalo na siguro kapag nalaman niya na siya ang inspirasyon ko para mas pagbutihan pa. Ano kaya ang reaksyon niya kapag sinabi ko sa kanya iyon?

I'm guessing she'll be flustered again. I miss seeing her reactions. I'm starting to like myself better this time. The 'me' that is filled with positivity.

"Hala siya, todo ang ngiti mo ah." bati sa akin ni Gerard.

"What's up?" bati ko sa kanya at nakita ko rin naman agad si Joshua na gulong-gulo akong pinagmamasdan.

"Anong meron dude?" nakakalokong tanong ni Joshua sa akin. Nagkibitbalikat lang ako dahil hindi naman ako palakwento.

Inakbayan ako agad ni Pierre at tinaasan ng kilay, "Mukhang ang saya nga natin ngayon ah?" hindi ko alam kung compliment ba iyon o statement kaya nginitian ko lang silang lahat pabalik.

"Kamusta na pala si Max?" tanong ni Gerard. "Pakisabi nakakamiss siya." same goes here.

"Kamusta kayo ni Max?" tanong ni Pierre na inoobserbahan ako.

I let out a small chuckle as I answered, "We're solid." I saw how he's amused by my response. Siguro naman sapat na iyon para respetuhin niya ang ugnayan namin ni Max, hindi ba?

"Aba, gaano ka-solid?" Gerard playfully gives me a light punch on my shoulder with a smile.

"Hula ko, may nangyayari na sa inyo 'no? Anong base na?" tukso ni Joshua at ngumisi ng nakakaloko sa harapan ko. Ungas talaga ito! "Hanep, hindi ka na virgin!" palaro ko siyang binatukan, sumosobra na ang bunganga ng gagong 'to.

"Congratulations sa'yo kung ganoon, Travis." bati sa akin ni Pierre at binawi ang kamay niya mula sa balikat ko, "Akala kasi namin hindi ka na titingin sa iba. Pero ngayon, mukhang masaya ka naman na talaga." hindi ko alam kung sincere niya akong binabati or hindi; dahil alam kong interesado siya kay Maxene, pero saka ko na lang siguro iyon iisipin dahil ayokong masira ang mood ko.

"Salamat." nakangiti kong ani.

"Eh sino naman ang mas angat sa dalawa?" napailing na lang ako habang tinatawanan ang katanungan ni Joshua, as much as possible ayoko ikumpara si Monique kay Maxene dahil una sa lahat magkaibang tao sila. Nagkataon lang sa ibang paraan ko sila minahal at mamahalin. Wait, did I just say that word in my head?

The Only Hope for Me is YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang