Chapter 68 : The Queen's Gambit

119 6 0
                                    

M A X E N E

PA: I sent you the dress that you'll be wearing, magkita na lang tayo sa gala.

Me: Okay, I received it, thank you.

I opened the box and saw a purple satin heart shaped tube Jovani long gown.

The design is too grand and it's pretty visual, kung wala lang lace ito sa likod, malamang naka backless ako. Buti naman at kahit pa paano ay natatakpan ng lace yung likuran ko.

I had my hair and makeup done with the help of Bridgette and Mom had me wear a collection of Amethyst jewelry that would match my gown.

Mom and Dad will accompany me since Senator Valentine invited them also.

Tonight we'll be having a charity gala event filled with a lot of VIP's locally, internationally and of course some powerful people in the country.

Dapat talaga masanay na ako na lagi akong kasama sa ganitong okasyon, masyadong pang high profile.

Hindi ko pa alam kung sigurado ang narinig ko minsan na usap-usapan na balak ni Senator Valentine na tumakbo bilang Presidente ng bansa, but by just the thought of it, I'm not confident if people should vote for him.

Sa totoo lang hindi ako kumportable dahil lang sa nakadikit sa pangalan ko ang pangalan ng mga Valentine. Kung para ito sa publicity ko, tulad ng sinasabi ni Senator, lunod na ako sa mga matang nakatingin sa akin ngayon.

Ngunit kabaligtaran ko naman si Pierre kasi, kita naman na ikinatutuwa niya ang atensyon na nakukuha niya sa maraming tao. Lalo na at nabuo ang kwento na childhood sweethearts daw kami, na hindi ko alam kung saan galing ang chismis na iyon pero sinakyan ko na lang.

Kung ang tungkol sa minsang nakasalamuha ko siya noong mga bata pa kami, hindi ko rin naman maalala iyon, pero naikwento naman niya sa akin ang tungkol doon noong debut ko, dahil nga doon, kaya kami naging close sa isa't-isa.

Idinagdag niya rin sa kwento na matagal na kaming na-iarrange sa isa't-isa dahil nga magkaibigan ang mga magulang namin. Well anyone would buy a good story, lalo na kung tungkol sa lovelife ng anak ng isang maimpluwensyang pulitika at ng isang artista, hindi ba?

As a fiance, I can compare Pierre as that typical prince charming guy that with one smile, he'll surely sweep someone off their feet. Ganon ang naging image niya sa media at sa harapan ng maraming tao. To be honest, I also enjoyed his company, kahit pa minsan kapag kaming dalawa na lang may pagka-maangas pa rin siya na taklesa. Kumportable na ako sa kanya na ganun siya.

Pero kapag kasama namin ang Daddy niya, kahit pa madalas kaming iniimbitahan sa ilang gatherings na pinupuntahan ni Senator, pakiramdam ko, inilalayo ni Pierre ang sarili niya sa akin, minsan pa ay nabubuton niya sa akin ang pressure na nararamdaman niya sa presensya ng Daddy niya.

Naiintindihan ko naman siya eh. He's just trying his best to make his Dad proud of him. Sometimes, I can't help but feel bad for him, especially that one time when I overheard his Dad telling him that Pierre is not doing well enough.

Hindi ko man alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero hindi ako nakapagpigil noon at sinubukan kong ipagtanggol si Pierre, pero imbis na ipagpasalamat niya iyon, ikinainis niya pa iyon na para bang naapakan ko ang pride niya sa harapan ng Daddy niya.

Ako na nga ang nagmamalasakit, ako pa ang lumabas na masama.

Madalas, naaawa ako na naiinis sa kanya. Pero kung hindi ko naman siya uunawain, sino ang uunawa sa pressure na nararamdaman niya?

Isa pa, fiance niya ako, I should at least help him lessen the burden, right? Besides, he surely helped me along the way to lessen mine. It's a fair trade.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now