Chapter 41 : Starstrucked

151 29 11
                                    

T R A V I S

Hindi na muling nagparamdam si Monique sa akin matapos ng naging sagutan nila ni Maxene. Siguro mas mabuti na rin ito para hindi na rin siya mahirapan. Maliwanag naman siguro sa kanya na hinding hindi ko bibitawan si Maxene.

She's my present and my future.

Pero may kung ano sa parte ko ang hindi mapakali, mamaya kasi ano na naman ang maisip ni Monique gawin, lalo na at hindi niya kayang mag-isa. Pero hindi ko pwedeng pabayaan na sa akin lang siya kumapit ngayon.

Hindi lang naman siya ang may pinagdadaanan.

"Mr. Hayes," Pagtawag sa akin ng professor ko, "Have you seen your grades so far?"

Hindi pa ako kailanman bumagsak, pero aminado ako, masyado akong preoccupied and distracted. "Yes Ma'm. Nakita ko po."

Sadly, hindi pa rin umabot ang grades ko sa passing grade. I failed my midterms.

"You do know that you need a miracle to pass my subject. Masyado kang naging kampate, Mr. Hayes. Praprangkahin na kita, imposible kang makakapasa sa majors mo kung hindi mo aayusin ang sarili mo." Paalala sa akin ni Mrs. Santiago.

Kahit pa masyado siyang strikta, kita naman sa kanya na tutok siya sa mga estudyante niya.

Siya ang pinaka terror na professor sa university at majority ng ka-course ko, kapag nakita nila na siya ang professor, either nalipat sila ng section or dinodrop nila para lang maiwasan nila si Mrs. Santiago.

"I understand Ma'm. Babawi po ako." Sagot ko nang buong kababaang-loob. "Salamat po sa paalala."

"Kung nahihirapan ka, pwede ka namang lumapit sa akin at magtanong," Payo niya, "Trabaho ko din naman bilang guro ninyo ang alalayan ang mga estudyante kong nahihirapan."

Napangiti ako sa sinabi niya, "Makakaasa po kayo Ma'm. Sadyang masyado lang po akong distracted noong nagdaang mga araw." Pag-amin ko sa kanya at tiningnan niya ako sa mata na para bang sinusuri niya kung nagsisinungaling ako o hindi, professor ko man siya, practicing lawyer na rin naman siya ngayon.

"Nagka-emergency lang po kasi sa pamilya." Pagdadahilan ko, "Kinailangan lang po nila ako."

Kahit na ang totoo, ayokong umalis sa tabi ni Maxene noong hindi pa siya nagigising. Pero tama naman ang excuse ko, doon na rin naman kami pupunta, she'll be my family. Maxene is my home.

"Well, I do hope that whatever your family is going through," she pauses as she looks at me with consideration behind her impassive face, "I do hope that you'll get through with it." Tinapik niya ako sa balikat.

"You can attend my other classes para kahit pa paano makabawi ka sa mga pinagawa kong activities noong absent ka." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Iyon ay kung seryoso ka pang pumasa sa subject ko." Pagsusuplada niya.

"I'll take what you can offer Ma'm, para po makabawi din." Aayaw pa ba ako? Kung may paraan pa para kahit papaano makaahon ako sa failed grades ko, why not?

"Kung ganoon, alam mo naman ang schedule ng mga klase ko, ikaw na lang ang mag-adjust." Sambit niya at umalis na rin papunta sa kanyang klase.

The Only Hope for Me is YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang