Chapter 77 : A Kiss From the Rose

133 6 0
                                    

T R A V I S

"I'm so proud of you, son." I hear Mama's voice complimenting me. She's smiling at me as the wind plays her platinum blonde hair. I held her hand yet it was weird because my hands are small like I came back being a child in front of my adoptive mother. Mama held my face, "No matter what others say, anak kita at mahal na mahal kita."

"I love you too, Mama." everytime I called her that, she couldn't contain her tears. Kaya minsan nahihiya akong tawagin siyang Mama, kasi pakiramdam ko, lagi ko siyang pinapaiyak.

"Masaya akong makita kang lumaki na maayos." mahinang sambit niya, "That's the most priceless gift that a child could give to his parents, to see them grow as a person." I see Mama holding my hand to her face, now my hand is back to normal as her sapphire blue eyes meet mine, "I'll always be with you. I love you Azrael."

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at pagka-angat ko sa kamay ko, naka-dextrose ako, kaya yung isang kamay ang ginamit ko para punasan ang luha ko at tumingin sa labas ng bintana.

Sinubukan kong huminga ng malalim, pero may kung anong kumikirot sa likuran ko kaya pilit kong kinalma ang sarili ko. Ano nga ba ang nangyari paano ako napadpad dito?

"Gising ka na pala, anak." bati sa akin ni Papa, pagpasok sa kwarto. "How are you feeling?"

"I'm okay, Pa." matipid kong tugon. Hindi ko alam kung paano siya titingnan ngayon dahil hindi rin naman basta-basta ang ibinigay kong-- "Pa, what happened?" bigla kong naalala ang lahat, the bet, the poker game, the concert, the race. Kumirot ulit ang likuran ko.

"Take it easy, just relax, ang payo ng Doctor ay hindi ka dapat ma-stress o makaramdam ng sobrang emosyon na makakapressure sa baga mo."

I look at him in disbelief, "Ano po ang ibig sabihin noon, Pa?"

"You had a punctured lung, inoperahan ka para lang matanggal yung bala na pumasok sa baga mo matapos kang mabaril ni Franco. Buti na lang din at nagbigay sayo ng dugo yung kapatid mo dahil alanganin ang sitwasyon mo noon." he shakes his head filled with frustration and disappointment in his face, "Pareho kayo ng Mama mo." may pait sa boses niya nang binalikan niya ako ng tingin, "Kung pati ikaw ay iiwan ako, hindi talaga kita mapapatawad, Travis."

"I'm very sorry Papa." umiwas ako ng tingin, masyado ko nga talaga siyang sinagad. Hindi ko pa kailanman nakita si Papa na magalit sa akin, pero ito ang unang beses na pinagalitan niya ako.

I didn't expect that, that's the cost of what happened. Lalo na at sinalinan pa ako ng dugo para lang maka-survive. Kung ganito ka-galit si Papa, what more si Laurenz, siguradong makakarinig din ako ng sermon doon.

"Ano ba kasi ang iniisip mo?" muling tanong pabalik sa akin ni Papa, "Pumayag ako na ipahawak sayo itong kaso na matagal ko ng pinag-aaralan, mahirap hulihin ang tusong hayop na katulad ni Franco, pero ikaw--" I shut my eyes as I prepare myself for what he's about to say, "Anak," I was caught off guard as he held my free hand, "You did it. Hindi man katulad ng nasa isip kong gawin, pero nagawa mo, anak." he held my hand tightly.

"Pero inilagay mo pa rin ang sarili mo sa alanganin. Iyon ang ayoko sanang gawin mo, pero sadyang matigas talaga ang ulo mo," he faces me with a regretful smile, "Kung magkataon man talaga na sumunod ka kay Trudi, baka mapatay ako noon sa bangungot, alam mo naman ang Mama mo." he let out a chuckle and I put up a smile.

"Pasensya na po Pa, kung masyado ko kayong pinag-alala." I paused looking into his eyes, "Tulad nga po ng sabi niyo noon, madidisappoint po kayo kung isusuko ko na lang ang isang laban, kung may paraan pa naman para ipanalo ito."

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now