Chapter 78 : Thread Of Heartstrings

157 6 0
                                    

M A X E N E

THREE YEARS have passed since the day I last saw him.

I remember that day as if it was yesterday. After I woke up, I sent him a message telling him that I am going to pay him a visit, pero noong pumunta ako sa penthouse, wala akong nadatnang Travis na naghihintay sa akin tulad ng dati.

Laking gulat ko pa noon nang makita na nakataklob ng puting tela ang lahat ng gamit niya doon kaya agad kong chineck ang loob ng kwarto at cabinets niya, pero lahat ng iyon, malinis na malinis na halos walang bakas ng taong nakatira doon, pwera na lang sa isang sulat na iniwan niya na naglalaman ng huling regalong binigay ko sa kanya, yung kwintas na binigay ko sa kanya noong sixth monthsary namin at yung singsing na isinauli ko sa kanya noong nakipaghiwalay ako sa kanya.

Nawala na lang siya ng parang bula noong araw na iyon.

Sinabi niya lahat ng ginawa niyang paghahanda na pag-alis niya sa sulat na iniwan niya para sa akin. Sinabi niya sa akin kung gaano siya nagpapasalamat sa akin dahil nakita ko siya bilang siya. Nagpapasalamat siya sa akin na naging inspirasyon niya para magbago. Nagpasalamat siya sa akin, dahil kahit na dumaan lang ako sa buhay niya, napadama ko sa kanya ang pagmamahal na hindi niya inaasahan na nagbigay ng liwanag at pag-asa sa kanya para bigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang sarili niya na umahon mula sa kasalanan na nagawa niya sa nakaraan niya.

Sinabi niya sa sulat na iyon na tanggap na niya na matagal na kaming tapos at pinapakawalan na niya ako mula sa lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin.

Na ang tanging dahilan kung bakit lang siya bumalik ay dahil sa hindi niya gustong ikulong ko ulit ang sarili ko matapos niya ako palayain noon. Na kung palalayain niya lang rin daw ako, mas gugustuhin niyang maging malaya na lang ako at maging masaya ulit, kahit pa hindi na siya kasama sa hinaharap ko.Na kahit mahirap, susubukan niyang gawin ang sinabi ko sa kanya noon na mag-move on mula sa relasyong hindi rin naman nagtagal sa pagitan naming dalawa.

Pero nakatatak na ata sa akin ang huling mga salitang sinabi niya sa sulat na iyon.

'Thank you for sharing this little phase with me. Thank you, even if it's just for a while, I was able to call you mine, but I have decided not to be selfish anymore because I know you deserve better. Take your phase and move on. I wouldn't stop you this time, because I owe everything to you. Thank you for loving all of me, this time I am setting you free. Goodbye, Maxene.'

Kulang pa ata ang lawa ng Taal sa ilang litrong iniyak ko sa una at huling sulat na binigay niya sa akin. Alam kong hindi ko siya masisisi dahil ako rin naman ang nagtulak sa kanya palayo, kung tutuusin naman, ako ang unang nang-iwan sa aming dalawa.

Masakit lunukin ang katotohanan na lahat ginawa niya para ipaglaban ako, pero hindi ko man lang ito nasuklian ng tama. Masakit lang na hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya ang mga salitang matagal ko ng hindi sinasabi sa kanya bago siya umalis.

Napagod ako, oo, pero hindi tumigil ang puso ko na mahalin ka Travis.

I should have asked further. I should have noticed or at least read his thoughts. I should have changed his mind, but what could change his mind, if there wasn't us in the first place?

Iyon ba ang pinaniniwalaan niyang dahilan para tuluyan na siyang bumitaw? Kaya ba ayaw niyang bitawan ko ang mga salitang iyon sa tuwing mabibigyan ako ng pagkakataon dahil alam niyang iyon ang mga salitang magpapabago ng desisyon niya?

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now