Chapter 75 : All or Nothing

123 6 0
                                    

M A X E N E

Pierre and I arranged a private luncheon for both of our families to discuss the plans of our wedding. Everything started smoothly, until we opened the discussion itself.

May pag-aalala man sa mga mata ni Mom at Dad, dahil para sa kanila, masyado naming minamadali ni Pierre ang progress ng arrangement namin, pero lagi ko namang paliwanag sa mga magulang ko ay: bakit pa namin patatagalin kung doon din naman ang bagsak ng kasunduan namin?

Besides, I have to make this work.

Hindi naman ako dapat umasa sa sinabi ni Travis noon, isa pa, ilang araw na rin ang nagdaan matapos ang huli naming pagkikita na iyon, kung ano man ang nangyari noon sa vacation house ay bugso lang ng damdamin ko at dahil naging mahina na naman ako.

I don't want to rely on him this time. I know I have to be stronger and sustain my resolve.

Dahil na rin sa naging usapan namin ni Pierre, nagkasundo na kami na hindi na ulit magtatago ng sikreto sa isa't-isa, kaya noong hindi ko inaasahan na pinuntahan ako ni Travis, agad ko ring sinabi iyon kay Pierre. Hindi ko sigurado kung may ginawa na naman siya para matigil ang pangungulit ni Travis, pero sana magtuloy-tuloy na ang hindi niya pagpapakita niya sa buhay ko.

Ayoko rin umabot pa na si Senator na ang kikilos para saktan ang mga taong malalapit sa akin.

Hindi ko man alam ang buong kwento tungkol sa naging issue niya kay Mommy dati, pero alam ko naman na sa tamang panahon, malalaman ko rin iyon.

Lubos na ikinatuwa ni Senator ang desisyon ko kahit pa kabaligtaran iyon ng nakikita ko sa mga mata ng asawa niyang si Tita Adelaide, habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungkol sa desisyon ko, dahil halatang nalulungkot siya para sa akin at kay Pierre, lalo na at siya ang pumigil sa asawa niya noong lasing siyang sinunggaban ako.

"Isn't this exciting, two families will be reunited as one?" masayang kumento ni Senator na para bang naaayon ang lahat sa gusto niyang mangyari.

"Well, we discussed that the marriage will be after your son's graduation, so I'm wondering why the wedding took so soon as expected?" Mom couldn't hide her curiosity as she eyes on the Senator. "Isa pa, ilang buwan pa lang din naman ang nakalipas noong--"

"Are we having second doubts now, Miranda?" The Senator's voice seems to intimidate Mom as he eyes on Dad, "Wala naman usually sa tagal iyon ng pagsasama, hindi ba?" He scoffs, "You should be in fact proud of your daughter, she's just doing what's supposed to be done." He pauses and chuckles, "Buti pa nga yung anak mo, may isang salita."

"Anong mangyayari pagkatapos ng kasal nila?" I was surprised when Dad asked the Senator that question. "May balak pang mag-college si Max, kaya--"

"She doesn't need to go to school, after the marriage, she will stay with us. She's part of the family now." The Senator cuts off dad and looks back at me, "Tell your father, Maxene."

I put up my best smile and answered, "It's true po, Mom and Dad." I answered my parents with a warm smile, hoping to convince them.

"But you told me Maxene--" disappointment is obvious in my father's voice.

"I changed my mind Dad, it's okay. I'm already working anyway, kaya bakit pa po ako mag-cocollege?" muli kong sagot na may malawak na ngiti sa labi ko. I hope they'll believe me.

"I'm just proud of my daughter in law." The Senator stated and I just maintained my composure in front of them.

"At ayos lang ba ito sa iyo, Adelaide?" tanong ni Mommy sa mommy ni Pierre, "Hindi ba masyadong mabilis?"

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now