Chapter 20 : Picture of You

449 52 174
                                    

T R A V I S

"Three days in Japan, huh?" I asked her for the nth time at tinawanan naman niya ako kasi, napaka-kulit ko na. Nasabi na naman niya sa akin ang tungkol sa trip niya na ito kasama ang mga kaibigan niya noong magkita kami ulit. Pero sa totoo lang ayoko. Nagpaalam na rin si Maxene sa mommy niya tungkol dito, pero sa akin pa rin daw ang last call dahil ako ang fiance niya. At dahil alam kong gustong-gusto niya pumunta ng Japan ng hindi ako kasama, pumayag na ako kahit ayoko.

"For cosplay lang naman iyon. Kasama rin namin sila Audrey at Lorraine, kaya may girls," Umikot siya at nginitian ako, "Don't worry too much, okay?" she planted a kiss on my lips and returned to her stuff.

Pero ayoko pa rin kasi talaga. Yet her face is really looking forward this trip. Masyado na ba akong selfish kung sasabihin ko na ayoko siya sumama? Baka masakal ko naman siya. Pero kasi ayoko talaga. Malayo ang Japan at hindi ko siya mapupuntahan agad doon kung ano man ang mangyari sa kanya. Yung sinabi nga niyang 'space', kung hindi pa ako siguro nagpakita sa kanya noong nakaraang araw, baka magtagal pa iyon ng isang buwan. Hindi ko alam kung bakit balisang balisa ako. Ayoko ng wala siya sa tabi ko. Mamaya kung anu-ano na namang article ang ipakita sakin ni Pierre, to think na ilang linggo lang kami hindi nagkita, marami na agad ang na-link kay Maxene. Tapos malalaman ko na lang na kinikita niya lang pala yung mga lalaking iyon gawa ng lecheng cosplay na iyan.

She really looks excited packing her stuff. She's going on this trip without me. I embraced her from behind. "Hey," naglalambing na pagsita niya sa akin. Ayokong makita niya na ganito ang epekto nito sa akin, "Three days lang iyon Travis." Three days, tapos ibang bansa pa. Wala ako doon. Badtrip! She turns around and faces me again. I tried to smile but it's too late. She noticed my eyes right away. She holds my hands and puts them on her face. I see how she kisses both of my hands. That simple gesture just warms up my heart. She looks so beautiful smiling at me, "Gusto mo bang sumama sa trip?" malambing niyang tanong.

"Alam mo namang may pasok ako." I replied keeping my cool.

"Eh kasi hindi ka mapakali Travis, to think na kilala mo naman ang mga makakasama ko sa trip na ito." her voice sounds a little uneasy. Mukhang hindi ko siya napaniwala na ayos lang na umalis siya na hindi ako kasama.

Baka dahil dito mainis siya sa akin, alam ko naman na bihira lang siya lumabas na mag-isa at maging independent. Isa pa, pumayag din naman ako sa pagpunta niya sa Japan, "I'm sorry." I contained my thoughts keeping all of my shit together.

"I'll be back as soon as I am back." she smiles again putting her handheld bag on top of her hardshell suitcase, "I'll buy you a souvenir, may gusto ka ba?" she asked like a curious child.

Wala akong gusto. Gusto ko mag-stay ka dito at palipasin mo muna yang event na iyan. Pero hindi ko pwede sabihin iyon, "Anything from you is good." I replied with a small smile and she nodded, smiling widely. Inayos na rin niya ang passport at ang ticket niya. Mamayang madaling-araw ang flight niya, "Ihahatid na rin kita sa airport mamaya."

"Eh, baka mapuyat ka. May pasok ka pa bukas hindi ba? I can take the cab Travis. I wouldn't want to bother you." she says considerately.

"No." I tell her, "I'm going to take you there." I want to. She smiled softly as she reminded me to consume all the food that she cooked for me for the next few days. Hindi ko naman hinihingi na ipagluto niya ako, pero sobrang saya ko kung paano niya ako asikasuhin sa paraang alam niya. Hinding hindi ko sasayangin ang mga pagkain na niluto niya para sa akin.

At the airport I reminded her everything she could possibly forget. Though honestly, I'm just delaying her. Sana nga may naiwan siya para may dahilan kaming bumalik sa penthouse. Pero ako pa nga mismo ang nag-ayos ng gamit niya para wala na siyang makalimutan. The irony.

The Only Hope for Me is YouOnde histórias criam vida. Descubra agora