Chapter 8 : I don't do Pass Time

407 78 153
                                    

M A X E N E

Nagising na lang ako nang tamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko naikot na naman ang paligid ko kahit hindi naman ako nakasakay sa merry-go-round. Sinubukan kong tumayo at tulad ng nakaraan nagising ako ng naka-underwear lang ako.

Teka deja vu ba ito? Nasaan ba ako?

Bago ako mag panic, sinuri ko muna ang lugar, pamilyar naman ito at nang tumingin ako sa bandang pintuan, nakita ko si Travis na seryoso akong pinagmamasdan, kaagad ko namang tinakpan ang sarili ko dahil nga naka-underwear lang ako. Kanina pa ba siya diyan? Bastos! "What the hell am I doing here?" sigaw kong patanong sa kanya. I noticed that he has those dark circles around his eyes, puyat ba siya o nag-adik kagabi?

"Are you up?" he asked, it's obvious on his face that he is exhausted, "Pupunta pa akong school, please tell me your schedule." malumanay niyang pakiusap sa akin. Himala, hindi ata siya inis ngayon?

I checked my phone, "May shoot ako mamayang hapon. I told you that yesterday."

"You did. What you didn't tell me was you went to a bar last night alone." may diin ang ilang salita sa kanyang tugon habang seryosong nakatingin sa akin. Para siyang may pinapagalitan na bata, "Mahirap bang i-update ako sa kung ano ang gagawin mo?"

Napalunok ako. Ang aga-aga, sermon.

"That's just me taking care of my boredom?" palusot ko sa kanya, nakita ko siyang umismid at umiling na parang walang kwenta ang dahilan ko sa kanya, "So bakit ako nandito ulit? I'm sure I have my keys in my purse. You should have driven me home."

"Drunk Maxene is dangerous," he says monotonously, "And drunk Maxene is stupid."

"Ano naman ang ibig sabihin noon?" dumiretso siya sa side table at iniwan ang gamot kasama ng isang basong tubig.

"Drink that." utos niya sa akin at humikab.

"Are you going to school, eh mukhang pagod na pagod ka eh." I uttered with a friendly tone yet he glared at me. Teka, may kasalanan na naman ba ako sa kanya?

"Dalian mo kumilos para sabay na tayong umalis dito." reklamo niya at sabay na rin lumabas ng guest room. Dali-dali naman ako dumiretso sa banyo para sana maghilamos at magsipilyo. Kainis! Wala pala akong baon na toothbrush sa pouch ko. I smelled my breath... Yuck! I tried to use Travis's mouthwash para naman kahit papaano, mabawasan ang baho ng bibig ko mula sa mga alak na nainom ko kagabi. Sa bahay na lang ako mamaya maliligo at mag totoothbrush ng maayos. Laking gulat ko na lang nang biglang pumasok ang puyat na si Travis at sinampay ang tuwalya niya sa may rack. Ano kayang ginawa ng taong ito para mapuyat ng ganoon? Sobra ba siyang tumutok sa review kagabi?

He lifted his shirt that made me swallow an invisible apple. Obvious naman kasi na may tao sa banyo, hindi ba? Nagawa pa niyang tumingin sa akin at ngumisi ng nakakaloko, "Are you going to leave or are you going to watch me take a bath?"

"Alam mo namang nasa loob ako, hindi ba?" naiinis kong paalala sa kanya, "You should have knocked." I look at him disappointingly.

"This is my bathroom, why would I ask for your permission?"

Pinipigilan kong mainis dahil para akong napahiya sa sinabi niya. Napapikit na lang ako at lumabas na ng banyo. Binagsakan ko siya ng pinto sa inis ko. Ang aga-aga badtrip siya!

Agad naman akong nakapagluto pagkalabas niya ng banyo, "Kumain ka na dito." niyaya ko na rin siyang mag-almusal at nilagyan ang plato niya ng ilang bacon and eggs. I see that his hair is still dripping, his towel is on his shoulder. Hindi man lang niya pinatuyo ng maayos ang buhok niya. Sinalinan ko na rin ang tasa niya ng kape at dinagdagan ng ilang loaf ang plato niya. Buti na lang at may maayos akong naluto sa mula sa loob ng ref niya. Marunong kaya siyang magluto? Impossible naman na inaasahan niyang ipagluluto ko siya, hindi ba? Wait, that last question really didn't fit.

The Only Hope for Me is YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora