Chapter 60 : Camping Trip Day 2

99 7 0
                                    

T R A V I S

Tumindig ang balahibo ko nang makarinig ako ng isang putok na hindi galing sa mga paputok na naririnig ko tuwing bagong taon. Sobrang lapit ng tunog na iyon sa paligid ko pero wala akong makita dahil madilim ang paligid ko.

Isang pamilyar na boses ang sumisigaw at nagwawala sa hindi kalayuan, hindi ko pa maintindihan ang mga salitang binitawan niya pero sa tono ng pananalita ng babaeng galit na sumisigaw, sigurado akong hindi iyon Ingles.

"Azrael!" Nag-aalalang boses ni mama at tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero madilim pa rin ang paligid ko.

Niyakap niya ako agad at may inilagay na bagay sa likuran niya, nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil ilang araw ng walang laman ang tiyan ko. Binuhat ako ni mama sa bisig niya at inilabas sa madilim na lugar na iyon hanggang sa unti-unti ng lumiwanag ang paligid ko, pero kahit anong pilit ko, malabo pa rin ang paningin ko.

"Focus on my voice, Azrael. Stay awake." Her voice is soft as her eyes look at me helplessly.

Usually mama smells like winter, mama's hair is white as snow and her eyes are blue like sapphire, but mama's scent is ugly as she carries me in her arms, her hair is stained red and her face is swollen as if something hurt her.

"Mama..." I uttered weakly as she shakes her head... I don't remember the expression I gave her, but it made her burst into tears.

"Travis!"

Boses ni mama iyon na para bang ginising ako sa isang masamang panaginip. Tinignan ko ang paligid ko at halos tulog pa ang lahat.

Sinabunutan ko ang buhok ko habang inaayos ang paghinga ko. Pilit kong inaalala ang panaginip na iyon pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, para itong multo sa utak ko na bigla na lang naglaho. Ibang-iba ang panaginip na iyon sa bangungot na hindi ko kailanman makalimutan.

Ang bangungot na halos mawalan ng hininga si nanay sa harapan ko.

I took one deep breath as I convinced myself to get up before anyone could see me.

I check my phone and it's almost four in the morning, pero wala pang liwanag. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at lumabas sa pasilyo ng rest house.

Ang tanging naaalala ko lang ay ang makitang muli ang mukha ni Mama sa panaginip ko, napangiti ako ng maalala ang maganda niyang mukha, pero kaagad din akong naluha nang maalala siya.

Mama, kaya mo po ba ako dinalaw sa panaginip dahil masama ang loob mo sa akin?

"Ang aga mo atang magising?" Napalunok ako nang marinig ko ang boses niya.

Si Laurenz.

I concealed my thoughts as I made a proud face, "Hindi ako sanay matulog sa double deck."

And just like that, silence fills the space between us.

Muli akong uminom ng tubig habang inaayos ang sarili ko sa harapan niya.

"Anong napanaginipan mo?" He asks almost in a whisper, almost with concern, I look at him with a smile and shake my head.

"I can't remember." I shrugged it off as I took a deep breath closing my eyes, "Forgotten dreams aren't important."

I heard him chuckling, shaking his head as if he didn't buy my excuse.

"Naalala mo noong mga bata pa tayo," Panimula niya, "Kinukwento ko sayo yung mga anino na nangugulo sa akin noong bata pa ako tuwing gabi?"

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now