Chapter 47 : Mutual Memories

122 30 9
                                    

M A X E N E

Nakarating na rin kami sa bakery at kita naman kay Sarah na sobra siyang natuwa, kaya lang nagtaka ako at isang piraso lang ang inorder niya.

"Bakit isa lang?" I asked, "Ayaw mong tikman lahat?"

"Eh kasi ito lang ang extra ko." Nahihiya niyang pag-amin sa akin.

Yung dalawang boys na kasama namin ayun; si Laurenz naka-upo sa couch habang tinitingnan pa rin ako ng masama ng naka cross arms. Pikon na pikon si loko.

Si Travis naman kakapasok lang sa store siguro kaka-park lang din niya.

I playfully winked at him and he shakes his head hiding his amused face.

Muli akong humarap sa counter at nag-order ng apat na box ng cream puffs.

"Ang dami naman noon Maxene." Sarah whispered next to my ear.

"Gusto ko lahat tikman mo, hindi yung regular flavor lang." Sabi ko at niyakap naman niya ako. Napansin ko na nakakuha si Laurenz ng magandang pwesto sa loob ng store at nang magtugma ang mga mata namin, nag-peace sign ako sa kanya, pero nag-roll eyes lang siya sa akin.

Supladong antipatiko.

Matapos namin makuha ni Sarah yung inorder ko, sinamahan na namin sa couch si Laurenz at nagpakuha na rin ako ng maiinom kay Travis at walang reklamo naman niya akong pinagbigyan na nakangiti sa akin.

Buti pa yung boyfriend ko hindi topakin. Hindi katulad ng utol niya.

"Takaw mo." Saway ni Laurenz kay Sarah.

"Pake mo ba, masarap kumain," Sabat ko sa kanya, "Ang sama mo sa bestie ko." Pagtatanggol ko kay Sarah.

"Ito lang ang pinunta natin dito?" He looks a little dissatisfied, "Eh parang bavarian doughnuts lang ito. May cream sa loob." He reasoned.

"Natikman mo na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako gutom." Pagmamaktol niya pero biglang tumunog ang tiyan niya.

Bigla ko tuloy naaalala yung unang araw ko sa condo. Paano ba naman kasi, tinanong ko rin si Travis noon kung gutom siya dahil kung saan-saan ko siya hinila noon at tulad ni Laurenz ngayon, todo tanggi man siya, sinagot naman ng tiyan niya yung katanungan ko.

Inabutan ko siya ng isang cream puff, "Sige na, kainin mo na."

"Masarap, swear." Malugod na pagkumbinsi sa kanya ni Sarah.

"Lahat naman ng pagkain, para sayo masarap." He clicks his tongue again and takes a bite of the cream puff I gave him.

Kita naman sa mukha niya na nagustuhan niya iyon.

"Ano, masarap, hindi ba?" I raised him an eyebrow.

"May sinabi ba akong hindi?" Pagsusuplado niya.

Nang makarating si Travis sa pwesto namin, napansin ko kung paano namnamin ni Laurenz yung lasa nung cream puff. Baka first time niya rin na nakatikim nun. That made me a little happy.

"Mas masarap siguro ito kung lalagyan ng konting cinnamon." Halos pabulong niyang sambit. But then he shakes his head as if he's having some sort of conversation in his head.

"Ha? Bakit naman cinnamon?" Curious kong tanong ko sa kanya.

"Huwag ka ngang epal babae." Umiwas din siya agad ng tingin sa akin. Napakasungit naman talaga nitong lalaking 'to.

I look at Sarah and I see her shaking her head from Laurenz's reaction, "Hindi mo kaya gayahin ang cream puffs, huwag mo nang tangkain." She teased him. 

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now