Chapter 46 : Regrets of the Past

104 30 13
                                    

T R A V I S


Napalunok ako habang kinokontrol ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Travis."

Sa loob ng mahabang panahon ngayon niya lang ulit tinawag ang pangalan ko.

I look at Maxene and she's smiling with tears in her eyes, "She's calling you." She says almost in a whisper.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang harapin si nanay, napapikit ako. Nanghihina ako. 

I feel Maxene's hand on mine as I look at her. From the way she looked at me, her eyes were as if they were giving me enough courage to look back at my mother, and with all my strength I did.

She said nothing but she just smiled at me.

Her smile is like she's thanking me for something I did for her.

Muli niyang binalikan ng tingin si Laurenz at hinaplos sa mukha, "Kamukhang-kamukha mo talaga ang tatay mo." Pagpuri niya sa kanyang anak.

Tulad ko hindi alam ni Laurenz kung ano ang dapat niyang sabihin, pwera sa isang tanong na parang matagal na niyang gustong itanong kay nanay, "Bakit po iniwan ninyo ako?"

Nalungkot ang mukha ni nanay, umiling at napaluha, "Ang sabi nila sa akin, namatay ka noong ipinanganak kita. Mahal na mahal kita Laurenz, kaya hindi ko kinaya noong sabihin nilang wala kang buhay noong isinilang kita, halos ikamatay ko."

Pilit siyang ngumiti sa harapan ng anak niya, "Patawad kasi naging mahina si nanay. Patawad anak, patawad."

Punong-puno ng pagsisisi ang mukha ni nanay at inilapit niya ang noo ni Laurenz sa kanya habang hawak pa rin niya ang mukha ng kapatid ko.

"Pero alam mo ba," she paused, "Sa totoo lang, mas malaki ang naging kasalanan ko sa kuya mo." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi sa kanya ni nanay.

Halata sa mukha ni Laurenz na gusto niyang magtanong, pero hindi niya naman alam kung paano.

Ayoko sanang mabigla si Laurenz, pero kasi hindi rin naman mapagkakaila kay nanay na masayang masaya siyang makita kami.

Muli akong tiningnan ni nanay at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napansin ko rin naman kung paano ako samaan ng tingin ni Laurenz.

Sa mga mata niya, hindi niya tanggap.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, ni hindi ko alam kung dapat ko ba sila lapitan.

"Kuya," tawag sa akin ni nanay.

Nakaramdam ako ng matinding bigat sa dibdib ko pero hindi ko naman pwede ipahalata kay nanay iyon.

Pilit kong nginitian si nanay kahit pa sobrang sama ng tingin sa akin ni Laurenz. 

"Patawad kuya."

"Nanay, bakit po kayo nahingi ng tawad?" I started laughing it off, containing myself from the situation. "Wala naman po kayong kasalanan," I smiled at her and kissed her hand, "Huwag na po kayo mag-alala."

She's looking at me as if she sees right through me o baka ako lang ang nag-iisip na ganoon.

"Patawad, anak at nasaktan kita ng sobra."

Umiwas ako ng tingin at umiling pero bago pa man ako makapagsalita, hinaplos niya muli ang mukha ko, nginitian niya ako at tiningnan ako sa mata.

"Tama na, Travis." 

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now