Chapter 22 : There is Us

248 38 72
                                    

T R A V I S

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko na natutulog na ng mahimbing si Maxene, kaagad ko naman siyang tinabihan at inakala ko pa na nagkukunwari lang siyang tulog pero bigla siyang humilik.

Natawa ako, kay ganda gandang babae, pero may pagkabalahura din.

My one unbelievable woman.

Akala ko maabutan ko pa siyang gising, edi sana kung gising pa siya, nakumbinsi ko siyang mag-session kami ulit. Hindi naman mapagkakaila na natutukso na siya kanina, tch, sayang edi sana sinungaban ko siya. Pakipot pa kasi.

Pero maliwanag naman na gusto niya sulitin ang huling araw niya dito sa Japan. Masyado na akong selfish kung hindi ko siya pagbibigyan, babawian ko na lang siya kapag nakauwi na kami, halos wala na rin pala akong natirang rubber dahil nakailan din kami kanina pagkagising niya.

Punyeta! Tiis ka muna ngayon Travis! Abuso kang gago ka eh!

Napapailing na lang talaga ako sa sarili ko. Bakit kasi napakaganda ng girlfriend ko, nakakagigil.

Natawa ako ulit, girlfriend ko.

Kulit din eh, noong una fiance, tapos girlfriend, bakit ba baligtad ang naging arrangement namin?

I held her close to me and savored her scent. Hindi ako magsasawang gawin ito ng paulit-ulit, kahit pa minsan sinasabi niyang mabantot siya. Para sa akin napakabango ni Maxene.

I planted a kiss on her forehead and whispered, "I love you Maxene, I love you very much."

Those words aren't just words. Nang sabihin ko iyon sa kanya, parang gumaan ang pakiramdam ko. Parang mas nakahinga ako ng maluwag.

This is me freeing myself from the person I once was.

Alam ko hindi pa ako buo, pero katulad din naman niya ako.

Hanggang ngayon binubuo niya pa rin ang sarili niya matapos siyang ma-heartbroken kay Kenzo.

At least I wanted her to give the security she deserves.

Hindi naman ako talaga pupunta dito kung hindi ako talaga seryoso sa kung anong nabubuo sa aming dalawa ngayon.

I couldn't help myself to fall for her.

Halos lahat na ata ng akala kong hindi ko nararamdaman dati, naramdaman ko sa kanya, halos sumabog na ako sa sobrang pagkikimkim ko sa nararamdaman ko sa kanya.

Hindi naman mainitin ang ulo ko dati, pero isang anomalya lang sa relasyon namin, ikinakagalit ko na iyon ng sobra, na ayokong palampasin ang isang araw para lang ayusin ang kung anong mali sa amin.

Hindi ako mapakali sa tuwing wala siya sa tabi ko. Pakiramdam ko parating may nagmamasid, nag-aabang o naghihintay ng oportunidad para lang magkagulo kami. Hindi maalis sa akin na isipin iyon dahil natatakot akong mawala siya sa akin.

Siguro nga ang laki ng insecurity ko, tatanggapin ko nalang ang fact na iyon sa akin.

Kung pwede lang na ikulong ko talaga siya sa akin, gagawin ko. Pero masyado ko siyang mahal para masakal ko siya ng ganon. Kung kailangan lagi ko siyang sabayan o habulin sa mga hakbang na tatahakin niya, gagawin ko. Kahit saan pa siya magpunta susunod ako.

Natatawa ako na napapailing, hulog na hulog na ata talaga ako kay Maxene.

Pero may ilang bagay pa akong hindi masabi sa kanya tungkol sa akin at hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin ng walang takot at pag-aalinlangan.

Tulad na lang kanina noong nagtanong siya sa akin tungkol sa mga magulang ko. Pakiramdam ko kailangan ko lagi mag-ingat kung tungkol sa mga magulang ko ang magiging usapan. Hindi naman sa ikinahihiya ko kung sino sila. Kung tutuusin malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil tinuring nila akong parang tunay nilang anak. Pero may parte sa puso ko na pakiramdam ko kailangan ko bayaran ang lahat ng ibinigay nila sa akin.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now