Chapter 43 : Real Score

142 30 9
                                    

T R A V I S


Dumalaw kami noong isang araw sa parents niya para sabihin ang desisyon niyang magpa-opera na siya.

Noong una natakot ang mommy niya dahil pabigla bigla si Maxene ng desisyon, lalo na at malapit na siyang mag-birthday. Kinokondisyon din siya ng asawa niya dahil ayaw naman niya na magpaopera ang anak nila lalo na at birth month niya.

Nabitawan din niya ang mga salitang, "We can pay for the surgery right away, kahit gaano pa iyon kamahal. What we can't refund is your life, if something unfortunate happens to you during your operation."

Naaalala ko pa ang hitsura ni Maxene noon na halos maiyak sa sinabi ng mommy niya. Kahit pa papaano, masaya akong makita na nagpapaka-ina na siya sa anak niya.

Dumaan na rin kami sa doctor niya at ipinaalam sa doctor niya ang desisyon niyang magpaopera.

Sinet ng doctor ang operation niya sa susunod na taon dahil na rin sa request ng mommy ni Maxene para sa kanyang anak. Pilit na nagpapakatatag ang daddy niya para sa kanyang mag-ina kahit na natatakot rin siya para kay Maxene.

But Maxene has already decided.

Aminado rin naman si Maxene na takot din siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya, pero tama rin naman siya, hangga't may paraan para mapahaba ang buhay niya, ano pa man iyon, gagawin niya para gumaling lang siya.

Takot man din ako pero kailangan kong magpakatatag para sa kanya, lalo na at gagawin niya ito dahil lang sa gusto niyang tuparin ang pangako niya sa akin.

Nagpaalam siya sa akin na kikitain niya si Sarah ngayong araw dahil na rin sa namimiss na naman niya ang bestfriend niya kaya pinagbigyan ko na. Tutal nasa mansion naman sila ngayon na nag-bobonding so, hindi naman na ako kailangan pang mag-alala sa kanya.

Natapos na rin ang klase ko kaagad, tulad ng napagkasunduan namin ni Mrs. Santiago, minsan nakiki-sit-in ako sa iba niyang klase para makabawi sa mga naging absent ko noong midterms.

"Travis!" Muling tawag sa akin nila Gerard, parang kamakailan lang noong huli nila akong makita, pero grabe naman ang pagkasabik ng mga ito sa akin.

"Kamusta?" Tanging natanong ko sa kanila.

"Ikaw ang kamusta?" Balik na tanong sa akin ni Joshua, "Si Maxene, kamusta na?" Kahit pa paano naman halata sa boses nila na nag-alala sila ng sobra kay Maxene.

"She's okay." Tanging sagot ko, napansin ko naman na kulang sila, "Asan si Pierre?"

"Umuwi siya kaagad kasi pinatawag siya ng tatay niya." Sagot sa akin ni Joshua.

"Grabe pa naman ang tatay ni Pierre noh?" Kumento ni Gerard, "Hindi ko alam, takot na takot ako doon."

"Well, what could we say, he's not the great Senator Valentine for nothing." Kumento ni Joshua, "Kung hindi nga rin dahil sa kanya, hindi magiging governor si Dad."

"Ay balak din ba ni Tito magkaroon ng pwesto sa senate?" Tanong sa kanya ni Gerard.

"Sa pagkaka-alam ko oo." Bored na sagot ni Joshua, "Puro naman sila politika, alam mo naman yung mga iyon."

The Only Hope for Me is YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt