Chapter 49 : Blue Roses

152 20 13
                                    

M A X E N E

Every Disney story begins in, 'Once upon a time'.

Mine, begins with the sound of an annoying alarm clock waking me up from a good sleep. Sinong nagpalit ng alarm tone ko?

Bakit yung 'So What' ni Pink ang bumati sa umaga ko?

Lagot talaga sa akin kung sino man ang nagpalit ng alarm tone ko!

Maayos naman yung kanta kaya lang parang naka-loop yung intro.

Halatang inaasar ako.

First suspect ko talaga ay si Maxwell. Siya lang naman ang nanghiram ng phone ko kagabi.

Kunwaring maglalaro ng bagong game na ininstall ko sa phone, pero ganito ang ginawa niya sa akin.

Leche!

"Miss Maxene, gising na po." Boses ni Natasha. Oo nga pala dito ako umuuwi sa bahay, how can I even forget? Akala ko pa nasa condo ako or sa penthouse ni Travis.

Though kamakailan natulog ako sa penthouse ni Travis, pero isang gabi lang naman iyon, after that hindi pa ulit kami nagkikita.

I miss him already.

Bumangon ako at hindi tulad ng Disney princesses na maganda pa rin kahit bumabangon mula sa pagkakatulog, ako, tulo-laway pa. Kadiri.

Ganito rin ba ako noong mga panahon na kasama ko si Travis?

Bakit kasi ang sarap matulog?

Ilang araw din akong hinahatak hatak ni mommy kung saan-saan. I know nabawi siya sa akin, pero aware din ba siya na napapagod din ako?

Anyway, pwede bang palipasin ko muna ang araw na ito? Tamad na tamad talaga ako.

"Kailangan niyo pong mag-breakfast sabi ng mommy ninyo at para maaga kayong makarating sa venue ngayong araw na ito, aayusan pa daw po kayo at yung gown ninyo nasa hotel na rin po."

Venue.

Gown.

Hotel.

Teka anong araw na ba?

I checked my phone, oh my gosh, today is my birthday!

Napangiti ako. I'm sure magiging maganda ang araw na ito.

Nagpasalamat ako kay Natasha at naligo na rin kaagad. Isinuot ko yung biniling damit ni dad para sa akin at kaagad bumaba sa dining room.

Pero nalungkot ako bigla nang makita kong ako lang ang kakain sa long table namin, ako lang kasi ang hinainan ng mga maids. Nasaan ang mga tao sa bahay?

Ano, yung maids lang ba ang nasa bahay ngayon?

Kairita.

Parang kailan lang, lagi kaming magkakasamang kumain nila mom, dad, Maxwell at Trix.

"Nasaan sila?" Tanong ko kay Natasha.

"Nagcheck-in na po sila sa hotel, hindi ka na nila nagising dahil ang himbing ng tulog ninyo."

Alam kong off limits kapag natutulog ako, pero sana naman hinintay nila ako, hindi ko tuloy mapigilang hindi magtampo. Parang pinag-usapan nila na hindi ako sabayan ngayong breakfast.

I checked my phone and saw some text messages from the people at work and some good friends.

Natuwa ako dahil si Kenzo ang kauna-unahang bumati sa akin, talagang ugali na niyang maghintay ng midnight para lang batiin ako para siya ang pinaka-unang babati sa akin.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now