Chapter 66 : Asymptomatic Catastrophe

144 6 0
                                    

M A X E N E

Humihinga man ang katawan ko, pero pakiramdam ko patay na ang kaluluwa ko.

It's true that my body survived my heart surgery.

Pero bakit pakiramdam ko, hindi pa nawala lahat ng sakit?

To be honest, it's never easy for me to cope up with the past few months. I had a series of episodes in my life that I hurt myself until I bleed.

Akala ko kapag sinugatan ko ang sarili ko, maililigaw ko yung sakit na iniinda ng puso ko, kaya lang kahit anong gawin ko, manhid na ang katawan ko sa bigat na dinadala ng puso ko.

My pain isn't physical but it surely hurts more than bleeding yourself out.

Siguro nga kung hindi ako nahuli ni Mom sa akto na sinusugatan ang sarili ko, baka na-ospital ako ulit. Naalala ko pang mahigpit niya akong yakap-yakap noon at ilang beses siyang humihingi sa akin ng tawad habang naluha siya sa balikat ko, pero tila nabibingi na ako sa paligid ko. Sadyang nag-malfunction ang five senses ng katawan ko.

My parents have me meet a psychiatrist to help me cope with my depression. The problem with depression is, it's not a physical wound that you could just cover using a band aid, it's an invisible wound that is inside your mind, your heart and your soul. My doctor prescribed me some antidepressants that I could take to calm me down from time to time.

Naka-ilang sessions din ako sa psychiatrist ko bago niya masabi na, kahit papaano ay umaayos na ang kalagayan ko. Minsan, nakikita ko sila Mom and Dad na kinakausap ng psychiatrist sa tuwing naiiwan ako sa isang kwarto kung saan pwede ako magsulat o mag drawing ng kung anu-ano dahil sabi ng doktor ko, kailangan ko daw ilabas ang saloobin ko sa paraang malaya akong gawin.

Nakakatulong rin ang consistent na pag-alalay sa akin ng mga tao sa paligid ko, magmula sa loob ng bahay hanggang sa pangungulit sa akin ng mga malalapit kong kaibigan.

"Maganda ito bestie ah, abstract." Nakangiting puri sa akin ni Sarah. Hindi ko alam kung binobola niya lang ako dahil kung titingnan yung gawa ko sa gawa niya, hindi naman mas may matinong imahe ang nasa canvas niya. Isa itong larawan ng isang malaking puno na katabi ng isang puting bangko at napapaligiran ito ng mga dilaw na bulaklak at damo. Buhay na buhay ang kulay ng painting niya, kaaya-aya sa mata, hindi katulad ng sa akin.

Naging habit na ni Sarah ang dumalaw sa mansyon, dapat pa nga ay kasama daw si Martin ngayon, kaya lang busy daw siya sa school. Hindi pa ulit ako nakakabalik ng condo, basta ayaw nila Mom at Dad na mapag-isa ako, lalo na ngayon.

I chuckled, "Sige nga, ano naman ang nakikita mo? Eh ang gulo-gulo ng gawa ko kaysa sa gawa mo." Lait ko sa sarili kong gawa.

Muli niyang sinuri ang larawan na nasa canvas ko. "Hmm, para siyang asul na bulaklak na natunaw." She paused, "Though hindi ko alam kung anong bulaklak kasi naka-smudge, pero maganda naman ang effect ng painting." Siniko niya ako ng nakangiti. "Portrait ba ito o landscape?" Tanong niya sa akin.

 "Portrait ba ito o landscape?" Tanong niya sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now