Regrets

2.3K 15 0
                                    

I am a Tomasina, and he's from UP Manila. Early high school palang nagsimula na yung lovestory namin eh. MU na noon pa. Pero alam kong siya lang yung effort ng effort at paantay lang ako ng paantay, buti nga noon sobrang tiyaga parin niya sa akin eh.

Hanggang ilang yearS sa college. Tapos ako pa 'tong isip bata, na mababaw at oo yung stereotype nyo sa babae, na nagpapalambing, tinatantrums, nagpapasuyo, na biglang magtataray at Biglang cold kahit wala namang kasalanan yung lalaki. AKO yun. Ganun ako sa kanya, Pero sobrang iniintindi parin niya ako. Pero siguro nakakapagod din no?

Tapos ako pa yung selosa. Marami din naman akong kaclose na mga lalaki. Tapos marami rin siyang kaclose na babae. Mga sinasama pa niya pag dinadalaw niya ako sa UST, para siguro makilala ko at di na ako magselos.

Yung tropa lang talaga pero ewan ko why I still feel jealous. Pasensya. Unfair ko ano? Marami din akong close na guy friends nakakasama ko pang gumala, pero pag with him hindi ako pumapayag, baka kasi mapagalitan ako kapag nakita.

Back to...pagseselos. Batang isip nga ako noon eh. Lalo dito sa isang babae, na sobrang kaclose niya, nameet ko narin at sinama niya nung dinalaw niya ako. Kaedad din niya pero hindi niya kabatch (higher).

Sobrang bait, napaka ganda, talented, AT in a very long relationship narin si ate. Nung nakasama ko tong ate, talagang kaibigan lang na tumutulong pang manligaw sa akin! Pero nung pauwi na sila ni guy mula sa UST nagumpisa na naman akong magselos. Sa thought na silang dalawa nalang ulit ang magkasama?

Tapos thru text message tinext ko si guy na tama na, friends nalang. at walang explanation. At pinilit ko. This time, tinanggap na niya. Inaantay ko pa ngang ilaban niya ulit para sakin. Tinext ako ni ate, ano daw sinabi ko, bakit biglang natahimik si guy at naiiyak na noong time na 'yun.

Pinapapunta pa niya ako para kausapin ko daw si guy kasi mahal na mahal daw ako. Pero nanaig padin yung pagseselos ko na sila lang magkasama sa oras na yun, sa facebook kasi noon inaasar din sila ng mga taga organisasyon nila na bagay daw sila at sana ilevel up yung matinding friendship.

Kahit wala lang sa kanila. Pareho silang loyal eh. Ewan ko ba. Naiinis ako sa sarili ko...hanggang ngayon. Nagsisisi ako. Sa lahat. Ng kababawan ko. ALAM KO, POSIBLE TALAGA ANG GENUINE FRIENDSHIP SA OPPOSITE SEX. Lalo kung hindi kayo nagbabawal sa isa't isa dahil sa tiwala. Pero, selosa ako. Yun lang.

Lumipas ang taon, nakita ko sa fb at twitter ni ate kung gaano siya kabroken hearted dahil sa pagbbreak nila ng long time bf niya. Tapos time passed again, nililigawan na ni UPM guy si ate.

Mukhang napakasaya nila, eh, siguro sila pala yung para sa isa't isa.. Imagine, kapitbahay ko lang si guy, tapos si ate napakalayo, pinupuntahan pa rin niya, ilang express way man ang tawirin ng ilang oras. Yung ganung effort, binubuhos sakin dati yun eh, pero anong ginawa ko?

Oo sising sisi ako! nagsisisi ako. Sinisisi ko sarili ko bakit ako naging ganun sa kanya. Pati mga kaibigan nyang babae, lalo si ate, na tumutulong pa dati na sagutin ko na si UPM guy, eh pinagseselosan ko. Ngayon eto ako, nagsisisi.

Sa mga nakakakilala sa akin, wag nyo nalang akong i-tag ha? Sana po mapost nyo to admin, di ko rin kasi masabi kay UPM guy na sobrang pinagsisisihan ko yun, HANGGANG NGAYON. Sana mabasa nya. Alam kong nagbabasa siya dito eh. Kung pwede lang, sana bumalik ka nalang sakin, sana hindi pa huli ang lahat satin.cry emoticon"

bbgrl 
2016 
College of Fine Arts and Design

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon