Ang Mahalaga

8.3K 73 3
                                    

Nakakainggit yung mga nakikita kong couples. Magkaholding hands, nakaabay si boyfriend kay girlfriend, tapos minsan naman nakahawak sa bewang si boyfriend. Yung iba syempre bitter pag nakakita ng ganun.

Ako hindi, naiinggit ako kase buti pa sila magkasama lagi araw araw, nagkikita araw araw, laging may may ngiti at kilig araw araw. Buti pa sila. Kami kase eh, LDR. So ang hirap para magkasama lagi. Pero syempre BDO, we find ways. Hindi nawawala ang communication namin sa isa't isa.

Ang hirap kaya pag LDR pag walang communication. At ang hindi dapat mawala sa isang relasyon ay yung TRUST at LOVE.

Kaya sa mga couples dyan na laging magkasama. Iwasan na yung mga away diyan. Diba ang sarap sabihin na "It's better to lose an argument to her than to lose her."

Kaya kayong mga lalaki marunong dapat magpasensiya. Alam myo naman ang mga babae gusto lang nun nalalambing sila ng mga baby/babe/bae nila. Sa mga LDR naman dyan, kaya nyo yan.

Kami nga 3 years na. Kaso ngayon lang talaga kami nagkalayo. Kahit isa, dalawa or tatlong beses lang kami magkita sa isang buwan masaya na ako. Pero when we wave goodbye, ayun malungkot na ulit kase di ko alam kung kailan kami ulit magkikita. Distance gives us a reason to love harder.

Kahit magkalayo kayo, alam nyo na may nagmamahal sa inyo. Kahit di nyo makita sa araw araw alam mong di ka nya lolokohin at hindi iiwan. Kaya kayo pahalagahan nyo sila. Make them feel wanted and LOVED. Tsaka ang mahalaga sa lahat eh, wala tayong Ebola.

Gulaman

College Of Education

2014

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon