CHOOSE ME. I'M SPECIAL

3.4K 42 0
                                    

May girlfriend ako. Arki student sya, pero hindi dito sa UST. Hindi ko na sasabihin yung school, dagdag issue pa tsaka malalaman ng mga friends ko na ako yung nagconfess nito.

Hahaha. Anyways, sobrang dami na naming napagdaanan sa loob ng 9 months gaya nung ibang relationships, and kapag ikinwento ko kahit yung important details lang ng relasyon namin, sobrang haba pa rin nung kalalabasan.

Kasi hindi naman nagsimula yung pagmamahal ko sa kanya 9 months ago. We were bestfriends for three long years. Bakit hanggang best friend lang? Wala e, taken sya. Pero don't get me wrong, hindi ako yung dahilan nung pagb-break nila, hindi ko sya nilandi, and ni minsan hindi ko cinonfess sa kanya na inaantay ko sya.

2 years yung inantay ko para mapatunayan ko na kaya ko syang mahalin nang higit pa sa isang bestfriend. Luckily, binigyan nya naman ako ng chance. Sobrang sarap sa feeling nun, kasi after years, masasabi kong girlfriend ko na sya.

Masaya naman kami sa loob ng first month, kaso... bumalik yung ex nya. Intense pa yung pagbabalik nya ha. Nagtext sa kin yung ex, "I want her back." Grabe. Hindi ko alam mararamdaman ko nun. Pero mas masakit pala nung sinabi ko sa girlfriend ko na tinext ako nung ex nya, kasi ang sinabi nya sa 'kin, "Hindi ko alam. Mag-usap kayo, naiipit ako."

Akala ko, ayos na lahat. Akala ko, ako na talaga yung mahal nya. Akala ko lang pala yun. Kasi kahit almost 8 months na silang break, nalito pa rin sya kung sino sa ming dalawa yung gusto nya. Nakipag-cool off sya sa kin, pero humiling ako sa kanya ng 1 week, kasi exams namin nun, baka bumagsak ako.

Umiyak ako nun. Ang gay no? Hahaha. Wala. Ang sakit talaga e, kaya kinausap ko na lang yung girl bestfriend nung girlfriend ko, tinanong ko kung anong gagawin ko. Mabait yung bestfriend nya, as in. Tsaka botong boto sa kin, alam naman nya kasi na mahal na mahal ko yung bestfriend nya. (Wag mag-conclude agad, walang plot twist na yung bestfriend nung girlfriend ko yung makakatuluyan ko.)


Sinabi nya sa kin na, ipaglaban ko daw kung mahal ko talaga. Yun yung ginawa ko. Pinaramdam ko sa girlfriend ko na ako dapat yung piliin nya, sa loob ng one week.

Yung tipong kahit medyo nagtatampo ako, ako pa rin yung sumusuyo sa kanya. Yung tipong nawala na talaga yung pride ko sa sobrang pagmamahal sa kanya. Hindi ko alam, pero sobrang mahal ko sya kahit muka na 'kong tanga. Malapit nang matapos yung one week, kaya nagmessage ako sa kanya na dinaig pa ang nobela ni Rizal, na nagsasabi kung bakit ako dapat yung piliin nya. Meron pang part dun na sinabi ko, "Give me the right to be with you.

Give me the chance to love you more each day, and prove it the days after." Lahat na ng kaya ko, ginawa ko sa loob ng one week. Kaya hindi ko na alam kapag hindi pa ako yung pinili nya. Baka magpatiwakal na 'ko. Joke. Basta, irerespeto ko naman yung desisyon nya e.

(Fast forward)



Ako yung pinili nya. Sobrang saya ko. Mas masaya pa sa feeling nung naging kami, kasi finally, ito na talaga. Ako na. Wala na yung past, and ako na yung pinili nyang makasama sa future. Nakakaiyak. Nababakla na naman ako.

Pero, sobrang nakakaiyak talaga. After months, hindi naman ako nagkulang sa kanya, kasi lahat ng effort na kaya kong gawin, ginawa ko. Nung birthday nya. Nung monthsary namin.

100 letters, life size teddy bear, at lahat ng sa tingin ko ay magugustuhan nya. Marami pa rin kaming pagsubok na hinaharap, and yung story na 'to, wala pa sa half ng magaganda at worth-telling na stories ng relationship namin, like yung mga nagtry manghimasok sa relationship namin, yung pagiging sobrang busy sa studies, yung matinding pagtutol ng guardians namin sa relasyon namin at marami pang iba.

Kaya ito lang yung kinwento ko kasi kahit magte-ten months na kami gusto kong malaman nya na, grateful pa rin ako na ako yung pinili nya. SIGURO NGA WALANG FOREVER, pero kaya ko namang pagkasyahin yung isang LIFETIME para mapasaya ko sya.

Kaya, Baby girl, alam ko namang mahilig ka magbasa dito, and matagal na nating plano magshare dito. Kapag nabasa mo 'to, for sure alam mong story natin 'to. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, at hinding hindi ako magsasawang sabihin at patunayan sayo yan araw araw. Happy 10th monthsary, Baby. Iloveyousomuch! 



Faculty of Pharmacy

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon