Stranger at my ex-girlfriend's wedding

2.1K 18 2
                                    

Totoo nga talaga, malalaman mo lang halaga pag wala na.

I broke up with my faithful, loyal, sweet, loving girlfriend of almost four years. (buong college) sabi nila sobrang swerte ko sa kanya. sobrang ganda nya grabe, and matalino.

(Dean's Lister sya consistently sa AB sobrang taas ng grades nya) sobrang sweet nya na sinusurprise nya ako lagi, pinagluluto ako ng mga favorite ko, sobrang sweet talaga to the point na sabi ng mga kaibigan ko sana daw may ganun din sila. Inggit na inggit sila kasi sweet at maalaga sya sakin..

bakit ako nakipagbreak? I just felt like it. Parang nawala yung feelings ko bigla because of another girl na crush ko in my class na nakakaclose ko din. Etong si crush, alam na may girlfriend ako pero okay lang sa kanya.

I started taking my then girlfriend for granted.. I would bail out on her para lang samahan yung crush ko. (though wala namang relationship, parang close lang)

Then when I couldn't bear her nagging anymore, I broke up with her. Malapit na mag graduation nun. Sobrang lamig ko nun. Umiiyak sya ng sobra sobra, halos mamatay na daw sya sa sakit. Sobrang di na sya makahinga sa iyak tapos ako malamig lang, ang siansabi ko lang "uuwi na ako. tama na ayoko na. uwi na ko hinahanap na ko sa bahay". kahit explanation di ko binigay sa kanya.


Niligawan ko sya ng sobrang tagal at sinuyo ng sobrang tagal at di ko alam bakit nawala yung feelings ko bigla. Sabi nya, di nya inakala na gagawin ko to kasi nga matagal ko syang niligawan at sobrang effort ako sa kanya.

Okay na okay kami, kilala na ako ng parents nya at sya din sakin. Graduating na kami nun at may mga plano na. Pero bigla akong nagsawa. She was crying so hard nun at hinahawakan kamay ko na magstay ako at bigyan sya ng rason but I didn't.

I left her there sa UST nun and medyo palakas na ang ulan so basa na mukha nya ng luha at umuulan pa nung iniwan ko sya dun. Broken, sobra.

Naging kami ni crush but I realized after 2 years that she wasn't the one I loved. yung girlfriend ko pa din. Pansandaliang init at attraction oo, pero gusto ko pa rin pakasalan yung girlfriend ko. Grabeng rebound si crush.

Akala ko mahal ko talaga umabot kami ng dalawang taon.. siguro minahal ko rin sya kasi 2 years yun. but not the way i loved my ex. Okay lang naman sa kanya since in the end nagkaroon sya ng iba and okay lang sakin because I told her na mahal ko pa rin si ex. masakit di nyung breakup pero masaya na sya ngayon.

Pero yung ex girlfriend ko... gusto ko pa rin tuparin lahat ng pangarap namin. Nagabroad muna ako nun pagkagraduate. Licensed Engineer na ako pero parang maykulang pa rin, and I tried contacting her to her friends pero I never really got the guts na kausapin sya.

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon