Good kids

1.2K 16 0
                                    

Enrollment for school year 2014-2015, hindi makasama yung parents ko kasi may trabaho sila kaya ako nalang pumunta sa Seminary Gym para makaenroll, cash. 




Maaga ako pumunta dun and di pa daw pwede ang Commerce.

May time allotment kasi.




Naglibot muna ako sa P.Noval para kumain ng breakfast sa Mini Stop. Dalawa wallet ko nun, isa para sa regular baon ko and isa para sa pang enroll. Ayaw ko kasing mawala yung pang enroll ko, burara pa naman ako sa gamit at makalimutin.




Nung pumunta na ako sa Seminary Gym para makaenroll. *insert bad word here* wala yung wallet ko with the money na pang enroll! Nilagay ko lang yun sa back pocket ng pantalon ko. Super panic ako nun!!




Pumunta ako sa Mini Stop para hanapin kung sakaling naiwan ko lang dun. Wala. Tatawagan ko na sana parents ko. Nung pagalabas ko ng Mini Stop, may 6 bata na medjo madungis and mukhang alalang alala.




Sumigaw yung isang bata "Yan ata siya oh!"

Hawak hawak nila yung picture ko sa wallet ko. 

Nilapitan nila ako tapos tinanong kung akin yung wallet kasi malaki daw yung pera sa loob.




Sobrang pasasalamat ko and I admit akala ko ninakaw nila or something pero binilang ko yung pera and saktong sakto lahat ng laman, di nila ginalaw.



Sabi ng kaibigan ko na nasa Coffee Indulgence nun na nahulog daw sa back pocket ko and pinulot ng mga bata. Natakot daw siyang baka saktan siya kaya di niya sinita.




Hay nako, kaibigan kuno noh? Haha. Tapos syempre bibigyan ko sana ng pera yung mga bata. Pero pagkain nalang hinigi nila, kaya binilhan ko sila ng Siomai Rice kasi yun lang afford ko pero tuwang tuwa na sila dun.




Nagkwentuhan kami, hirap na hirap na daw mga magulang nila para paaralin sila. Ultimo pagkain di nila matustusan. Utoy, Angielyn, Angelica, Joel, and Rina mga pangalan nila.




Magkakaibigan sila na nagtutulongan magbenta ng sampaguitta sa P.Noval.

Kaibigan din nila si Gerald na sumikat dahil sa math skills niya smile emoticon 

God bless them.

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon