Ms. Never-Been-Cheated-On

1.4K 17 0
                                    

"After reading gazzilions of UST files cheating stories and novels, plus watching tons of movies about cheating, minsan napapaisip ako ""what's it like to be cheated on?"" (disclaimer: no offense to people who had been cheated on; no pun intended :)))

So, one day i asked my bf (of 2 years)


Me: Babe, di ka ba magchicheat sakin?


Him: WTF babe, siyempre hindi


Me: eh gusto ko magcheat ka eh


Him: bakit gusto mo akong magcheat?


Me: para pwede kitang awayin and wala kang choice but to accept my wrath dahil ikaw may kasalanan, malandi ka.


Him: WTF babe. Hindi nga ako magchicheat sayo!


Me: okay, whatever.

Exams week namin (same course and batch namin but we're not block mates) after an exam pumunta ako sa labas ng testing room ng class niya and went looking for him.

wala siya, and it's weird na wala siya kasi alam kong tapos na siya dahil mabilis siyang magtake ng exam ever since first year. so i called him.


Me: san ka?


Him: nasa main building


Me: anung ginagawa mo jaaan?


Him: inaayos ko TOR ko.


Me: bakit di mo ko tinext? hinanap kita sa labas ng room niyo


Him: eh kasi akala ko di ka pa tapos


Me: okay, bilisan mo hintayin kita sa Pav.

Right after naming magusap nagmadali akong lumabas ng bldg. dapat talaga maghihintay lang ako sa pav kaso lang bigla kong naisip na baka may tinatago siya sakin kasi usually nagtetext siya pag tapos na siyang magexam, so i decided na dumeretsong main bldg.

habang nagbibrisk-walking ako dami ng pumasok sa isip ko kung ano magiging reaction ko, sisigawan ko ba siya, or pageexplainin ko ba siya, sasampalin ko ba siya, sasabunutan ko ba yung babae. basta, naexcite ako na ewan. tapos half way na ako sa main bldg. ayun siya naglalakad magisa.

Him: oh, akala ko ba magkikita tayo sa pav?


Me: *rolled my eyes at him* eh i changed my mind, nagmadali pa naman among pumunta sa main bldg. kasi feeling ko nagchicheat ka sakin.


Him: *sobrang tawang tawa siya* WTF, sobrang baliw ka talaga. I would never cheat on you, I'm not the cheating type. sorry.


Me: wag kang magsalita ng tapos. one day, one day talaga!

Then yun, till this day faithful padin siya. hayyy... HAHAHA but seriously, hindi naman sa gusto kong masaktan and shit, minsan kasi gusto ko lang makarelate sa mga ganon, but i know na if ever dumating yung araw na gun (fingers crossed* jooooke) i'll look back to this post and regret it. but hopefully faithful si bf forever. :)))))"

Ms. Never-Been-Cheated-On
2010
College of Nursing

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon