Tourist Spot

1.1K 5 0
                                    

"We broke up. You had your reasons and I understood what you meant. I told you na sana maging masaya ka sa naging desisyon mo.



Nakita ko namang naging masaya ka. I became better kasi narealize ko na nung nawala ka, I could be happier without depending on someone. Naalala mo pa nung mga panahong di mo ako tinetext?



Yung mga panahong hintay ako ng hintay ng message mo pero natitiis mo ako. Pinaramdam ko sayo na mahal kita and I know you loved me too pero it wasn't enough.




Akala ko dati kapag break na, wala na talaga. But you came back. Nagpaparamdam ka ulit. I knew you wanted to be friends with me pero palagi tayong nagiging sweet sa isa't isa sa huli.



Tapos kung kailan okay na tayo saka ka naman mawawala. Ilang beses na nangyari to. Mahal kita at alam ko sa sarili kong kahit subukan kong mag move on ikaw pa din.



Pinagbibigyan kita. Hinahayaan kong bumalik ka pero bakit nawawala ka ulit? Bakit ganito tayo?




Napapagod din ako, no. Kinalimutan ko yung sakit nung nawala ka. Sabi ng mga kaibigan ko wag na daw kitang i-entertain pero di ako nakikinig dahil alam kong we were always worth another try.



Pero ayon, nasaktan lang ulit ako.

Hindi ako tourist spot na babalik-balikan mo kung kailan mo lang gusto. :)





2014 

College of Science

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon