Lee min hopia

2K 21 2
                                    

2nd year college, naging magkablock tayo. Transferee ka from state U. Alphabetical ang arrangement kaya tabi tayo. Medyo cute ka, okay, type kita. Maputi na medyo may pagkachinito. Tahimik ka lang.

Pero di ako sanay kasi na di nagsasalita pag may bagong katabi, ako ata si Ms. Friendly! Haha kaya dinaldal kita. Tinanong kita kung san school ka galing, bat ka lumipat, etc. After nun, tinanong mo kung may kasabay ba ko magbreak, sabi ko wala, absent kasi yung pasaway kong bff, first day palang naman daw kasi at wala pang gagawin, kaya sabi ko sige sabay tayo kumain.

Kumain tayo ng lunch sa Mang Tootz. Kwento kwento, sabi mo nakadorm ka. First time mo mahiwalay sa parents mo ganun. Ako naman, medyo nakakaramdam ng parang kilig na omg baka may patunguhang romantic ang namumuo nating friendship! Chosera lang! Kaya naglakas loob ako itanong kung may jowa ka ba.

At sabi mo, wala. Boom! May chance ako! Sabi ko sa utak ko. Tanong ulit kita kung bakit, pero nagkajowa ka na? Sabi mo, dati nung grade school at first year hs. Pinagtawanan pa nga kita! Binalik mo sakin ang tanong. Sabi ko naman, nung hs lang din, puppy love.

Pero ang totoo, nagkabf ako na blockmate nung first year. Syempre nahiya ako ishare pero eventually nalaman mo din dahil nga naging close tayo.

Shet, buong first sem lagi tayo magkasama, pero me kasama tayong asungot, si bff. Tinutukso nga nya ko sayo pero di mo alam. At pinagkakalat pa sa iba nating kaklase na sweet daw tayo. Eh hindi naman! Pero minsan cute ka, kapag pinapauna mo ko pag papasok ng room, or ibibili ng tubig, laging plus 1 mo ko ganun.

Medyo nagseselos na nga si bff! Pero boto daw sya sayo. Wagi daw ako. Feel ko din yun. Pero syempre, bawal mag assume. Hanggang sa nararamdaman mo na din ang pang aasar satin ng mga kaklase natin. Pero wala kang reaction.

Tawa tawa ka lang, napaka plain mong tao. Pero masayahin ka. Ang cool mo, ang talino mo pa. Pero nung mga panahon na yun, parang happy crush palang kita.

Second sem na. Ganun padin ang set up. Tatlo padin tayo ni bff. Pero etong si bff, lumove life. Kaya dumalang din na pagsama nya satin. Naimbyerna siguro sya 3rd wheel kasi natin! Chosera ulit =))) medyo humaba buhok mo, muka tuloy kpop.

Pero ang cute mo. Second sem din ng natuklasan kong mahilig ka pala sumayaw. At grabe, ang galing mo humataw. Sinamahan kita noon sa audition ng dance troupe ng college, ang galing mo. Ako ang number 1 faney mo talaga.

At bilang di ko mapigilang umassume, medyo umaacting ako na stage girlfriend paminsan. Haha. Kasi naman trophyng trophy ka pag kasama kita eh. Kinaganda ko talagang kaibigan mo ko.

Fast forward, may mga practice ka na, sumasama padin ako, pinapanuod kita, pati sa competition mo syempre, full support ang friends natin. Di man kayo nanalo, pero still, proud padin ako sayo.

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon