ATENG AB NA NAKABENDA ANG PAA

1.1K 14 0
                                    

Ayaw ko sa taong mabagal maglakad. Lalo na yung tipong nagmamadali ka tapos yung taong nasa harap mo ang bagal. Talaga namang mapapaputangina ka nalang talaga e.



E nung araw na yon pa. na-late ako tas may quiz. Putangina ulit. Yung ateng nasa harap ko, ang bagal maglakad. May mga kasama siya, ayun naman pala pilay si ate.



E wala, hinayaan ko na. Late naman na din ako, napatangina nalang ako sa isip ko. Sumunod lang ako kay ate at nakinig sa mga usapan nila. Sa bagal nilang tatlo, ang dami ko nang nadinig.



Natatawa naman ako sa pag-uusap nila kaya kahit late, sige lang. Sunod lang ako sa kanila. Sa buong kwentuhan nila, nalaman ko na swimmer siya at UAAP season pala at sa training siya nainjured.



Natatawa ko kasi ang tapang magsalita at ayaw magpahawak sa mga kasama niya kasi daw parang lola daw siyang inaakay.




Sumabay na ko sa paglalakad nila at ramdam ko namang di nila napansin yon. Napakachismoso ko na pero sa dami ng kwentuhan nila, isa lang ang natandaan ko... at yun yung sabi ni ateng pilay.




"Okay lang na pilay ako noh, napilay naman ako habang ginagawa yung gusto ko. Love ko naman kaya kahit masakit, go! Walang choice e." Ewan ko pero tingin ko, ang lalim ng babaeng yon.



Pinagmasdan ko, maganda naman siya kaso mukang mataray, mukang matapang. Nakapasok na ko at lahat, nasermunan ng prof, bagsak sa quiz, pero nawala yung badtrip ko, ewan ko kung dahil yon sa mga kwentong nadinig ko o sa babaeng pilay na nasa harap ko.




3 years ago na yon. Thrice ko nalang ata siya nakita after noon. Hanggang sa isang Tuesday, naglalakad kami ng tropa ko sa carpark at nakita ko siyang lumabas ng greenwich kasama yung kaibigan niya. Nakita ko siyang, NAKABENDA NA NAMAN ANG PAA.




Bakit pag nagkikita kami palagi siyang pilay? Tinuro ko sa tropa ko at sinundan namin, sabi nila crush ko na daw yon kasi palagi kong hinahanap-hanap. Sabi nila tulungan ko kaso nahihiya ako.



Putangina, nababading ako. Sa sobrang torpe ko, sinundan namin at nalaman kong sa training na naman siya napilay at na kakabreak lang nila ng ex niya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya noon sa kaibigan niya, basta love niya kahit masakit, go.




Ateng AB na naka jansport na pink at violet, hindi ko alam pero crush na crush kita. Pakiramdam ko ang tapang-tapang mo, ang lakas ng loob mo. Sana kung may training ka, mag-ingat ka naman para wag ka nang mapilay.



O kaya naman kung mapilay ka, sana ako naman yung aalalay sayo. Sana ako na yung kasama mo. Sana hindi nalang ako yung palaging nakasunod sayo at nakikinig sa pinagkekwentuhan niyo. Sana ako na yung kakwentuhan mo. :)







Mark 

College of Commerce and Business Administration

2010

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon