Restroom Lover

1.8K 12 0
                                    

2005.

Sa harap ng restroom, nagkabanggaan tayo.
Nahulog ang gamit ko, ito'y pinulot mo.

Ngumiti ka, ngumiti din ako.
Pero walang sino man sa atin ang bumigkas ng kahit ano.

Sa mga sumunod na araw, landas natin ay nagkatagpo.
sa Lobby. sa Pav. Sa Hard Rock. Maging sa Espanya, sa may kanto.

Ngunit wala pa din sa atin ang naglakas loob na simulan ang ating kwento.
Marahil wala naman talagang dapat simulan, yun ang totoo.

Kilala ka ng karamihan. Tinitilian ng kababaihan sa larong pinili mo.
Ngunit hindi naman ikaw, kundi ang matipunong kakampi mo ang gusto ko.

Nagkasabay tayo sa sasakyan. Ang awkward lang ng naging tagpo.
Sa tabi ni manong driver, stiff neck ang inabot ko.

Sandali lang ang biyaheng pa-Lawton, kaya di tatalab pag natulog-tulugan ako.
Masaya na ako na magkatabi at magkadikit ang mga braso.

Ano ba yan, hindi nga kita 'di ba gusto?
Bakit ngayon sinasapian ako ng malanding espirito?

Makakahinga na sana ako ng maluwag ng pagbaba ko.
Ngunit parehas yata tayong nasapian dahil hiningi mo ang number ko.

"Para saan?", Pasungit at pahard-to-get and drama ko.
Pero dahil likas ang kalandian binigay ko din pagkatapos ng limang segundo.

Araw-araw tayong magkausap sa telepono. Pagdating sa school tropa lang ang palabas mo.


May kasintahan ka. Ganon din ako. Pero kakaiba na ang pagtibok ng ating mga puso.

Madalas tayo sa Almer's, Bingkay at iba pang turo-turo. 
Filipiniana Section ang hilig tambayan dahil ang lamig ay sagad sa buto.

Naging palihim ang ating relasyon. Umabot din tayo ng limangpu't limang linggo.
Hiniwalayan mo din ang syota mo. Gaya ng pag-iwan mo sa aking puso.

Nalaman ko nalang na may iba ka palang sinusuyo.
Matangkad, may abs at chinitong gustong maging arkitekto.

Ang hindi mo lang alam, nakaraan ko na yang iniirog mo.
Nagkabanggaan din kami sa restroom sa Beato.

Nabalitaan ko, kayo pa din hanggang ngayong isa ka ng inhinyero.
Siya nga pala, nakita ko sa opisina ang lalaking kapatid mong mas gwapo sayo.

At oo nabangga nga pala ako nito. 
Sorry pero ‪#‎AlamNa‬ and susunod na kwento.

‪#‎MrBitterOcampo‬
2007
Faculty of Engineering

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon