Dream Girl

1.1K 11 0
                                    

"may gf ako. 2 years na kami, mahal ko siya. mahal na mahal! kapag may nagtatanong kung pang ilang gf ko na siya sinasabi ko siya na yung last. pero may nakilala akong babae recently.




maganda siya, mabait, masaya kausap, yung sobrang makakasundo mo agad, ang warm kasi niya. naging close kami, alam niya na may gf ako, kinwento ko sakanya.




lagi ko siya tinetext, kasi ang saya niya talaga kausap, namimiss ko siya pag di ko siya nakakausap ng matagal. baby tawag ko sakanya. sinabi ko crush ko siya. landi ko din eh.





alam ko may mga magcocomment dyan na malandi yung girl, pero hindi. alam niya limitations niya, sinasabi niya nga sakin na wag ko siya tawagin na baby, na dapat walang malisya, kasi babae siya, ayaw niya maging rason or makaapekto sa relasyon ng iba.





may respeto siya samin. dapat nga daw di ko sinabi na crush ko siya kasi maiilang siya, pag mas lumalin pa sa crush lalayo siya. lagi niya sinasabi walang malisya tropa tropa lang! hahaha! pag nag-aaway nga kami nung gf ko, sinasabi ko sakanya.





sabi ko pagod na ako, ayoko na intindihin yung gf ko, pero sabi niya ayusin daw namin, kasi mahal naman namin isa't isa. sobrang galing niya din mag advice, psych major siya.





kaya magaling siya umintindi talaga tsaka marunong makisama. di siya pikon, basta ewan ko ba walang lalaki na di maiinlove sakanya.






siya yung tipo na best friend mo na, girl friend mo pa. lalo akong natetempt kasi single siya. siya yung tipo na di papalit palit ng bf, alam niya yung halaga niya. kaya niya maghintay para sa tamang tao. di yung iba na desperada sa sparks!! siya chill lang, go with the flow.






gusto niya kasi pag mag bbf siya, yun na yun forever. kakaiba 'tong babae na 'to! di ako matatapos sa kakabanggit ng qualities niya basta dream girl talaga! alam ko naman kahit na mag break kami nung gf ko di magiging kami kahit kelan.





kasi ayaw niya ng ganong klaseng lalaki, nang iiwan para sa iba. hayyy bakit ba kasi ngayon lang kita nakilala..





mahal ko gf ko pero di ko talaga maiwasan mapaisip kung paano kung naging kami.. sa magiging bf niya, sobrang swerte mo. wag na wag mo na 'to papakawalan.






para sayo baby.. sana wag kang lumayo. alam ko nagbabasa ka dito lagi, wag mo akong iiwasan please, mamimiss kita. :(




Pangarap lang kita..









mr. dreamer 

20** 

Faculty of Engineering

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon