Love ko 'to

1K 16 2
                                    

May crush kasi ako. Crew ng Mcdo.




Nung 2nd sem ko siya unang nakita. Kasi naman sobrang aga ng prof namin every TTh kaya sa Mcdo ako nagbrebreakfast. Maniwala man kayo sa hindi, ako pa yung naghihintay sa Mcdo para lang magbukas.



Tas may one instance na siya yung nakatoka dun sa first counter na kakabukas lang din. May binibigay na post it sa Mcdo nun. yung may "hooray for today" silang theme. Kahit obligado naman talaga siyang ilagay yun sa resibo ko, natuwa/kinilig padin ako.



Simula nun, crush ko na si Kuya.

Nung last day of exams, nag Love Lite kami ng 2 'kong blockmate. Kung napansin niyo, pag nagtake out kayo dun, sa styro nila nilalagay yung food tas iplaplastic para naman di tumapon yung gravy.



Eh bawal yun pareho sa bldg namin. so humingi ako ng paperbag sa Mcdo para maipuslit yung food sa loob. Nung pagpasok ko, humingi ako dun sa naunang counter. eh mej snobbish si Ate kaya di niya ko napansin.



ang nakapansin sakin is yung CRUSH ko. ang sabi niya, "ano po yun?" sabi ko nga, paperbag. sabay ngiti pagkatalikod niya. eh sobrang saya ko lang na nakita ko ulit siya.



it's been awhile. umaga shift niya eh mej busy na nga so di na din ako nakakadaan ng Mcdo dahil din sawangg-sawa nako sa chicken fillet. Plus nagprice hike pa ng 3 pesos. >:)) so eh di yun, he gave me the paperbag. and then paglabas ko, napasigaw ako, sabi ko,



"NAKITA KO YUNG CRUSH KO! SIYA NAGBIGAY SAKIN NG PAPERBAG." I said that to my blockmates. tas yung mga mukha nila sakin, natatawa na nagulat. tas biglang sabi ni blockmate #1, "Hala ka. *toot*. tumatawa siya. sinundan ka niya ng tingin pag labas mo."




YUN PALA, PAGLABAS KO, DI SUMARA YUNG PINTO NG MCDO KAYA NARINIG NIYA YUNG SINABI KO. HUHUHUHUHUHU.




Lesson learned: hintayin sumara ang pinto ng Mcdo bago mo isigaw na humingi ka na nga lang ng paperbag tas narinig pa ng crush mo yung confession mo. huhuhu."





Girl paperbag

1611

College of Education

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon