Sacrifice

1.4K 19 0
                                    

May blockmate akong girl. Naging close kami nung 1st year. Nung summer bago mag start of school nakakachat ko na kasi.

Naging crush ko na agad sya. Sobrang humble and kind nya eh kaso may boyfriend na. Nung HS pa naging sila.

Nag decide akong hintayin sya hanggang maging single. Kasi mahal ko sya at wala akong gustong iba. Hinintay ko sya.

3rd year, bumili ako ng bouquet of tulips. Naisip ko na magtapat na sakanya. Nung pa palapit na ako sa may bench (sa may open field na may grandstand) nakita ko sya. Naka tungo. Sabi ko "okay ka lang?"

Umiiyak sya tapos sobrang pula nya. Nag-away daw sila nung boyfriend nya. Misunderstanding lang daw. (hindi nya pa nakikita yung bouquet na hawak ko kasi tinago ko muna).

Pinuntahan ko yung boyfriend nya. Gustong gusto ko syang suntukin kasi pina iyak nya yung babaeng mahal ko. Pinagsabihan ko sya pero inabot ko yung bouquet sa kanya.

Sabi ko

"ibigay mo. Favorite nya ang tulips"

Babayaran nya kaso hindi ko tinanggap. Nagka ayos na sila.

Mahal na mahal nung babaeng mahal ko yung boyfriend nya at dun sya masaya. ayaw ko syang nakikitang malungkot. Alam kong yung boyfriend nya ang happiness nya at hindi ako. Ang happiness ko ay makitang masaya sya.

Engaged na sila

Biker
2005
College of Science

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon