Napagtripan

1.5K 25 0
                                    

"Sa sobrang exciting ng summer ko, binasa ko yung 2012 journal ko. HAHAHA. K. Loser I know. Anyway, may nabasa lang ako and I just wanted to share my weird yet somehow funny jeepney experience..


--
Pauwi na ko galing mall. Nag-aantay ng jeep ng masasakyan. At dahil gabi na non, medyo mahirap na, halos lahat ng jeep puno na. Pero luckily, nakahanap din naman ako agad ng jeep na siksikan, in fact maluwag nga eh. So sumakay na ko.

Pagupo ko, medyo nagsisi agad ako. Kasi yung jeep eh parang nasa party. Lam nyo yun? Yung sobrang lakas ng music ni manong tas yung feeling mo yung puso mo nag ""tudugdugdug"" ng malakas. Tas may disco lights effect pa? Pero dahil gusto ko ng umuwi, nagstay nalang ako.

Habang naghahanap ng pera pambayad, si manong nagaantay lang ng pasahero para mapuno yung jeep. At nung finally, may mga sumakay na at finally nakahanap na ko ng bayad. ASDFGHJKL.

May mga sumakay na group of boys, as far as I remember 8 sila. Mukang mga 2 years older than me. Umupo sila sa magkabilang side, bale tig apat sa parehong side para magkakaharap.

Pero hindi sila snatcher o mukang goons kung yun ang naiisip nyo. Kay ako napa ""asdfghjkl"" eh kasi lahat sila medyo pogi. *excuse may kalandian :3* syempre sa dami nila dali nilang mapapansin di ba.

Anyway, isinantabi ko muna yung kalandian ko at nagbayad na ko.

Ako: Bayad ho. *sabay abot ng 20* isang simbahan.

Yung katabi kong guy, na kasama dun sa group of 8 yung nagabot ng bayad ko, itago nalang naten sya sa pangalang RED, since naka-red naman sya non. Oo aaminin ko, pogi si Red.

Anyway. So pagbayad ko di agad ako sinuklian ni manong. So ako, okay lang since it's a 15-minute drive from the mall to the church.

Umandar na yung jeep, at tumulala nalang ako sa kawalan hanggang sa...

inistorbo ng mga lalaking yon ang aking pagmumuni muni sa kanilang kwentuhang napakalakas. Isipin nyo naman ang ingay na sa jeep ang ingay pa nila so medyo nainis ako. Pero mas nainis ako dun sa pinagkkwentuhan nila.

Syempre sa ingay nila, narinig ko nayung usapan nila, turns out medyo mga loko pala to. Nagkkwentuhan sila about GIRLS. Na kesyo pinagtripan nila tas tatawa sila ng malakas.

I don't exactly remember kung ano yung mga panttrip na ginawa nila pero ang alam ko di naman sya sobra, yung mga trip lang ng barkada ganon. Di ko namalayan isa pala ako sa ""soon to be"" na pagtatawanan nila...

Naubos na ang 5 minutes wala pa rin ang sukli ko. Gusto ko ng paalalahanan si manong, pero sa sobrang lakas ng music at tawanan ng mga lalaking yon, di ko magawa.

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon