Diaper

1.3K 15 0
                                    

Bilib lang talaga ako sa Kuya ko. Idol ko siya eh.

Kuya ko, mabait, matalino, walang bisyo, yung tipong "Ideal" sa mga babae. May itsura naman.

Minsan umuwi siya ng late, nagalit si Mama dahil hindi naman ganon ang madalas niyang uwi. Pinagalitan siya pero wala namang maisagot si Kuya dahil mali nga. Mga tatlong araw nang late umuuwi si kuya. Nagtaka naman kami ni Mama.

Sabado, walang pasok si Kuya, pero umalis daw siya saglit. 

Mama: Halika nga dito, pupunta ako sa kwarto ng kuya mo, wag ka maingay.

Ako: Wag baka magalit siya sayo, sakin.

Mama: Ako bahala!

At yun nga pumasok si Mama sa kwarto at nakalabas siya ng medyo badtrip.

Dumating na si Kuya galing sa lakad niya. Si mama naman nagkakape sa may garahe at pinatawag kaming dalawa ni Kuya.

Mama: J****, magsabi ka nga ng totoo, bakla ka ba?! Bakit ka may napkin sa bag mo! Ano ginagawa mo kapag gabi?! Saang bar yan ha!

Kuya:......

Ako: ......

Mama: Bat di ka makapagsalita?! Totoo ba?!

Kuya: Mama, sa girlfriend ko po yan, lagi lang akong late umuwi kasi laging may PMS, hinahatid ko pa siya sa bahay nila....

Mama: Ipakilala mo na kasi samin!

Hi Kuya, sana happy ka na kay Lord.

JayJay
2011
Faculty of Engineering

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon