Menarche (Another puwet story)

4.2K 48 1
                                    

Umuwi ako galing ospital kasi pina-check-up ako ng nanay ko dahil sa nagsusugat kong puwet. Hindi ko alam kung anong sakit 'yun at puwet ko lang talaga yung may mga sugat. Mga ilang saglit lang, lumabas ako para maglaro.

Masaya, takbuhan kami ng tropa. Tapos, sumigaw si Aling Mamay dun sa kanto. "Toy! Nireregla ka na!" Homaymamay dinudugo na pala ako! Kulay pula na shorts ko sa likod. Takbo agad ako sa bahay para magpalit. Ewan ko kung saan ako mahihiya nun, dahil madami nakakita o dahil sa lalaki akong tinagusan?

2014

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon