Tonight

4K 136 8
                                    

A/N: One of the best stories i've ever read. 

I was once a flirt. Kahit sino, nilalandi ko basta gwapo. Gusto ko ng thrill, ng challenge kaya halos lahat ng nabiktima ko ay may girlfriend na. Ang ending? Laging 5 ang grades ko at madalas pa ay napapasali sa catfight dahil sa mga obsessed girlfriends ng mga nalandi ko na.

I smoked. I drink a lot kung gusto ko. Party girl. Bitch. Name it. Ganung klase akong babae DATI. But then I met this guy named Angelo. Heart throb, I must say. Gwapo naman kasi talaga siya, matangkad pa, vocalist pa sa isang banda tas flat 1 lagi ang grado. Complete package na.

Lagi ko siyang nakikita sa mga bars pero NEVER as in never ko siyang nakitang nagsmoke or uminom man lang. Naisip ko nga na siguro ang boring nito kasama.

Nasama sya sa listahan ko na lalandiin ko. Ayaw ko sana sa kanya kasi nga parang ang boring nya kaso tinry ko na rin. I flirt with him for 5 months. At sa 5 months na yun, isang beses ko palang sya nahalikan! At pucha, sa cheeks pa! Dinaig nya pa ang babae sa sobrang pakipot.

Masaya sya kasama. Sobra. Ibang iba sya sa mga lalaking na-date ko na kaso yun nga, gusto ko ng thrill kaya iniwan ko sya at iba na ang nilandi ko.

But I never thought na iiyak siya sa harapan ko, nagmamakaawa na kami nalang at hindi na yung iba. Hindi ako naguilty na iniwan ko sya. Pero nasaktan ako, nasasaktan ako that time at paulit ulit kong minura yumg sarili ko sa isip ko.

Bakit ko iniwan yung ganitong lalaki? Yung ibababa ang pride para sayo, para magmakaawa na sya nalang at wag syang iwan.

Pero hindi ko pa rin siya binalikan. Nagflirt ako ng iba, nakikipaghalikan ako sa kanila pero yun nga lang, iba na ang nangyayari. Kung dati ay months bago kami magsawaan at ako lagi ang nangiiwan, that time, iba.

1 day lng lagi at sila pa ang may ganang mangiwan. Ilang lalaki yung naganun na ko hanggang sa nalaman ko na si Angelo pala yung may dahilan ng lahat.

Hindi ko magawang magalit kasi for the second time around, umiyak na naman sya sa harapan ko at nagmakaawa ulit na sya nalang yung landiin ko, na kahit isex ko daw sya, ayos lang basta wag ko lang daw sya iwan. Nakakatawa sya that time dahil kung anu ano pinagsasabi nya.

That time, alam kong hindi ko sya mahal pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. And those 5 months with him weren't enough para makilala ko siya ng husto kaya gusto kong makilala pa siya. Pumayag ako sa gusto niya. That day, nagsimula syang ligawan ako.

After a year ng panliligaw nya saken, sinagot ko na rin sya. I changed. He changed me. Dahil sa kanya, nagbago ako. Kilala kasi siya sa pagiging Dean's Lister kaya nagpursigi ako na magbago para sa kanya at para rin wala ng ma-say yung mga taong nasa paligid namin na hindi raw kami bagay.

I love him. Sobra sobra. Siguro kung hindi ko siya nakilala, yung buhay ko ay sobrang boring at ganun pa rin ako katulad dati, whore, slut, bitch. Lahat na. He's my Angel, my lucky charm, my forever. I love him to the moon and back. Happy 6th anniversary, Angelo! I love you!

Wanna know why I titled it ""Tonight""? Do you know the story behind the song Tonight by FM Static? May girlfriend yung composer nung song na yun but unfortunately, yung nangyaring pagbomba nun sa Twin Tower na ikinamatay ng libo-libong tao, andun yung girlfriend nya na namatay rin.

He proposed and I said yes. Kaso yung day na rin yun, namatay sya. Iniwan nya ko. At dahil yun sakin. Biro mo? Ako dapat yung mamamatay sa car accident pero pinrotektahan nya ko kaya ayun. Siya yung nawala.

Tonight I've fallen and I can't get up. I need your loving hands to come and pick me up. And everynight I miss you, I can just look up. And now the stars are holding you tonight.

Thank you, UST Files for posting this!

I know na masama akong tao dati. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano ang ginawa ko para ibigay siya ni God sa'kin. Pero napakaswerte ko sa kanya, sobrang swerte.

Those years na nakasama ko siya were enough for me.. Kaya nga heto at susundan ko na sya haha. I have a leukemia. Stage 3 na.

Wala na kong balak magpagamot pa kasi pagod na rin ako. Maybe this is the right time para mawala ako sa mundo at para sundan ko na siya at doon namin ipagpatuloy yung naudlot naming pagmamahalan. Korni pakinggan haha.

Ciao, guys! Mahalin nyo lahat ng mga nagmamahal sa inyo. Meron tayong flaws lahat. Kaya mahalin nyo ng tunay yung taong tanggap kayo kahit sino pa kayo. 

Note. Wag nyo tignan lagi yung gusto nyong tao na hindi naman kayo napapansin. Pansinin nyo rin yung mga taong kahit baliw, maldita o ano ka pa, eh mahal na mahal ka. Yung taong kahit ilang beses mong saktan eh andyan pa rin para sayo. "

Happy
2005
Faculty of Engineering

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon