Sabi mo mag-aaral ka lang

1.4K 13 0
                                    

Magkaibang college kami. Nauna ang prelims nila ng isang week lang.

Sabi mo mag-aaral ka lang.

Sabi mo kailangan mong mag-focus nang husto.


Sabi mo wag muna tayo magtext.


Sinunod ko yun para hindi ka ma-distract. One week lang naman eh.

Sumunod na linggo prelims ko naman. Ako naman ang nag-focus. No text, no date, pure aral ako. Graduating na tayo parehas. Konti na lang, malapit na tayo sa mga pangarap natin.

Tapos, biglang may iba ka na pala. Sa tatlong taon nating pinagsamahan, inagaw ka ng isang linggo lang. Nagpaagaw ka naman.

Maganda naman ako ah.. Black beauty nga lang. Eh siya black lang.

- </3
2011
College of Commerce and Business Administration

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon