Enjoy The Pain

6.8K 76 9
                                    

Today, nagpropose yung dati kong guy bestfriend sa mahal niya. Ako eto, akala nila masaya. Sabagay, wala namang nakakaalam sakanila na mahal ko yung bestfriend ko. Ang sakit sakit pala.

Gusto kong maging masaya para sakanila lalo na't dati kong bestfriend yun tapos yung mahal niya, pinakaclose kong kaibigan sa barkada namin. AKO PA YUNG NAGPUSH SAKANILA.

Noong nainlove ako sa bestfriend ko, may girlfriend pa siya tapos nung nagbreak sila, hindi ko alam kung anong katangahan ang sumapi sakin at sinabi kong yung friend ko ang ligawan niya. Akala ko hindi magwwork, eto ngayon, sila na.

Ang hirap lang maging masaya para sakanila, alam kong ako yung nagpush sakanila pero hanggang ngayon naiisip ko na what if hindi ko sila pinush, may pagasa kaya? Tutal dati naman muntik na eh. Ang sakit sakit parin pero no choice, ginusto ko to eh.


Sayang nga wala ako nung nagpropose yung bestfriend ko eh. Kahit na masakit, I would do anything para makita yun. Seeing the one I love propose to the his love. Kahit na alam kong masasaktan ako, siguro ieenjoy ko nalang yung sakit, kasi yun yung patunay na totoo lahat ng to at umaasa ako na baka matauhan ako.

Birthday ko bukas, ang saya saya diba? Pero okay lang, aalis na din naman ako after four days.. Siguro hanggang bestfriend nga lang talaga. 

Californiagirl

College Of Fine Arts And Design

2009

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon