SORRY AH

1.4K 12 0
                                    

I'm not actually from UST. I'm from PUP(Manila). Dream school ko po talaga ang UST since nung bata pa ako, pero kapos sa pera eh, wala ako talagang pang-tuition para sa exclusive school na ito. Nakakapanghinayang pumasa pa man din ako sa entrance exam. Pero promise, pag nag-take ako ng Law. UST ang pipiliin kong school.




Pero actually, ito ang tunay na story, there's a guy who's from your school na 1 year na akong nililigawan. Lahat ng effort ng manliligaw na hinahanap ko, naipakita na nya, halos kilala ko na sya at ganun din sya sa akin. Halos kilala ka na ng parents ko at ganun din ako.




Andyan yung lagi kaming sabay umuwi, yung tipong magpi-pnr din sya kasi dun ako sumasakay. Lahat na yata ng pampakilig na effort at feelings naipakita at nasabi na nya sa akin. Halos perfect na eh, sasagutin na kita eh nang bigla mo na lang akong iniwan sa ere ng dahil sa inamin ko sayo.




""Di na ako virgin...""




Gusto ko munang malaman kung ano ang sasabihin mo or reaction mo pag sinabi ko sa iyo yun. Then tsaka ko sasabihin sayo kung bakit. Alam ko namang mabibigla ka eh pero mas gusto ko pa rin na may malamang reaction from you. Pero ang reply mo,




""Ayaw ko na sayo. Malandi ka pala. Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana hindi na lang ikaw ang niligawan ko, may mas deserving pa sayo. Sinayang mo lahat! Wag mo na ako itetext o ichachat kahit kelan! MALANDI KA! BITCH! Wala ng papatol sayo kasi ganyan ka!""




Nanlumo ako sa sinabi mo. Pero ngayon, ito ang dahilan, DI NA AKO VIRGIN KASI NA-RAPE AKO. Yes, na-rape ako nung 4th year high school ako.




Sorry hindi ko kagad sinabi dahil nahihiya ako at isang malaking trauma sa akin ang nangyari noon. At gustong-gusto ko nang kalimutan lahat ng may kinalaman sa nakaraan ko sa pagkaka-rape.




Hindi ako malandi. Hindi ako bitch. Simple lang ako at madalas ilag sa mga boys. Pero iba ka eh, you captured my heart. Alam mo yun. Ang sakit lang na bumaba kagad pagtingin mo sa akin.



Once na mabasa mo ito, wag ka sana magparamdam ulit dahil naaawa ka. Ayoko nun. Sana kung ano ang nararamdaman mo sa akin dati, sana yun yung bumalik. Pero hindi ako aasa.




Sorry for not having the audacity to tell you that. Fear swallowed me. I'm really sorry. Thank you for everything, for that sweet nothings, for that massive euphoria I felt when I'm with you before.



For that feeling I never thought I needed, sa libre, sa time at care. I love you. And I guess, this is all too late. Don't worry, hindi ako galit. Naiintindihan kita.




Siguro nga tama ka, wala na ngang seseryoso sa akin at papatol dahil dun.

P.S: salamat admin kung maipo-post mo ito, kung hindi, sige po okay langG od bless you all!"






VioletLavender 

COLLEGE OF SCIENCE 

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon