Load pa more!

1.5K 22 0
                                    

May huge crush ako sa kablock ko. Talagang gustong-gusto ko sya. Pero hindi naman kami close. Isang araw, tinanong niya ako kung may kilala akong naglo-load.

Sa isip-isip ko pagkakataon ko na haha. Sabi ko, naglo-load ako kahit hindi. So nakuha ko na yung number niya tapos tinext ko yung kakilala kong naglo-load.

Nakatext ko naman sya so akala ko sulit na yung ginawa ko. Kaso after a week, kumalat na sa klase na naglo-load ako kaya pinanindigan ko na nagload na ako ng totohanan.

Ngayon mas active pa yung loading business ko kesa sa love life ko. 

College of Nursing

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon