Hindi lahat ng bagay tama sa pag ibig

3.5K 37 0
                                    

Sabi mo sa akin, handa kang iwan siya para sa akin kung bibigyan kita ng chance.

Hindi kita binigyan ng chance. Sinabi ko na alagaan mo na lang yan 4 taon niyong relasyon at intindihin mo na lang ang mga pagkukulang niya dahil sa inyong dalawa mas nasa lugar kang unawain siya.

Alam ko tama ang ginawa ko. Tama dahil respeto na lang sa kanya at siya ang nauna. Respeto sa sarili ko dahil ayoko maging option lang. Ayoko maging dahilan ng hiwalayan niyo. Kung maghihiwalay dapat, dahil wala ng love kayo para sa isa't-isa.

Kaya naman umiwas ako sa iyo. Kung hangga't maaari, sinubukan ko na hindi tayo magtagpo. Nagshift ako ng course para hindi kita maging classmate.

Tuwing lalapit ka sa akin, hahanapin ko agad gf mo at siya ang kakausapin ko para hindi mo na ituloy yang mga "I MISS YOU" mo dahil ang tama ay putulin na ang communications natin. Mahal kita pero hindi tama na mahalin pa kita at hayaan pa na mahalin mo ko ng tuluyan, dahil sa kanya ka.

Diba tama naman ang decision ko? Pero bakit ganun?
Nagsisisi ako sa tuwing makikita ko ang mga posts mo sa news feed na nakatag siya, nasasaktan ako.
Tuwing pinamumuka ng facebook na getting stronger ang relationship niyo, nagsisisi ako kung bakit tinaboy kita pabalik sa kanya.

Kung alam mo lang, minsan nagsisisi ako at bakit mas inisip ko yung mararamdaman niya kaysa sa sakit na sinasapit ko ngayon sa pag turn-down sa iyo.

Pero ito ang naging desisyon ko, pinili ko ang tama kaysa sa magpapasaya sakin.
Sana tama na nagstay ka sa kanya at sana masaya ka sa piling niya! 

D.girl
2011
Faculty of Arts and Letters

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon