11/24/2013 12:54:33

1.4K 15 0
                                    

"Hi everyone.

Gusto ko lang mag-share ng kwentong lovelife ko dito sa UST Files. It's one of the best and weirdest thing that happened to me. Weird kasi... Uhm. mamaya niyo na lang alamin kung bakit weird.




2nd year college na ako nun and I'm from College of Nursing. Graduate na ako ngayon at doctor na.  Siya naman galing College of Rehabilitation Sciences, same building lang kami. At dun sa Med.



Cafe ko siya unang nakita, parang canteen ng buong Medicine Building.

One time, tumatakbo ako papuntang Med. Cafe kasi hinahabol ko yung ibang groupmates ko kasi dadating na yung professor namin at kami ang unang reporter, sila, nandun pa sa Med.



Cafe at kumakain kaya asar na ako at pagod kasi puyat din ako nung gabi dahil nga sa report na yan. Ang bigat pa nung mga dala kong folder kasi ako ang may dala ng lahat ng reports ng buong grupo at yung ipapasang hard copy sa prof. namin.



Sa sobrang pagmamadali ko, nadulas ako sa floor bago ako makapasok ng Med. Cafe dahil laging floor waxed yung sahig, sobrang madulas siya.Medyo madaming nakakita, mga taga-Col. Rehab. Sciences, Nursing at yung ibang Med students. Sobrang nakakahiya!



Yumuko na lang ako habang pinupulot yung mga mga nalaglag na report hanggang sa may tumutulong na pala sa'kin. At tama kayo siya nga yun. Pero di tulad ng mga sinasabi nila na love at first sight.



Hindi uso yun. Walang lumipad na sparks or whatever. Basta nag-thank you lang ako kasi namumula pa din ako sa sobrang hiya. Dumating na din yung mga ka-grupo ko at tinulungan ako. Bago ako umalis ay nag-thank you ulit ako sa kanya at nag-bow as a sign of respect.




Late na kami at nandun na yung prof. namin, to make the story short, ang nagalit siya at binigyan kami ng minus points. Ang saya di ba?

Kaya badtrip akong umuwi nung gabi yun sa condo unit ko sa may Dapitan.




Wala akong napapansin sa paligid ko hanggang sa nasa elevator ako bigla na lang, "Uy bakit nakasimangot ka?" tapos pagtingin ko, siya yun, yung taga-CRS na tumulong sa'kin kanina.



Nginitian ko lang siya tapos sabi ko stress lang sa school at sa mga reports. Nginitian lang din niya ako. dun siguro nagsimula na mapansin ko siya, I mean, physically, well-built siya, halatang pumupunta sa gym, naka-salamin siya pero maganda yung ilong niya tapos maputi, mukha siyang half-chinese.



Bumaba kami on the same floor tapos magkatabi lang pala unit namin. 1403 ako at 1404 siya. Destiny? Hindi din ako naniniwala diyan. Hindi uso sa'kin ang mga fairy tales na yan.

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon