My One And Only

1.8K 16 0
                                    

"My One and only.

HI UST FILES. sana di pa ako too old para mag post dito. At sana ma-ipost nyo ito, baka sakaling mabasa nya. Maraming salamat.

To my Hermione Granger,

Natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita noong 3rd year High School? pumasok ka sa cr ng boys na hingal na hingal, nagtago ka kasi sabi mo hinahabol ka ng classmate mo na babae, at cr lang ng boys ang naisip mo pagtaguan kasi sino nga namang babae ang papasok doon?

Haha buti nalang ako lang ang tao noong time na yun, pero shit lang kasi noong time na pumasok ka umiihi pa ako . Humingi ka ng sorry sakin ng paulit ulit kasi nga nakakahiya yung ginawa mo, pero natatawa ako kasi habang humihingi ka ng sorry tumatawa ka, dahil nga nakita mo akong umiihi.

Noong mga time na yun sabi ko sa sarili ko sobrang iba ka mga girls na nakilala ko, iba ka ngumiti at tumawa, nakakainlove haha. Sempre dahil ako nga tong si nagka-crush sayo sabi ko ""sige para naman dika sorry ng sorry jan kahit di sincere, libre mo nalang ako"" pumayag ka at nag kausap tayo ng ilang minuto, nagkapalagayan ng loob, at nahingi ko ang number mo.

Natapos ang 3rd yr. na sobrang close natin, instant bestfriend nga ang tawag mo sakin. Hanggang sa nag 4th yr.

tayo at napag usapan nating dalawa ang kukunin nating course at papasukang school. That time ang plano ko ay mag CE, pero nung narinig ko yung plano mo, parang ayaw ko mahiwalay sayo kaya naman nag-Arki ako, tulad ng kursong gusto mo kunin.

Parehas tayong pumasa dito sa UST, at di nman ako nag kamali sa pinili ko dahil na-eenjoy ko naman ang course natin. Ikaw ang inspirasyong ko sa pag-aaral, motivation para araw-araw pumasok at tapusin lahat ng plates on time.

Everyday sabay tayo kumain, hinihintay kita umuwi kahit na mas maaga ang uwian ko sayo. Magkausap tayo sa cellphone everynight, Lahat ng secrets mo alam ko, pero ikaw dimo alam lahat ng sikereto ko.

Di mo alam na yung tinuturing mong bestfriend mo inlove na sayo. Naasar ako noong may nanligaw sayo na Engineering, sino nga nman di makakapansin sa ganda mo? kaya di kita kinakausap nung araw na yun, nahalata mo ata na nag seselos ako kaya sabi mo ako lang naman ang lalaki sa buhay mo kaya wag ako mag selos, aaminin ko kinilig ako :""> kasi ang sarap sa feeling na marinig ko yung mga salitang yun galing sayo.

Habang tumagal ang stay natin sa UST marami ang nakakapansin sayo, naasar ako sa fact na napaka lapitin mo ng boys, dumadami ang mga nagkakagusto sayo, nakaka insecure kasi yung iba mas may ""pogi points"" kesa sakin, natatakot ako na baka dumating yung time na may magustuhan ka rin sa kanila.

Nung inaya kita kumain noon gusto ko na sana mag tapat sayo, kaso pinangunahan nanaman ako ng takot na baka layuan mo ako or mailang ka sakin, kaya imbis na umamin ako, tinanung ko kung may natitipuhan ka naba sa mga manliligaw mo sabi mo WALA AH.

nakahinga ako ng maluwag nun, kasi for the 2nd time na assure ko nanaman na wala ka pang type sa mga yun kaya may pag-asa pa ako Sobra kong assuming kasi nag aassume ako na baka nga ako lang ang hinihintay mo kaya wala ka pang nagiging boyfriend. Dahil dun nagkalakas ako ng loob na umamin sayo pag 3rd yr. na tayo

The Ust FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon