Chapter 38 - Test

99.5K 3.3K 245
                                    

Kinakabahan ako...

Nandito ako sa Hallway naglalakad,  letse, kinakabahan ako, hawak hawak ko yung mga papel na pinapadala ng teacher namin.

"Ahh! " Napatili ako! Bwiset nadulas pa 'ko dito sa Hallway, pinagtinginan pa 'ko. Muntanga 'ko letse. Kumalat pa yung mga papel! Buti nalang kaunti lang yung mga tao.

Mabilis kong kinuha yung mga papel, may bigla namang lumapit staka kinuha yung mga natirang papel at binigay sakin.

Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo! Nagulat ako nang si Jhay yung nakita ko!

Naman oh! Nakita niya pa 'ko! Hayy! Naman talaga Oh,ang buhay parang life!

Pa Sarcastic akong ngumiti

"Salamat! " Ngumiti ako nang papeke. Hahaha galit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon, i don't know why lol

Naglakad na ko papunta sa room na sinabi sakin. "Goodmorning Ma'am " Sabay ngiti, ngumiti din siya.

Umupo na 'ko sa isang bakanteng upuan sa gilid.

Binati ko rin yung mga kasama ko ring studyante, ngumiti lang ako. Wala manlang ako kakilala dito.

Lahat nang Top 1 nang iba't ibang section is nandito.

Well, ako yung pinaka unang section dito.. hindi kasi kasama yung Top 1 nang section 1 eh. I don't know why.

Sinulat sa black board ang schedule namin..

First test - Science

Second Test - Math

Third Test - AP

Fourth Test - English

Letsugas! Ang hihirap nang test!

Think positive...

Think positive...

Hoo ~ Kinakabahan ako, baka bumagsak ako ah.

Pero, think positive pa rin.

Maya maya lang, pinamigay na nang nag babantay samin yung mga test papers..

Private 'to, kaya sa test paper na kami mag sasagot. Pero, minsan sa intermediate pad.

Bawal daw mag usap e T^T

Nagsimula na ko mag test...

JHAY'S POV

Nagtaka ba kayo kung ba't ako andito? Well kasi may training kami tuwing weekends ng Football...

Nandito ako ngayon sa field sa labas ng building malamang.

Kita ko mula dito si Acee.. ano kayang ginagawa nila dito?

"Jhay! " Tinawag ako nung coach namin,

"Ano yun, sir? " Hulaan ko, may ipapagawa na naman sakin 'to.

"Since wala ka namang ginagawa, pwede mo bang ibigay muna 'to kay Mrs. Delos Santos." Sabay bigay sakin ng mga papel na may kasamang Roses,  Putk.

"P-pati roses sir? "

"Haha, basta bigay mo na, dami pang tanong eh. "

P*cha, pati ba naman mga teachers dito?! Ang lalandi.

Umiling nalang ako, at tumakbo papunta sa room ni Mrs.Delos Santos.

Ang daming nagtitinginan sakin, tae naman kasi e.

"Para kanino kaya yun?! "

"Ang swerte naman ng babaeng bibigyan niya! "

"Inggit akoo. "

"Hala. "

Hindi ko nalang pinansin yung mga babaeng yun.

"Uh, excuse me, Ma'am?" Nandito na 'ko sa room ni Mrs. Delos Santos.

ACEE'S POV

Hayy, natapos na rin. Ang hirap, pero buti nalang natapos ko agad.

"Uh, excuse me, Ma'am?" Lalaking boses agad ang narinig ko, napatingin ako sa pinto, at may biglang kuminang na lalaki, at puro bulaklak ang nasa paligid ko, at lumapit siya sakin at lumuhod siya sa harap ko at binigyan ako ng roses tapos kiniss niya akoo! Oops! Joke!  Tama na ang pagiimagine Hahahaha!

Nagtilian na ang mga kasama ko dito, pero hindi naman sobrang lakas.

"Omg! Si Prince Jhay! "

"Hala para kanino yan?! "

"Baka sakin?! Yiee! "

"Oy tama na nga, para sakin yang roses eh! "

Mga ambisyosa! Para sakin yan eh Hahaha nakikiagaw eh noh.

JHAY'S POV

Nakatitig sakin si Acee, baka matunaw ako ne 'to!

Kung anu -ano na naman ata iniisip.

"Yes?" Lumapit ako kay Ma'am, at bumulong.

"Para sa inyo daw po sabi ni Coach. " Sabay ngiti. "At eto pa po, yung mga papel, pinapabigay. " Binigay ko na agad.

At lumabas na, nag flying kiss naman ako sa mga fans ko. Hahaha, tilian eh.

Ang hirap talaga maging pogi.

ACEE'S POV

Talaga yung lalaking yun! Ang yabang yabang.

After 5 hours na pag tetest, natapos na rin ako, kahit sobrang hirap ng Math kinaya ko yun Hahaha.

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now