Chapter 41 - Booth.

104K 3.4K 433
                                    

Excuse me sir... "

'"Yes? "

"Pinapatawag po si Acee..." Nagulat ako nung narinig ko pangalan ko! Napalingon ako bigla doon.

"Yes po? " Sabay tayo ko, at nagtanong.

"Pinapatawag po kayo.. "

"H-ha? Nino po? " Tanong ko habang papunta sa pinto.

Sabay hawak nila sa kamay ko at naglagay ng Blindfold.

"A-ate bakit po? " Tanong ko.

"Basta, Halika na po! " Sabi ng mga babae na nag tinawag ako.

"Um? San po tayo pupunta? " Tanong ko ulit , Habang hatak hatak pa rin nila ako, at may blindfold.

"Basta po! "

"Teh, kung pwede lang sana ako nalang pumalit sayo eh! Swerte mo! " Bulong sakin nung babae.

Naramdaman ko na pumasok kami sa isang kwarto.. at inupo ako, nakapa ko din na may table! Tae, ano ba 'to?

Pagtanggal ng blindfold ko, isang gwapong nilalang ang nasilayan ko Chos! Haha!

"Jhay?!? "

"Acee..?!"

Sabay pa kaming nagulat, kasi pagkatanggal ng blindfold ko, tinanggal rin yung kanya, sabay lang kami.

"5 minutes lang po ito. "

Sabay takbo ng mga babae palabas. Luh!

Ito ba yung sinasabi nilang, Blind date Booth?!?

JHAY'S POV

Anong kashitan 'to?

Si Acee yung kablind date ko? Sinong may pakana ne'to?

Halatang gulat na gulat si Acee sa nangyari, maski ako nagulat din.

Staka ano ba namang klaseng mga pagkain naandito?!

Pop rice?! Na may mala rainbow sprinkles sa ibabaw? The heck!

Sa baso naman, parang tubig na may kulay, gatorade ata yon!

Ayokong kainin, baka may lason pa yan!

"So.. " Sabi ni Acee.

Hindi lang ako nagsasalita.

Biglang pinatugtog yung '''CRUSH ''' Ni David Archuleta.

Ano na naman ba to!?

ACEE'S POV

Ay shet, nakakahiya! Paborito ko pa naman yung kantang to! Nakakahiya! Kasama ko si Jhay habang pinapakinggan ko 'to!

Ang lakas ng tibok ng puso ko!

Isip! Isip! Ano bang pwedeng topic?!?

"Uh, may nagbigay na ba sa'yo ng gift? " Tanong ko. Ipagmamayabang ko lang yung regalo sakin ng secret admirer ko Hahaha!

"Oo. "

"Ilan? " Sabay taas ng kilay ko, nilalakasan ko boses ko, kasi ang lakas nung kanta.

"Labing lima na ata! Plus yung mga flowers, bente na. " Napalunok ako dun ah, syet, bente yung nareceived niya? Samantala ako... isa lang? Hahahha! Kung sa bagay! Heartthrob siya dito sa campus eh.

"A-ah, sge sge! " Napangiti nalang ako.

"Ikaw ba? " Tanong niya sakin.

Napalunok na naman ako, "A-ako? Ano.... 21 na! "

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now