Chapter 21 - Skating

105K 4.1K 143
                                    

"asdfghjkl " Nag unat muna ako.

"So, kamusta naman kayo dito while we're not here?" ..Kilala ko kung kaninong boses yun ah?

"Okay lang naman po kami. Nago-order nalang po kami ng mga pagkain of course " Si Jhay yun ah, sino kausap niya?

Bigla naman akong kinabahan dahil..

"Ma?!" As I expected, nandito na nga sina mama at tita.

"Baby ko gising ka na rin sa wakas!" Sabi ni mama sakin, ano? baby lang ang peg?

"Ma, hindi na po ako baby, 'wag mo na akong ganyanin! Nakakahiya kela Tita oh." Shocks. Nakakahiya kay Jhay.

"Eto naman " Sabay bitaw sa pisngi ko.

Sumulyap naman ako kay Jhay, may hawak siya na maleta.

"Nandito na yung tita mo, so kailangan nang umuwi ni Jhay." Ay, Ano bayan. Kung kelan naman nagkasundo na kami eh.

"Ah, hehe ganun ba? Sige. Ngayon na ba ha?!" Tanong ko naman na parang hindi makapaniwala na aalis na yung labs ko.

"Oo hija, mhm, kung gusto mo mamasyal muna tayo bago kami umuwi? " Tanong ni Tita o mama ni Jhay, basta kahit ano dun. Haha. Gora na ako dyan.

"Oo nga nak, mamasyal muna kaya tayo, para naman makapagrelax kayo, hindi yung laging nasa school sunod laging nasa bahay, labas labas rin pag may time." Sabi naman ni mama, ang haba nang sinabi.

"Oo nga ma, papayag naman ako eh, bigla ka lang sumingit." Ani ko. "By the way, saan po tayo pupunta?" I asked.

-

"Saan niyo gustong kumain? " Tanong ni Tita.

"Sa Mang Inasal po, pwede?!" Kapal ng pagmumukha, abot hanggang London. Haha.

"Ah, o'sige. Favorite ko rin naman yung resto na yun e."

Btw, nandito kami ngayon sa MOA.

-

"Ma, unlimited rice yung akin ah" Hahaha, ayoko nang sabihin yun kay tita nakakahiya, 2x kapal na nang face yun.

Kasama namin si Jhay ah. Hahaha. Tahimik kasi e, hindi manlang nagsasalita, sumusunod nalang siya samin.

Pagkatapos naming kumain, naglibot libot muna kami tapos syempre, picture picture. Selfie Selfie Hahaha.

Oy, 'wag niyong isiping madaldal ako, ang totoo niyan tahimik lang talaga ako. Madami akong Haters Hahaha, feeling sikat eh noh.

Maya-maya nadaanan namin yung ice skating rink ba tawag dun? basta, ice skating.

"Dun tayo oh-" Turo ni Tita. "Dyan ko pinapag- ice skating si Jhay nung bata palang siya."

"Hala, hindi po ako marunong." Ang sabi ko, never pa kasi ako nakakapag skating e, galing kasi akong bundok, kanina lang bumalik dito. Jk

"Sige na, Acee. " Pilit sakin ni Tita.

"Eh, Ayoko po talaga."

"Sige na." Pilit sakin ni Jhay.

"Ayoko nga sabi eh. "

-

"Hala, paano ba ito? Grabe! Parang matutumba ako eh" Ang sabi ko, kasama ko ngayon si Jhay. Pina ubaya ako ni Tita kay Jhay, kasi tuturuan niya daw si mama.

"Humawak ka lang sa balikat ko. " Sabi ni Jhay, oh my goodness.

Humawak naman ako syempre.

"woah--" muntik na akong matumba, buti napahawak ako sa balikat ni Jhay. "Ay, Sarreh okay? Sarreh. " Sabi ko.

Hanggang sa medyo kaya ko na mag lakad ng diretso. Hindi ko na siya hinahawakan.

.

.

.

.

... Habang naglalakad ako sa rink, bigla ba namang may sumulpot na nagiiskating rin, hindi ko naman napansin.

"Woaaaah----" Na out balanced ako, huhu. Syempre, napapikit ako.

Pero bakit parang ang tagal namang dumampi ng katawan ko sa sahig ng rink? Dahan-dahan ko na minulat ang aking mga mata, nasisilaw kasi ako sa ilaw eh, ano? drama na naman?! Hahahah.

"Jhay? "

Nagkatitigan kami, parang ang bagal nga ng oras e, parang wala ako ngayong naririnig ngayon except sa tibok ng puso ko, sobrang lakas.

Nasa ibabaw ko ngayon yung crush ko, si Jhay.

*dug dug dug dug dug dug dug.*

"Oh, okay ka lang ba Acee hija?" Naputol yung titigan namin buset.

Tumayo na ako at tumayo na rin si Jhay. "Ah, Opo. Okay lang po ako. " Sagot ko

"Ah, mabuti naman."

Pagkatapos naming mamasyal, malamang umuwi na kami. Konting sandali lang nakauwi na rin kami ni Mama, nakakalungkot lang kasi wala na dito si Jhay. Naninibago na uli ako. Mamimiss ko yun dito, mamimiss ko yung pagoorder namin nang maraming pizzas.

"Oh, ba't parang may problema ka ata? What is it?"

"Psh, wala yon. Wala naman akong problema eh. Pagod lang kasi ako at inaantok."

"Hindi ka na kakain ng hapunan? "

"Hindi na, nabusog na ako kanina sa mang inasal. Hehe" Unlimited rice ba naman yung kanin no, tas sobrang laki pa ng manok.

Dumiretso na ako sa kwarto ko, at nagmuni muni muna, hanggang sa hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Kapagod. Baka mapaganipan ko yung nangyari kanina ah. Sana nga mapanaginipan ko, para kahit sa panaginip man lang eh matuloy!

Nerd noon, Artista ngayon. [Under Revision]Where stories live. Discover now